[7]

796 27 0
                                    

[I’m In Love with my GAY best friend]

[7]

“Jorvs.”tawag saakin ni Walter habang naglalakad kami papunta sa Gym. Isang lingo na ang nakalipas simula nang magkaharap harap kami nila Denise. Isang lingo ko na din siyang hindi nakikita sa school. Nagaalala na nga ako sa babaitang iyon. Kahit na hindi kami Ok ngayon, alam kong magiging ok din kami sa takdang panahon. Hehe!.

“Oh.”sagot ko kay Walter.

“Pwede ka ba ngayong sabado?” napatingin ako sakanya.

“Para saan?”

“Yayayain sana kitang lumabas. Kung ok lang sayo.”

“Sure.”diretsong sagot ko. Nakakahiya naman kasi kapag tinanggihan ko siya diba?. Ataka libre yun, grasya ba! Kaya Go.

“T-talaga!” nagaalangang tanong niya.

“Ayaw mo ata eh. Sige huwag nalang.”bawi ko.

“Oy. Hindi ah”. Natatawa nalang ako sa itsura niya. Para kasing nalugi nung binawe ko. Haha!

--------------------------------------------------

Sabado na.

[Ang bilis noh. Hehehehe]

Ang sabi saakin ni Walter, susunduin niya daw ako kaya hinihintay ko nalang siya dito sa sala ng bahay namin.

“Saan ka pala ngayon?” tanong saakin ni Mama habang naghahanda ng tanghalian namin.

“Lalabas ma. May nagyaya saakin na lumabas eh.”paalam ko.

“Sino naman yan?” tanong niya.

“Walter ang pangalan Ma.”

“Nanliligaw ba?” muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang sabihin yun ni Mama. Nanliligaw daw?.

“Hindi ah. Friends lang kami.”sagot ko.

“Okay. Sige sabi mo eh.” At nanahimik na siya. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa panunuod ulit ng Tv. Ang tagal naman ng lalaking yun. Tss!

Tulog nga muna ako…

ZzZzZzZz.

“Jorvs.”

“Jorvs.”

“Jorvs”

“Mahal kita. Mahal na mahal kita.” Hindi ko masyadong Makita ang mukha niya kasi nakatalikod ito saakin. Pilit ko siyang hinahabol pero the more na lumalapit ako mas lalo naman siyang nag nawawala sa paningin ko.

“Jorvs andito na ang sundo mo.” Nagising ako sa pang yuyugyog saakin ni Mama.

Panaginip lang pala iyon?. Kinusot ko ang mata ko at nakita ko kaagad si Walter na nakaupo na pala sa sofa. Hehe.Nakakahiya naman, nakita niya pa talaga akong natutulog.

“Ang cute mo palang matulog”aniya.

“Tara na. nambobola ka pa eh.”sabay hila ko sakanya doon. Langya, nakakahiya talaga! Huhu.

“Ma alis na kami.”paalam ko kay Mama.

“Okay sige. Enjoy kayo.”sabi niya.

“Ou naman po Tita. Sure po akong mageenjoy ang anak niyo.” Nakangiting paalam ni Walter kay Mama.

“Okay sige. Ingat kayo.”

“Opo.”

Pagkalabas namin ng bahay isang OMG na sasakyan ang bumulaga kaagad saakin. Like hello! Ang ganda niya. At mukhang mamahalin. Pwedeng hingiin. Dijokelang. Hehehe.

“Sayo to.?” Tanong ko kaagad.

“Yup.”sagot niya. Wow! Ang yaman naman ng nilalang na ito, dito na nga ako palagi didikit para palagi akong makasakay diyan. JOKE. Hindi naman ako mukhang kotse noh.

“Sige na sakay kana.”alok niya saakin. Pinagbuksan din naman niya ako ng pinto. Siyempre huwag nang magpatumpik tumpik pa. sakay na!

Hmmm. Ang bango. Halata mong bagong bago. Heheehe!

Pinaandar niya lang ang sasakyan niya at ngumiti saakin.

“Saan mo gusto pumunta?” tanong niya.

“Kahit saan.”sagot ko naman. Ang ganda talaga ng kotse niya swear. Hihihi!

Dinala niya ako sa Mall. Namasyal kami doon, at kung ano ano ang mga pinamimili niya saakin. Nahihiya na nga ako eh, kasi may pera naman ako, bakit kailangan pang ganito.? Mamaya isipin niya hunuhut-hutan ko siya.

Sunod naming destinasyon ay sa isang restaurant. Ang taray talaga ng lalaking ito. Ang datung!!. :D

Umorder siya doon at siya na din ang umurdor nang saakin. Nahilo kasi ako sa mga prices.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ng biglang may dumaan sa gilid namin na isang lalaki.

Napatitig ako sa likod nung lalaki. Kaparehang kapareha ito nung sa panaginip ko. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa lumingon siya sa kinaruruonan ko.

Si Denise?.

Anong ginagawa niya dito?. Ito ba ang pinagkakaabalahan niya nung nakalipas na isang lingo?.

Pero ano naman ang gagawin niya dito?. Tatayo na sana ako para puntahan siya nang bigla namang dumating ang order namin.

“Ok ka lang?” tanong saakin ni Walter habang inilalagay niya ang order ko.

Tumango ako. Pero naaalibadbaran talaga ako, kailangan ko talagang makausap si Denise.

Tumingin ulit ako kay Walter habang naguumpisa na siyang kumain.

“Walter Cr lang ako ah” paalam ko sakanya. Tumango naman din siya.

Bute nalang yung Cr ay malapit lang sa pwesto ni Denise.

Siya palang magisa doon at mukhang may hinihintay siya.

Umupo ako.

“Hi!” bati ko.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Wala. Managngamusta.”sabi ko habang nakangiti sakanya.

“Jorvs. Pwede ba bumalik kana doon sa pwesto mo.”

“Ayaw ko nga. May itatanong pa nga ako sayo eh.”

“Ano ba yun. Sige na itanong muna.”para siyang tuliro na hindi mo malaman kung bakit.

“Bakit ka Absent ng isang lingo?”diretsahang tanong ko.

“Pwede Jorvs. Huwag muna ngayon. Ok. Darating na yung hinihintay ko.” Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ibang iba na siya, mas ok pa palang bakla siya kaysa sa lalaki siya.

“Bakit naging lalaki ka bigla!” wala sa sariling sambit ko na nagpatahimik sakanya.

“Alam mo. Namimiss na kita. Bakit hindi kana lang ulit bumalik sa dati, matatanggap ko pa yun eh. Kaysa sa naging lalaki ka nga. Tinataboy mo naman ako.” Naguumpisa na namang tumulo ang luha sa mata ko.

“Jorvs. Kilala mo na ako, bata palang tayo. At alam mo din na may rason ako kung bakit ako nagkakaganito.” Aniya.

“Tell me. Bakit ba ayaw mong sabihin saakin, para mas maintindihan ko.”

“Hindi pa ako handa na sabihin sayo Jorvs” hindi ko na napigilan. Tumulo na naman ang luha ko. Kaibigan niya ako siba? Pero bakit hindi pwede?

Lumapit siya saakin at pinunasan ang luha ko.

“Pero isa lang ang masasabi ko sayo, nagbago ako ng dahil sayo”

[End of PART 7]

EMSOKINIKILIG.

I'm In Love with my GAY best friend?? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon