CHAPTER FOUR
“CHESKA’S father died when she was just twenty. I was twenty-five back then. Halos hindi na siya kumakain nang mamatay si Tito Viel. Gusto pa nga niyang mag-bigti.” Huminga ito ng malalim saka nagpatuloy. “Pinatira namin siya ni Lola sa amin dahil natatakot ako na baka may gawin siyang masama sa sarili niya. I promised her that I will avenge her father’s death. Isang sindikatong may galit kay Tito Viel ang pumaslang sa kanya.”
Nanatiling tahimik si Helene habang pinapakinggan niya ang sinasalaysay ni Rowell. Despite of the strange searing pain in her heart, hindi pa rin niya mapigilang pakinggan ang kuwento ng binata. Somehow, she wanted to hear about the girl he had fallen in love with. Masokista siguro siya dahil sa halip na umiwas, heto siya at nakikinig pa.
“So, ano na ang nangyari? Naggawa mo ba ang ipinangako mo kay Cheska?”
“Yes. I was able to even the score for her father.” Kitang-kita niya ang kislap sa mga mata ni Rowell. A certain sparkle na hindi niya pa nakita sa binata. Ngayon lang, habang ikinukuwento nito sa kanya ang tungkol sa babaeng mahal nito. “Masayang-masaya si Cheska noon. Hinding-hindi na siya malulungkot. Iyon ang sabi niya sa akin. Madali na niyang matatanggap ang pagkawala ng papa niya dahil alam niyang nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay nito.”
“Nasaan na si Cheska ngayon?” Parang isang bulong na lumabas ang tanong na iyon mula sa kanya.
“Nasa France siya. Tinatapos niya ang kanyang pag-aaral sa theatre. She’s into opera. Mahilig siyang kumanta. She can also dance.”
Ramdam niyang mahal talaga ni Rowell si Cheska. A big hand clutched her chest with that apprehension.
“Bakit pa pala tayo nagpapanggap ng ganito kung may hinihintay ka naman palang Cheska?” Hindi niya intensyong sabihin iyon dahil alam niyang hindi maganda ang idudulot niyon. Pero wala na siyang control sa sarili niya. “Puwede mo naman sigurong sabihin sa Lola mo na siya ang hinihintay mo. Na hindi mo pa puwedeng iharap sa kanya ang babaeng mahal mo dahil nasa ibang bansa pa ito. Hindi ko naman pala kailangang manloko.” Ngumiti siya sa kabila ng kirot na nararamdaman niya. “Salamat! Makakahinga na ako ng maluwag!”
Doon niya napansing narating na pala nila ang condominium building. Akmang iibis si Rowell mula sa harap ng manibela para pagbuksan siya ay pinigilan niya ito.
“Ako na. Kaya ko na.”
“But, Helene…”
“Whatever your explanation is hinggil kay Cheska, I don’t need it. Hindi ko alam kung ano pa ang iba mong rason sa pagpapanggap nating ito. But, as I said, you have your reasons. You will pay me in due time with regards to my services.”
Hindi na niya hinintay pa ang reaksyon nito. Wala na rin siyang pakialam kung ano man ang isipin ni Rowell sa biglaang shift ng kanyang mood. All she cared was to stay away from him for the meantime. Meantime.
Napasandal siya sa loob ng elevator papunta sa unit nilang mag-ate. Gusto niyang sumigaw at umiyak. Hindi na lang sana siya pinaramdam ni Rowell ng ganoong kaguluhan sa puso niya. Hindi na lang sana siya nginitian nito at pinakitaan sa tunay na pagka-tao nito. She shouldn’t have ignored the caution bells ringing inside her mind. Dahil ngayon pa lang, the realization was too painful for her. She is in love with Rowell Ferrera.
Anong klaseng puso ba meron ako?
Nang makarating siya sa kanilang unit ay agad na dumiretso siya sa kuwarto niya. Narinig niya ang katok ng kanyang ate.
BINABASA MO ANG
The Heart's Play (Soon to be PUBLISHED)
RomansaUNDER CONSTRUCTION... -------------------------------------------------------------------------------------------------- This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are us...