[9]

820 29 0
                                    

[I'm In Love with my GAY best friend]

[9]

Bar?.

Ou nasa bar ako. Tinawagan ko lang naman si Walter para samahan ako dito. Langyang bakla yun?. Magpapakasal na.. langya talaga. As in! tunnga lang ako ng tungga ng alak si Walter naman ay kanina pa nakatitig saakin.

"Ano ba kasi ang mo at nagyaya ka na uminom ngayon?" tanong niya saakin.

"Malaki. At sa sobrang laki, sarap nang magbigti."sabay tungga ulit ng alak.

"Si Denise ba?"nagulat ako sa tanong niya. Paano niya nalaman yun?.

Ngumiti siya. "Huwag kana Jorvs. Alam ko na may gusto ka sakanya pero hindi mo lang sinasabi. Best friend kayo diba?. Bawat pagtalikod mo at pagpahid ng luha mo nakkikita ko."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinasabi niya.

"Alam ko din na bakla siya." Mas lalong nanlaki ang mata ko. OMYGOD.

"Huwag kang magalala. Hindi ko naman ipagsasabi. Atin atin lang."

Tumungga ulit ako ng alak.

"Elementary palang kami minahal ko na siya. Hanggang sa nag high school pati na din ngayong College. Minsan nga pinagdadasal ko sa diyos, paano kaya kung hindi ko siya nakilala. Ganito rin ba ang magiging buhay ko?. Yung tipong masaya ako na malungkot. Masaya kasi kasama ko siya at malungkot kasi hindi kami magiging isa." Ngumiti ako. "Pero naisip ko, kahit ganito kami. Masaya ako. Kasi kahit papaano nasa tabi ko siya, kahit na hindi Girlfriend ang tingin niya saakin. Ok lang. as long as nasa tabi ko siya, pero yung pangarap ko palang yun hindi pala panghabang buhay. Kasi katulad ngayon wala na siya." Tumulo na naman ang luha ko.

"May ikukwento din ako sayo."sabi niya. Tumungga lang ako ng alak.

"May isang babae akong nakilala noong H.S ako kaso dinededma niya lang ako. Kahit anong gawin kong pagpapapansin sakanya, walang epekto. Palagi kasing nakatuon ang atensyon niya sa isang tao. Until noong nag college kami, sinundan ko siya kahit saan. Pero habang nakikita ko siya, nalulungkot ako. Alam mo kung bakit?" tumingin siya ng serysoso saakin.

"Bakit?" tanong ko

"Kasi kahit na alam niyang hindi siya kayang mahalin nung taong pinahahalagahan niya, nandoon pa din siya sa tabi nito. Minsan nga naiingit ako sa lalaking iyon eh. Kung ako ba ang nauna, maiinlove kaya siya saakin?"

"Ang tanga mo naman pala."ani ko.,

"Bakit naman ako naging tanga?"

"Dapat nagtapat kana sakanya nung High School palang kayo, malay mo maagapan mo ang nararamdaman niya para doon sa lalaki."

Napakamot siya sa ulo. "Natorpe kasi ako"sabi niya.

"Yan tayo sa katorpehan na yan eh. Hanggang kalian kaya natin sasabihin sa kanila na mahal natin sila?" sambit ko.

Humarap ako sakanya.

"Ikaw Walter, habang maaga pa at hindi pa nakakapangasawa yung taong mahal mo. Umamin kana, sige ka. Magiging huli na talaga ang lahat. Katulad ko, huli na! ipapakasal na pala."

Tungga lang ako ng tungga doon habang si Walter naman ay titig na titig saakin.

"Alam mo Walter. Maiinlove sana ako sayo eh, kung hindi ko lang mahal si Denise."

"Sayang naman"sagot niya. Tama ba ang narinig ko?.

"Ano sabi mo?"tanong ko.

"Sabi ko. Ganda mo! Sige uminom kana nga."sabay alok niya saakin nung basong may lamang alak. tss

I'm In Love with my GAY best friend?? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon