[8]

754 25 0
                                    

[I’m In Love with my GAY best friend]

[8]

Nagsimulang tumibok nang napakabilis ng takbo ng puso ko sa sinabi niya at ang mas kinagulat ko. Hinalikan niya ako matapos niyang sabihin yun.

Hindi niya inalintana ang mga tao. Samantlang ako naman, namumula na dito.

Nginitian niya lang ako.

“Sige na, bumalik kana doon sa date mo. May aayusin lang ako”aniya.

Nakatulala lang ako habang nakatingin sakanya at isa lang ang napatunayan ko.

Hindi na bakla ang best friend ko.

Bumalik ako sa upuan ni Walter nang tulala. Pino-process ko pa kasi sa utak ko ang nangyare kanina. Ang sinabi niya at ang paghalik niya.

Kyyyyyyahhhhhhhhhh! Totoo ba yun?. Hindi nga.?

“Uy. May nangyare ba sa Cr at tulala kana diyan”nagising ako sa sinabi saakin ni Walter. Ou nga pala, may kasama pa ako dito.

“Ah wala, may nakakakilig lang akong napanuod sa Cr”sagot ko at sumubo na nang pagkain doon.

Hindi na din niya napansin ang sinabi ko at nagpatuloy nalang din siya sa pagkain.

After namin kumain, hinatid nalang din niya ako sa bahay at umalis na din.

Humiga ako sa kama habang pinaulit ulit sa utak ko ang sinabi niya kanina. Pero like OMG, kinikilig pa din ako.

----------------------------

Masaya akong pumasok kinaumgahan nun, gusto kong masilayan si Denise my loves. Hehe! Pero sana ok na ulit kami.

Nasa gate na ako nang school ng harangan ako ng tatlong babae.

“Ikaw yung malandi diba?” sabi saakin ni Girl 1

“Ako?”sabay turo sa sarili ko

“Ou. Ikaw. Ikaw yung lumalandi kay Walter at kay Denise”G2

“Excuse me!”pataray na sambit ko.

“Kapal din ng mukha mo noh…”sabay tulak saakin ni Girl 3. Wow lang ah. Lakas makatulak.

“FYI hindi ko po sila nilalandi..”sagot ko.

‘“Eh ano ang tingin mo sa ginagawa mo!” G2.

“kasalanan ko ba na mas maganda ako sainyo” ani ko

“Anong sabi mo?”sasabunutan na sana ako nung isa kaso hinawakan ko ang kamay niya.

“Huwag mo ngang mahawak-hawakan ang buhok ko.”at agad ko na ding binitiwan yun.

“Tabi nga!”sabay tulak  ko sakanila s. Paharang harang pang nalalaman mga patpatin naman.

Pagkarating ko sa room ko. Nandoon na kaagad si Denise. Napangiti tuloy ako. Nilapitan ko siya kaso ang pinagtataka ko, bigla siyang lumayo?. May problema na naman ba?.

“Denise!”tawag ko sakanya.

Hindi niya ako pinansin.

“Denise.”tawag ko ulit pero parang hangin lang ang kausap ko. Ano na naman ba ang problema niya?.

Hinawakan ko siya sa braso dahilan para huminto siya.

“Ano?”galit na tanong niya. Napakunot ang noo ko, akala ko ba?. Ok na?.

“May problema na naman ba?” tanong ko sakanya./

“Wala ok. Pwede ba layuan mo nga ako.”aniya.

Nabigla ako sa sinabi niya.

“Matapos mo akong halikan kagabe, sasabihan mo lang ako ng ganyan.”

Ngumisi siya. “Jorvs, walang ibig sabihin ang mga halik na yun. Nagassume kaba?”

Namutla ako sa mga sinasabi niya. Bitag na naman ba ito?.

“Ano ba ang nagawa kong kasalanan sayo para ganituhin mo ako.?” Nakayuko ako, hindi ko kayang humarap sakanya habang sinasagot niya ang tanong ko. Ayokong Makita ang mga mata niya.

Hinila niya ako paalis doon. Pero habang hila hila niya ako doon na naman nagsisipatakan ang luha sa mata ko. Bakit ka ganito saakin?

Tama nga ang sinabi nila, na kung sino pa ang malapit sayo, yun pa mananakit sayo. Huminto kami sa likod nang building ngamin na kung saan walang masyadong tao. Binitawan niya ako at binalot kami nang katahimikan doon hanggang sa magsalita siya.

“Jorvs. Ikakasal na ako”

Huminto ang pagikot ng mundo ng marinig ko yan. Totoo ba to?

Hindi naman diba?. Pakisampal ako? Baka nananaginip lang ako. Hindi ko alam pero tumutulo na ang luha sa pisnge ko. Hindi ko na kaya to.

“Sorry pero Ikakasal na ako.” Paguulit niya.

Napapikit ako.

“Congrats.”ani ko at bigla na akong tumalikod doon.

Masakit mang iadmit. May nauna na! at huli na ako. Siguro nga, hindi ako ang para sakanya.

“Sorry Jorvs.”halos pabulong na sambit niya.

“Nalaman nang mga magulang ko na bakla ako, kaya pinagkasundo nila akong ipapakasal ng maaga. Ito lang daw ang naiisip nilang solusyon saakin.”

Parang gripo ang mga luha ko sa sunod sunod na pagtulo.

BULLSHIT. Kung Bakla na talaga ang isang tao, kahit ano pa ang gawin nila, hindi na yun mababago.

“Magsama kayo nang mapapangasawa mo. Goodluck. Kahit kailan hindi mo na ako makikita!” at tumakbo na ako paalis doon.

I need to move on.

Simula ngayon, hinding hindi na ako maiinlove sa BAKLA. Itago niyo yan sa bato.

[End of Part 8]

I'm In Love with my GAY best friend?? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon