Chapter 10

80 1 0
                                    

CHAPTER TEN

          

 “CAN WE TALK NOW?”

          Tumango si Helene habang iniiwas niya ang kanyang mga mata kay Rowell. Maaaring hindi na niya maitatago ang kanyang nararamdaman pero kailangan pa rin niyang maging matatag sa harapan ng taong mahal niya. Kung humantong man ang madugong usapang ito sa wala, at least, matatag siya sa huli nilang pagkikita ni Rowell.

          “Why did you left, Helene?” diretsang tanong ni Rowell sa kanya. Kumpara noong huli nilang pagkikita, wala na ang galit sa mga mata nito. Hindi na rin nanunuri ang mga titig nito. Sa halip, bakas sa mga mata nito ang sakit at pait.

          “Dahil hindi mo na ako kailangan.”

          “Paano mo nasabing hindi na kita kailangan, Helene? What made you think that way?” pati ang boses nito ay punung-puno ng pait.

          Kumawala ang hikbing kanina pa niya pinipigilan. “Hindi ko… alam. Dumating na si Cheska. Ano pang saysay ko doon?”

          Nanatili itong tahimik sa halip na sagutin ang tanong niya. She took it as a sign that she should continue speaking. She braced herself. It’s time. “Alam mo bang naging madali na lang para sa akin ang charade nating iyon dahil hindi na ako umaarte sa harapan ng lola mo?” Sinalubong niya ang mga mata nito. “Hindi ko magawang dayaan ang sarili ko, Rowell. Hindi ko magawang takasan ang bawat pintig ng puso ko. That was not a charade anymore for me because I have fallen in love with you. I have loved you despite the fact that you’re snobbish, cold-hearted and cruel. Minahal kita sa kabila ng kaalaman kong hinihintay mo pa rin ang pagbabalik ni Cheska. Minahal kita kahit na alam kong nagpapanggap lang ako bilang girlfriend mo. Naging madali para sa akin na ipakita sa Lola mo na in love ako sa iyo dahil hindi na ako nagpapanggap sa mga panahong iyon, Rowell. Totoo na ang ipinapakita kong pag-ibig sa iyo.”

          Hindi niya magawang hulaan kung ano ang iniisip Rowell sa mga sandaling iyon dahil nanatiling blangko ang ekspresyon sa mukha nito. Nanlumo siya. For her, that was the so-called rejection without words.

Totoo pala talaga ang sinasabi ng mga taong nakaranas nang magmahal at masaktan. Love is a bittersweet thing. Kung gusto mong malaman kung nagmamahal ka na nga ba talaga, kailangan mong masaktan. Only then you will know that you have truly loved someone. Iyon ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya magawang magsisi na minahal niya si Rowell sa loob ng maikling panahong pinagsamahan nila. Nasasaktan siya, oo. Pero hindi iyon dahilan upang hindi niya ipagmalaki na nagmamahal siya ng totoo.

She sighed. “That’s all I have to say, Rowell. I have to go inside. Kailangan ko pang kumanta para sa kasal.”

Tatalikod n asana siya nang mag-salita si Rowell. “Would you do the honor on singing for our wedding day?”

Halos gusto niyang takasan ng ulirat sa sinabi nito. Marahas na nilingon niya ito. “I beg you pardon?”

“I said, okay lang ba sa iyo na kumanta rin sa araw ng kasal natin?”

Kasal? Nila? Bakit sila ikakasal? Nag-tapat siya ng pag-ibig, oo. Pero wala siyang natatandaan na nag-propose siya ng kasal sa Herodes na ito. Ano bang pinagsasasabi ni Rowell? Nasisiraan na ba ito ng bait?

“Okay ka lang?” sadyang hinaluan niya ng sarkasmo ang kanyang boses. “Ano bang sinasabi mo riyan?”

Inisang hakbang ni Rowell ang distansyang nakapagitan sa kanilang dalawa. Pagkatapos ay masuyong ikinulong nito ang kanyang mukha sa mga palad nito. His eyes were full of fondness and love. Na para bang bumata ng sampung taon ang edad nito.

The Heart's Play (Soon to be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon