CHAPTER FIVE
PARANG-ISANG birong mabilis na dumaan ang mga araw kay Helene. Lingo na at isa lang ang ibig sabihin niyon. Anytime now, susunduin na siya ni Rowell papuntang Alaminos. Now, what will she do?
Kagabi pa siya natapos mag-impake para sa isang linggong pamamalagi doon. Kung ano man ang mangyayari, bahala na si Batman. Hindi rin naman niya alam kung kaya talaga niyang gawin ang pagpapanggap na iyon. Kahit pa siguro anong gawin niya, kung hindi rin tutulong si Rowell, hindi rin magiging successful.
“Helene.” Pumasok sa loob ng silid niya si Helena. “Handa ka na ba?”
Pilit siyang ngumiti. Sa hitsura kasi ng ate niya, parang mas natatakot pa ito sa kanya. “Oo naman, Ate. Hindi ko naman ito papasukin kung hindi ko kaya, ‘di ba?”
Nararamdaman niyang gusting umangal ni Helena. Subalit nanatili na lang itong tahimik. Marahil ramdam na rin nito na hindi na siya puwedeng umurong ngayon. Probably, malapit na si Rowell sa condominium building kung saan sila naroroon at ilang minuto na lang ay aalis na siya kasama ito.
“Mag-ingat ka dito, Ate, ha?” aniya kapagdaka. “I’ll call you once we reach Alaminos.”
Niyakap siya ni Helena. “No. You take care of yourself, little sister. Hindi biro ang pinasok mong ito. Anytime, Dona Luella will know about this charade. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari kapag natuklasan niyang niloloko lang ninyo siya ni Attorney Rowell.”
“Haharapin ko kapag nangyari iyon, Ate. Hindi naman siguro ako ibibitin ni Rowell sa ere kapag nangyari nga iyon.”
“Sana lang, Helene. Sana lang.”
Kumalas siya rito nang marinig niya ang isang katok sa pintuan. “That must be your boss.”
Tumayo si Helena upang pagbuksan ito. Nakasunod siya rito dala ang isang di-kalakihang maleta kaya halos matalisod siya nang bumulaga sa harapan niya ang imahe ni Rowell. Simpleng green t-shirt lang ang suot nito na tinernuhan ng isang black denim pants. His hair was kind of disheveled but it did not do anything to lessen his good looks. Mas lalo pa ngang naging guwapo ito. At siya, sinisimulan na niyang pakalmahin ang puso niyang bigla na lang nawala sa katinuan dahil sa mabilis na pintig nito.
Lord, bakit kailangang ganito siya kaguwapo?
“Good morning,” nakangiting bati ni Rowell. Nang lumanding ang mga mata nito sa kanya ay parang gusto niyang bumalik sa loob ng kuwarto niya. Bakit ba kailangang parang nangungusap ang mga mata na iyon? “Helena, I’m here to fetch Helene.”
Tumango lang ang Ate niya. “Helene.”
Yumakap muna siya kay Helena bago siya iginiya ni Rowell palabas ng unit nilang magkapatid. Wala silang imikan hanggang sa marating nila ang BMW convertible ni Rowell.
“Is there something wrong, Helene?” tanong ni Rowell sa kanya nang matapos itong pumuwesto sa harap ng manibela. “Kanina ko pa napapansin na masyado kang tahimik.”
She faked a yawn. “Wala naman. Medyo ina-antok lang ako.”
Naka-bukas ang hood ng convertible ni Rowell kaya hindi mahirap para sa kanya na magkunwaring inaantok. The cold morning air was kissing her face. Wala sa loob na iniyakap niya ang kanyang mga braso sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
The Heart's Play (Soon to be PUBLISHED)
RomanceUNDER CONSTRUCTION... -------------------------------------------------------------------------------------------------- This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are us...