CHAPTER NINE
HINDI NAMALAYAN NI Rowell ang oras habang nasa loob siya ng kanyang silid. Wala siyang kasong hinahawakan ngayon pero heto siya, tulala at ni ayaw kausapin ang kahit na sinuman. Dalawang araw na siyang nasa ganitong kalagayan na para bang ayaw na niyang may makakita sa kanya.
Wala naman siyang iniisip pero gusto niyang palagi na lang siyang nakatulala at nakatingin sa kawalan.
Narinig niyang nag-ingay ang kanyang cell phone. Kasabay ng isang buntong-hininga ay sinagot niya ito.
“Rowell,” si Cheska iyon.
“Yes.”
“Ayos ka lang? I haven’t seen you for days. Tinanong ko na rin ang Lola Luella kung nasa Alaminos ka pero ang sabi niya’y wala raw. Alam kong wala kang hinahawakang kaso ngayon pero nag-aalala ako dahil ni hindi ka man lang tumatawag o ano.” Puno nga ng pag-aalala ang boses nito.
“I’m doing great, Cheska,” aniya sa mahinang boses. Hindi niya alam kung ito ang kinukumbinsi niya o ang sarili niya. “I just wanted to rest, that’s all.”
“It’s about Helene, isn’t it?”
Now, that hits the spot. “I guess.”
“What about her? Akala ko ba, mahal mo siya? Bakit wala pa yata akong naririnig na progress sa inyong dalawa?”
Nasabi niya kay Cheska ang bagay na iyon noong umalis si Helene pabalik sa Maynila. He was about to confess his true feelings to Helene nang mga panahong iyon. Hinintay lang talaga niyang makabalik si Cheska upang bigyang linaw ang lahat sa kanila. But Helene left him barren.
Nang makita niya ito sa loob ng building ng Cray Unlimited noong nakaraang linggo ay parang gusto na lang niya itong sugurin ng yakap at halikan. Pero nang makita niya ang mga mata nitong sinlamig ng yelo, hindi niya naggawa ang mga bagay na iyon. Sa halip ay sinaktan niya ito. Physically. Sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit sa braso nito.
He almost kicked himself when he saw that her wrist turned red because of the tightness of his grip. Hindi niya intensyong gawin iyon. Masyado na lang talaga siyang naging frustrated dahil mukhang siya lang ang may nararamdaman para dito. Ni hindi ito naging apektado sa pagkikita nila. Tahasan pa nitong sinabi na naging maayos ang buhay nito mula nang umalis ito palayo sa kanya.
“So, what’s your plan, Rowell?” untag ni Cheska sa pag-iisip niya. “Don’t tell me that you’re going to give up that easily?”
Napa-iling siya. “Hindi ko alam.”
“Oh, come on, Rowell,” nasa boses nito ang panunuya. “If you can make your adversaries tremble with just one look then, surely you could make Helene love you with just one look. Trust me, Rowell. Babae rin ako.”
Hindi siya nakapagsalita kaya nagpatuloy ito. “Kapag sa loob ng isang linggo ay hindi mo pa naipagtatapat iyang pag-sintang pururot mo, humanda ka sa akin, Rowell.”
Again, hindi na naman niya nagawang sumagot dahil tinapos na ni Cheska ang tawag. “Kung minsan talaga ang hirap intindihin ng babaeng iyon.”
Nag-ring na naman ang cell phone niya. It was his grandmother.
“Hello, Lola?”
BINABASA MO ANG
The Heart's Play (Soon to be PUBLISHED)
RomanceUNDER CONSTRUCTION... -------------------------------------------------------------------------------------------------- This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are us...