[4]

826 32 2
                                    

[I’m In Love with my GAY best friend]

[4]

Hindi na ako pumasok sa school. Naalibadbaran ako sa mga tao doon. Langya talaga! As in great.ako lang naman ang usap-usapan sa school. Matapos ko daw magsawa sa isa sa isa naman daw ako kumakapit. Feeling na tinakwil kana nga nang sarili mong kaibigan, pati ba naman school?.

Aaliwin ko nalang muna ang sarili ko dito sa loob ng mall. Sakit ng ko ulo sa school eh. Pumunta ako ng Odyssey para bumili nang mga koreanovela. Kailangan kong aliwin ang sarili ko. Habang naghahanap ako doon, may nakita akong isang palabas na tiyak akong magugustuhan ko. My god. Ang crush kong si Kim Soo Hyun ang title ay You who came from the star.

[Pasingit lang. panuori niyo po ang You who came from the star na ipapalabas ngayon sa GMA panggabe ata siya.. WAAH actually natapos ko na siya. Kaya ire-recommend ko na. ang ganda ganda niya promise. Hindi kayo magsisisi. KILIGMUCH]

Pagkauwe ko sa bahay namin. Nagtaka sila mama. Malamang! Ang aga ko kaya umuwe, eh dapat gabe pa uwe ko ngayon eh.

“Ang aga mo ata.”sabi nila.

“Basa ang blackboard” wala sa sariling sambit ko habang patuloy na umaakyat sa kwarto ko. Siguro pino-proceso pa nila sa isip nila yung sinabi ko. Haha! Minsan talaga ang slow ng mga magulang natin, noh?. Haha!

Pagkapasok ko sa kwarto. Diretso kaagad ako sa kama ko. Lintek na naman na luha to oh.! Ayan na lumabas na. langya talaga. Naalala ko na naman ang sinabi niya saakin kanina. Sana yung pagmamahal para nalang isang bato para kung ayaw mo na, pwede mo nalang siyang ibato para tapos na ang paghihirap mo. Eh kaso ang pagmamahal parang hangin eh, paulit ulit mong nararamdaman ang saya at ang lungkot.

Sa sobrang lalim na nang iniisip ko at siguro napagod na din ang mata ko sa kakaiyak ayun nakatulog na ako.

***

Naglalakad ako sa hallway habang nakasunglass.

Takte naman kasi, yung mata ko sobra ang pagkamaga. Ilang oras ba kasi ako umiyak kagabe?. Pagkakatanda ko anim na oras eh. Tapos late pa ako nakatulog. Huhuhu!

“Hi. Jorvs.”may bumati na naman saakin pero hindi ko ulit pinansin. Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad hanggang sa harangan na niya ako.

“Ano ba yun?” iritang sambit ko

“Oh ikaw pala yan.” Sabi ko nang Makita ko na si Walter pala yung bumati saakin.

“Ikaw ah. Kahapon hindi mo ako sinipot.”

“Ah sorry. May emergency kasi sa bahay.”sabi ko.

“Ah. Eh bakit ka naka sunglass.?”tanong niya

“Wala. May sore eyes ako”palusot ko.

“Patingin nga.”at akmang kukunin na niya sana ang sunglass sa mata ko ng pigilan ko siya.

“Huwag na. mahawa ka lang.”sabi ko.

“Hindi ako mahahawa noh. Sige na patingin.” Lintek naman na lalaki ito. Ang tigas ng ulo.

“Hindi huwag na nga.”

“Sige na. pasilip lang naman eh.” Putek naman oh. Feeling ko siya ang bakla kesa kay Denise eh. Ang kulit kasi.

“Ano yun?” sabay turo ko sa taas. Ay hunghang! Tumingin din. Nakalusot tuloy ako. Haha! Takbo lang ako ng takbo para hindi niya ako makalimutan pero mukhang mali yung lugar na napuntahan ko.

May nakita akong babae at lalaki na naghahalikan. PDA pa talaga?.

Sinilip ko kung sino yun, dahil isa akong dakilang tsismosa. Hehe. Pero nang Makita ko, nanginig ang buong kalamnan ko.

Akala ko ba?

BAKLA SIYA?.

Bakit siya nakikipaghalikan sa isang babae?.

Hindi kaya lalaki na siya?.

Pero hindi eh, matagal ko siyang nakasama kaya imposibe na lalaki siya.

Hindi ko matanggap.

Paano nangyare yun?.

Hindi kaya nagpapanggap lang siya na bakla para saakin? Pero imposible eh.

Umalis ako sa lugar na yun habang puno nang mga katanungan ang isip ko.

“Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap”sabi saakin ng kararating lang na si Walter.

Ngumiti lang ako sakanya at next thing I know. Tumulo na naman ang luha ko habang may suot suot na sunglass. Hindi ko na napigilan.

Bakit kailangan pang ibang babae ang halikan niya? Pwede naman ako diba?. Pwede namang ako nalang ang halikan niya imbes na ibang tao?. Ou na desperada na ako, pero kasi mahal ko siya. At hindi ko kayang may ibang humahalik sakanya.

“Ok ka lang?” tanong saakin ni Walter. Ngumiti lang ako habang patuloy na tumutulo ang luha sa mata ko.

“Iwan mo muna ako Walter. Kailangan kong magisip.” Sambit ko.

“Okay sige. Pero kung may kailangan ka. Just call me” at kinuha niya ang bag ko sabay hanap nung Cellphone ko. May pinindot siya doon at agad na binigay saakin ang Cellphone ko.

“Nandiyan na ang number ko. Tawagan mo ako kung may kailangan ka.” Dugtong niya.tumango nalang ako.

Nakikita ko nalang ang sarili ko na bumabalik doon sa pinanggalingan ko kanina. Kailangan kong makausap si Denise kahit na naglalampungan sila nung babaeng yun. Kailangan ko nang masabi ito sakanya. Ayoko nang itago ito. Kasi sobrang sakit na.

“Jorvs”gulat na tawag saakin ni Denise nang Makita ko. Tiningnan ko yung babae ng masama at mukhang nakuha siya sa tingin kasi bigla siyang umalis. Tama yan, makuha ka nga sa tingin.

“Ano ba ang kailangan mo?” naiiritang tanong niya saakin.

Huminga ako nang malalim “Bakla ka ba talaga!?” walang prenong tanong ko.

Nanlaki ang mata  niya sa tanong ko at after nun ankita ko siyang ngumisi. “Paano kung Ou ano gagawin mo? Magmamakaawa ka ba na maging bestfriend ko kasi hindi naman tayo talo o lalayo ka dahil sa sinabi kong hindi na tayo magkaibigan.”

“Eh bakit ka nakikipaghalikan sa babae? Kung bakla ka?”

“N-nakita mo?” tanong niya saakin.

“Ou nakita ko.”

Nagiwas siya ng tingin saakin. “Denise, kilala kita matagal na, kaya hindi mo maitatago saakin na hindi ka bakla. Unless nalang kung sa una palang nakaplano na pala ito.”

Tumingin ako sa mga mata niya. At naiiyak ako sa nakikita ko dito. Parang sinasabi ng mga mata niya na tama ang hinala ko. Na nagpapanggap lang siya at niloloko lang pala niya ako na bakla siya.

“Hindi ko masasagot yan.”sabi niya at tinalikuran na niya ako.

Bakit ba palagi mo akong tinatalikuran at iniiwan?.  May pinagsamahan naman tayo diba? Bakit?.

T_T

[End of part 4]

I'm In Love with my GAY best friend?? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon