[1]

1.6K 32 4
                                    

[I’m In Love with my GAY best friend]

[1]

Naglalakad ako sa may Gym ng school ng bigla kong matapakan ang paa ng isang lalaki. At putek! Na-out of balance siya kaya natumba kami pareho. Siya ang nakahiga ako naman ang nakapatong sakanya. At sa di malamang dahilan naglapat ang aming mga labi na kinadahilan ng paglaki ng mata ko.

My First Kiss.

Nawala na. napunta na sa isang SIRENA?..

“OMYGOD. Anong ginawa mo sa fist kiss ko.” Maarteng sabi nung bakla.

Sabi niya First kiss so ibig sabihin first kiss niya ako?. OMYGOD.

“Kinuha mo ang first kiss ko. Panagutan mo ako, panagutan mo ako!” nag ngangangawa na sabi nung bakla.

“Excuse me. Hindi lang po ikaw ang nakuhaan ng first kiss dito. Ako din po.” Ani ko.

Pero tinaasan niya lang ako ng kilay. “Eh sino ba satin ang tatanga tangang naglalakad.” Aba kaasar to ah.

Sayang ang gwapo pa naman. SIRENA nga lang. papayag na sana akong sakanya nalang mapunta ang first kiss ko, kung hindi lang siya bakla.

“Sorry naman. Atsaka. Lakas mo namang magsabi ng panagutan kita. Parang nabuntis ka lang ah.” Asik ko.

“Hoy babaeng hindi ko alam ang pangalan. Hindi mo ba nakikita, nawala na saakin ang magaganda kong labi kasi inagaw mo na. langya ka.” Ang arte naman ng baklang to.

“Sinadya ko ba yun?. Hindi naman ah.” Sambit ko.

“Sinadya mo man o hindi. Huli na! nawala na saakin ang pinakamamahal kong labi.”

“Ay ewan ko sayo,.” Sabi ko sabay tinalukuran na siya. Kaso pinigilan niya ako at hinila pabalik sa kanya.

At habang tinitingnan ko ang mukha niya. Doon kusang tumibok ang puso ko.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?. Sasabihin ko nga to kay Mom.

Nakatitig lang ako sa mukha niya. Habang dakdak siya ng dakdak.

Anong nangyayare saakin.?.

“Bakit ka ba nakayakap saakin?” nandidiring sabi niya.  siya kaya itong humila saakin, tapos hindi niya ata napansin na nakayakap ako sakanya. Tss.

“hinila hila mo ako tapos, sasabihan mo ako ng ganyan.” Sabi ko.

Inirapan lang ako ng bruha.

“Kailangan panagutan mo ako.” Hanggang nagyon parin ba pinagpipilitan niya saakin yan.

“Ok sige na. ano ba yung pananagutan ko sayo.” Kahit hindi ko to kilala bahala na.

“Be my bestfriend.”sambit niya na nagpatulala saakin.

“Ano?”

“Bingi ka ba. Sabi ko be my bestfriend.”

“Bakit naman ako papayag diyan sa gusto mo aber.” Sabi ko.

Lumapit siya saakin at inakbayan ako. “Kasi alam mo girl. Sa panahon ngayon, dapat magkasama ang magaganda at magaganda, tulad mo maganda ka kaya dapat maganda din ang sasamahan mo tulad ko. Oh diba! Pak na pak.” Natutulala lang ako sakanya habang sinasabi yan.

Baklang bakla.

“Ou na. sige na papayag na ako.”

Ngumiti naman siya na parang ewan doon pero nahuhumaling talaga ako sakanya.

[End Of Flachback]

Nagpakawala akong isang buntong hininga, habang nakikita kong kumakain sa harap ko si Denise.

Bakit ako tandang tanda ko pa kung paano niya pinakaba ang dibdib ko?. Siya kaya ganun din ba?.

“Hoy babaeng impakta. Kumain kana nga” sabay sinubuan  niya ako ng isang sandumakmak na kanin sa bunganga.

Langya talaga tong bestfriend ko. Hindi man lang marunong maging sweet. Langya eh noh! Kung hindi ko lang to mahal baka pinatay ko na to.

“Buset ka talagang bakla ka eh noh” inis na sabi ko habang tapos ko na manguya yung sinubo niya saakin. Buset talaga ito.

Tinakpan niya agad ang bunganga ko. “shhh. Huwag ka ngang maingay na bakla ako. Alam mo namang ikaw lang ang nakakalam nun diba.?”

Inirapan ko lang siya. “Ou na.”

Hay, paano ba ako apasok sa ganitong set-up. Haha! Yung tipong gusto ko siyang tingnan niya ako as girlfriend material hindi bestfriend material.

Naranasan niyo na bang Makita yung taong mahal niyo na nahuhumaling sa lalaki?. Ako OU ilang beses na. para ngang mas gusto ko pang babae yung kinahuhumalingan niya Kaysa sa lalaki. Feeling ko mas doble ang sakit, ay hindi triple pala. Ang sakit na iadmit sa sarili mo na hindi kaniya kailanman makikita kasi iba ang hanap niya.

Hanggang dito nalang ba ako?. Hanggang dito nalang ba ang pagmamahal ko?. Wala na bang iuusad ito?.

Ayan na naman ang luha sa mata ko. Tutulo na naman.

Tumalikod ako sakanya para hindi niya Makita ang luha ko. Ganito naman palagi ang nangyayare sa buhay ko eh. Ang tatalikud para hindi niya malaman na siya ang dahilan ng palagi kong pagiyak sa gabe.

Minsan naiisip ko, paano kung sukuan ko nalang siya?. Makakaya ko ba?.

[End of Part 1]

I'm In Love with my GAY best friend?? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon