[2]

1K 34 3
                                    

[I’m In love with my Gay best friend]

[2]

“Atey, ang tagal mo namang kumilos, em so excited to watch na si papa Walter” maarteng sabi saakin ni Denise habang hinihila ako. Langya to, parang hindi palagi nakikita.

“Ito na oh. Wait lang…” sabi ko habang pababa na nang kwarto ko.

Ou sinundo niya pa talaga ako sa bahay para lang hindi malate sa game nila Walter. Hay naku.

Pagkalabas namin ng bahay, sakto namang nakita namin si Mama.

“Saan kayo pupunta Jorvs?” tanong niya saakin.

“Ah diyan lang po sa tabi tabi tita.” singit niya at ngumiti kay mama.

Tss. Bakit kapag kaharap niya si Mama o sino paman, bakit lalaki siya?. Bakit kapag ako bakla siya. Tss.

“Alam mo mas bagay talaga sayo ang lalaki kaysa sa bakla” asar ko sakanya habang naglalakad kami.

“Ano ka ba girl, hindi nga ako lalaki. Ako’y isang dyosa na pinadala dito para matalbugan ang mga kagaya niyong impakta”maarteng sabi niya.

Natawa nalang ako. Para kasing ang natural  lang niyang iact yun eh hindi naman bagay. Hay naku.

Kapag nga nasa school kami, napagkakamalan kaming mag-jowa nito eh, kasi kami lang naman ang palaging magkasama.

“Okay sabi mo eh.”

“Aminin mo na kasi Girl na mas maganda ako sayo.” Sinamaan ko siya ng tingin.

“Ganda mo mukha mo.” At tumakbo na ako pero siya naman hinahabol ako.

“Anong sabi mo?”

“Bakla ka.”matawa tawa kong sambit habang tumatakbo.

“Girl naman, sinabi na ngang huwag mo akong tawagin niyan eh.”inis na sambit niya.

“Why not. Cute nga eh.”

“Humanda kasaakin kapag naabutan kita” at kumaripas na nga siya ng takbo para mahabol ako.

Hahaha! Sana ganito nalang palagi, yung tipong ang saya saya niyo, yung tipong ganito, sana hindi na kami bumalik sa reyalidad na tunay siyang bakla.

“Huli ka!” sabi niya habang hawak hawak niya ako sa bewang.

“Grabe ka ang bilis mo namang tumakbo.” Sambit ko habang nasa likod ko siya. Hinihintay ko siyang magsalita pero nakatitig lang siya saakin. Anong nangyare dito?.

“Uy, ok ka lang?” tanong ko. Hindi parin siya nakibo at hindi rin gumagalaw.

“Uy.”sabi ko ulit at doon na siya natauhan.

“Ano nga ulit yung sinasabi mo?”sabi niya.

“Wala, tara na nga!”at hinila ko na siya, hindi na din naman siya nakapalag. Ano kaya ang nangyare dito.

Pagkarating namin ng Gym. Madame na kaagad tao, natural. Isa kasi si Walter sa pinakasikat na basketball player dito, at isa rin siya sa heartrob ng school na ito. Pero para saakin nangunguna pa din ang Bestfriend ko. Kung hindi niyo natatanong, Heartrob din yan, kaya nga madame ang nangaaway saakin dito eh, ang hindi nila alam. Isa siyang Sirena.

“Girl. Okay ka lang ba?” tanong ko kay Denise, pansin ko lang kanina pa siya tulala.

Tumango naman siya.

“Gusto mo juice.” Alok ko sakanya pero umiling lang siya. Tss. Bahala ka nga diyan. Basta ako manunuod. Hehe!

“Go Waaaalllllltttteeeerrrr” sigaw ko doon. Nakangiti ako habang tumitingin kay Denise bakit parang kanina niya pa ako tinitingnan?. Ayaw niya ba na chine-cheer ko si Walter para sakanya?. Nakakapagtaka tong lalaking ito, noong nakaraang laban ni Walter, galit na galit siya saakin kasi hindi ko daw chine-cheer si Walter my Loves niya. Tumigil na ako sa kaka-cheer doon at umupo na sa tabi niya.

“May problema ka ba?” tanong ko.

Tumingin siya saakin. “Wala. May gumugulo lang sa utak ko.”

“Tell me. Para saan pa at naging bestfriend mo ako kung hindi mo naman pala isha-share saakin ang problema mo.”

“Wala to. Jorvs. Sige na ipag cheer muna si Walter.”

Tumayo ako nang nagtataka at sinunod ang gusto niya.

Sigaw lang ako ng sigaw doon at tuwang tuwa habang nakaka-shoot si Walter. At Whoooo. Panalo sila.

Isa isa nang nagsilabasan ang mga tao sa Gym pero yung katabi ko. Tulala pa din. Ano na ba ang nangyayare sakanya.

“Uy. Tara na!”yaya ko sakanya.

Tiningnan niya lang ako at hinila para makaupo.

“May sasabihin ka ba?” tanong ko. Nakatitig lang siya saakin.

“Paano kung mainlove ako-” hindi niya natapos ang sasabihin niya ng may biglang sumigaw na nagpakuha nang atensyon ko.

“Ikaw. Na nakapink ang damit” biglang sigaw nung lalaki. Napatingin ako sa baba ng gym. At si Walter lang naman ang nakita ko na nakatingin saakin.

Napatingin ako sa damit ko.Ako ata naka-pink ako e. Tumingin ako ulit kay Walter. Sumenyas lang siya na pumunta daw ako doon sa baba.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko?. Pupunta ba ako o hindi?. Pero paano naman si Denise dito?.

Tumingin ako kay Denise. “Ano nga ulit yung sinasabi mo?” tanong ko.

“Wala yun. Sige puntahan mo na siya.” Sabi niya saakin.

Nagtataka talaga ako sa inaakto niya saakin. Parang may iba talaga sakanya, katulad ngayon. Dapat nagkakandarapa na yan ngayon kasi finally mapapansin na siya ni Walter pero tingnan niyo naman ngayon, nakaupo lang siya habang ang lalim ng iniisip.

“Hindi ko pupuntahan yun, hanggang hindi ka nagiging ok.” Nakangiting sambit ko.

Ayan na naman po ang mga titig niyang nagpapakabog ng dibdib ko.

“Uwe na tayo.”yaya niya saakin. Tumango lang ako. Baka nga masama ang pakiramdam niya kaya ganyan siya ngayon.

Tumayo na ako at ganun na din siya. Kaso naalala ko nga pala, tinatawag nga pala ako ni Walter.

“Walter. Sa susunod nalang”sigaw ko para marinig niya.

“Teka.” Sabi niya. Huminto naman kami ni Denise at hinintay namin siyang makaakyat sa lugar namin.

“Ano yun?” tanung ko nang makaakyat na siya.

“Ano pangalan mo.? Pansin ko kasi na todo ka kung maka-cheer saakin eh.”

Ngumiti nalang ako. “I’m Jorvina” sabi ko.

Tumingin ako kay Denise. Dream come true niya ito.

“Ito naman si De-”

“We have to go” at hinila na ako ni Denise paalis doon. Ambastus naman ni Denise, hindi pa nga ako tapos ipakilala siya eh. Akala ko ba Dream Come true niya yun?. Sabi niya pa nga saakin nun. Mahawakan niya lang daw ang kamay ni Walter pwede na daw siyang mamatay. Tapos ngayong ito na! ayaw naman niya.

Sira na ata ang ulo nito.

“Akala ko ba gusto mong makilala ka niya, bakit ngayon ayaw mo na?” sabi ko habang naglalakad kami paalis ng school.

“Nagbago na ang takbo ng utak ko.” Sagot niya.

Nagbago? As in nagbago? Hindi kaya? LALAKE na siya?

Lord. Sana po Lalake na ang Bestfriend ko, para naman pwede na maging kami. AMEN.

[End of Part 2]

I'm In Love with my GAY best friend?? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon