Chapter 7

81 0 0
                                    

CHAPTER SEVEN

         

    ALAS SINGKO Y MEDYA pa lang ng madaling araw ay nasa dalampasigan na si Helene. Gusto niya kasing makita ang pag-sikat ng araw. Naka-suot pa nga siya ng kanyang pajama. Pinaibabawan lang niya iyon ng makapal na jacket upang kahit papaano ay hindi masyadong manuot ang lamig sa kanyang kalamnan.

          She closed her eyes as she breathed the fresh morning air. Napaka-relaxing niyon. Somehow it did wonders to her confused soul. This is the life!

          “You’re early. Naunahan mo ako.” A deep, gentle voice made her open her eyes. Kahit hindi siya lumingon ay alam niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Si Rowell. Kahit sa sandaling panahon na nakasama niya ito, parang naggawa na niyang i-memorize ang ganda ng boses nito.

          Wala siyang balak na makipag-talo rito kaya nakatili lang siyang nakatayo sa tabi ng dalampasigan habang nakatuon pa rin ang kanyang paningin sa dagat. “Na-isip ko lang kasi, sayang naman kung hindi ko mapapanood ang pag-sikat ng araw. Walang ganitong tanawin sa Maynila.”

          Naramdaman niyang lumapit sa tabi niya si Rowell. “Tama ka. Puro mga buildings lang ang naroroon.”

          “Ang aga mo yatang nagising?” tanong niya kay Rowell.

          “Gaya mo, gusto ko ring mapanood ang sunrise. Sa tuwing umuuwi lang ako rito nakakapanood ng pag-sikat ng araw.”

          Wala sa loob na mahigpit niyang niyakap ang kanyang sarili nang umihip ang malakas na hangin. Preskong-presko iyon pero malamig naman.

          “You’re feeling cold, Helene.” Puna ni Rowell. “Ang mabuti pa’y doon na lang natin sa azotea panoorin ang pag-sikat ng araw. Kahit papaano’y hindi masyadong malamig doon.”

          “No. Gusto ko rito. Kaya ko naman ang lamig, eh.”

          Napasinghap siya nang maramdaman niyang puma-ikot sa kanya ang mga bisig ni Rowell. Yinakap siya nito mula sa likuran. Agad na bumilis ang pag-tibok ng kanyang puso dahil sa yakap na iyon. Sinubukan niyang lumayo ngunit mas lalong humigpit ang yakap nito. She could swear that he could hear her heartbeat.

          “Let’s just stay like this for a while, Helene.”

          “Pero-…”

          “Medyo pagod na akong makipag-tagisan sa iyo,” agap nito sa sasabihin niya. “Hindi naman siguro masamang ganito lang muna tayo. Kahit ngayon lang.”

          Naguguluhan man ay pinili na lang din niyang manahimik. Kung sabagay, masarap sa pakiramdam na yakap-yakap siya ni Rowell ngayon. The feel of his solid chest against her back was more than a balm’s effect. Mas nakaka-relax at nakakawala ng lamig ang yakap nito.

          With all the courage she can muster, she raised her hands to hold his arms that were wrapped around her. Naramdaman niyang biglang lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya. Pero pinanatili niya ang kanyang mga kamay sa bisig nito. Mas hinigpitan nito ang pagkakayakap at itinukod ang baba nito sa kanyang kanang balikat.

          Sayang! Picture perfect sana ang moment na ito.

          Pero kahit na siguro walang camera para kumuha sa moment nilang iyon ay ayos lang. Na-capture na rin naman ng puso niya ang yakap nilang iyon ni Rowell.

          “Bakit ang sarap mong yakapin?” mahinang bulong ni Rowell sa kanya.

          Napalunok siya ng maramdaman ang mainit na hininga nito sa kanyang punong tainga. Naman!

The Heart's Play (Soon to be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon