CHAPTER TWO
KAHARAP ni Helene ang isang cup noodles habang naka-upo siya sa verandah ng kanilang condo unit. Gabi na at kitang-kita niya ang iba’t-ibang kulay ng mga ilaw sa buong Kamaynilaan.
Hanggang ngayon ay pinag-iisipan pa rin niya ang nakaka-windang na offer ni Rowell. Hindi niya mapigilan ang sarili na i-consider iyon dahil may kung anong meron sa lalaking iyon na parang gusto niyang malaman. Para kasing nangungusap ang mga mata nito. Kung hindi lang sinabi sa kanya ng Ate niya na cruel at cold-hearted ito, malamang, sa unang tingin pa lang niya rito ay mai-in love na talaga siguro siya.
“Helene, nasaan ka?” Narinig niyang pumasok si Helena. Nakarating na pala ito galing sa trabaho.
“Nandito ako sa verandah, Ate.”
Naramdaman niyang pumasok ang kapatid niya mula sa sala. May isang pintuan kasing nag-uugnay sa verandah at sala ng unit nila. Tinabihan siya nito. “Bothered by the offer?”
Napabuntong-hininga na lang siya. “Siyempre naman, Ate. What do you think? Ipagsawalang-bahala ko na lang ang ‘proposal’ na iyon ng iyong amo? Nakaka-windang kaya ‘yon!”
“Totoo nga. Kahit ako, hindi ko lubos ma-isip na iyon pala ang pinaplano ni Rowell.”
“Ate?”
“O. Bakit?”
Nilingon niya ito. “Bakit ganoon katindi ang kagustuhan ni Rowell na may maiharap na girlfriend sa lola niya? And why doesn’t he have a girlfriend?”
Ilang sandali muna ang lumipas bago sinagot ng kapatid niya ang tanong niya. “I guess you should know who Rowell really is, now that you are considering his offer.” Bumuntong-hininga ito bago nagpatuloy. “Rowell’s parents died in a plane crash. At si Doña Luella ang siyang kumupkop sa kanya matapos ang trahedyang iyon. He was just five years old when that happened. Malaki ang naging impact ng trahedyang iyon sa kanya dahil masyadong malapit si Rowell sa mga magulang niya. To the point that he almost committed suicide dahil hindi na niya kaya ang pangungulila niya sa mga magulang.”
She was shocked. Hindi niya akalaing ang isang de-kalibreng abogado ay nag-attempt na mag-suicide noong kabataan nito. Nanatili lang siyang tahimik dahil gusto niyang pakinggan pa ang nalalabing kuwento tungkol sa buhay ni Rowell.
“Si Doña Luella ang naging sandigan niya sa buong buhay niya. At ni minsan ay hindi pinagkaitan ni Attorney ang kanyang lola sa kung ano man ang mga kahilingan nito.” Her sister turned to her. “At ang kahilingan nito ngayon ay ang malamang isang mabuting babae ang pinili ni Attorney Rowell para maging nobya. Gustong malaman ng abuela nito na nasa mabuting kamay ang apo.
Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Ang laki naman pala ng responsibilidad niya kapag nagkataon. Kailangan niyang umarte na parang si Maria Clara. Isang butihing babae na kayang alagaan ang nobyo kahit na ano pa ang mangyari.
“Ate, hindi ko yata kaya.” She hugged her knees. “Parang ang hirap naman kasi ng ganyan. Paano kung mahalata ng lola ni Rowell na…”
Natigilan siya. Now, why did mentioning his name gave her shivers? May ganoon? Para kasing bigla siyang may naramdamang kuryente mula sa kung saan dahil lang sa pagkakabanggit niya sa pangalan nito.
“Na?” untag sa kanya ni Helene.
“Na hindi pala totoo ang relasyon namin. Na pinagpanggap lang pala ako ng abogadong iyon.”
BINABASA MO ANG
The Heart's Play (Soon to be PUBLISHED)
RomanceUNDER CONSTRUCTION... -------------------------------------------------------------------------------------------------- This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are us...