[3]

840 29 2
                                    

[I’m In Love with my GAY best friend]

[3]

Simula nung araw na yun, medyo nanlalamig na saakin si Denise, hindi ko alam kung bakit?. Pero feeling ko nilalayo niya ang sarili niya saakin. May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan?.

Hindi niya na din ako sinusundo sa bahay,

Kahit nakakasalubong niya ako sa corridor o kahit saan pa, hindi na niya ako pinapansin, kahit Hi o hello wala na akong naririnig mula sakanya. Ang sakit? Ou sobra, parang unti-unti ka niyang pinapatay.

Palagi ko na din siyang nakikita na may kasamang lalaki, hindi ko alam kung kalandian niya ba yun o bago niyang tropa. Pero nasasaktan ako sa nakikita ko. Bakit dati kahit ako lang kontento na siya?. Bakit nagyon iba na?.

Mababaliw na ako?.

As usual, magisa na naman akong naglalakad. Nakalimutan na ata ako ng Betfriend ko.

“Hi!” may bumati saakin pero hindi ko pinansin. Wala akong panahon para sayangin ang oras ko sakanila, kailangan ko pang maibalik saakin si Denise ko. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad habang nakayuko. Ayokong pumansin ng tao ngayon.

“Ang sungit mo naman!” sabi saakin nung tumawag saakin kanina.

Hindi ko padin siya pinansin. Patuloy lang ako sa paglalakad.

“Miss. Nahulog panty mo.”sabay turo niya sa paanan ko. Napatingin naman din kaagad ako sa paanan ko. Walangjo. Huli na nang malaman ko na niloloko lang pala ako nito.

“HAHAHAHAHAHAHAHA” napatingin ako doon sa lalaking tumatawa at nagulat ako na si Walter pala iyon. Ang ultimate crush ng mga babae dito sa school at ang dream boy ng aking bestfriend.

“Anong nakakatawa?” pagmamataray ko. Kainis kaya!

Huminto naman din siya sa pagtawa at tumingin saakin.

“Ayan pinansin mo din ako.” Inirapan ko lang siya at naglakad ulit pero ang kulit din naman ng nilalang na ito.

“Tara lunch tayo, libre ko” alok niya saakin.

“No thanks. Busy ako”

“Sige na.”pamimilit niya.

“Hindi nga ok. Busog ako”sabi ko habang patuloy pa din ako sa paglalakad.

“Bakit ganun, nung naglaro ako sa Gym nakikita ko na gusto mo ako kasi grabe ka kung maka-cheer. Bakit ngayon parang ayaw mo na saakin.” Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sakanya. Halos matawa ako sa itsura ng mukha niya. Nakapout kasi. Haha!

Pasalamat ka at crush ka ng mahal ko kundi kanina pa kita sinipa diyan.

“Okay na sige na.” ani ko.

Ngumiti naman din kaagad siya. “Yes. Tara na!” at hinila na niya ako. Excited lang?.

Dinala niya ako sa may Cafeteria ng school at kung nakakamatay ang titig kanina pa siguro ako deadbol. Kanina pa po kasi ang sama ng tingin saakin ng mga tao sa school. Like hello. Wala po kaming ginagawa nitong lalaking ito.

Nasaan na kasi yung si Best friend para maipakilala ko na siya sakanyang dreamboy. Iginala ko lamang ang paningin ko doon habang si Walter naman ay naghahanap ng aming mauupuan.

“Tara doon tayo”sabi saakin ni Walter.

“Ok sige.”sagot ko habang nakatingin pa din sa paligid. Pero hindi ko talaga siya Makita.

Nang makaupo kami doon ni Walter, agad naman siyang umupo at ngumiti saakin. Problema nito?.

“Ano gusto mong kainin?” tanong niya saakin.

“Kahit ano?” sagot ko. At umalis na siya para bumili ng pagkain.

“Pre. Diba si Jorvs yun?”

“Pre. Naghiwalay na ba kayo?”

“Uy. Sumagot ka!” napatingin ako sa kabilang table. Naririnig ko kasi doon ang pangalan ko. At ganun na lamang ang ngiti ko nang Makita ko doon si Denise.

“Denise.” Tawag ko sakanya habang tinaas ko ang kamay ko para Makita niya kaagad ako.

Lumingon siya saakin. Pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Inirapan niya ako at nagwalk out siya doon.

Anong nangyayare sakanya?. Ayaw niya bang makipagkaibigan kay Walter?. Diba ito ang gusto niya? Ang mapansin ako ni Walter para maipakilala ko siya?. Ayaw niya ba ng ganito.

Tumayo ako para habulin siya kaso nakasalubong ko nanaman si Walter.

“Uy. Ito na ang pagkain natin”sabi saakin ni Walter habang hinarangan ako.

“Walter. Wait lang ah. May kailangan lang akong punatahan sandali.” Hidni ko na siya hinintay na magsalita. Tinalikuran ko na kaagad siya at hinabol ko si Denise na ngayon ay naglalaho na sa paningin ko.

“Denise”

“Denise”

“’Denise”

“Denise”

“Denise” sigaw ko sakanya, pero parang hindi niya ako naririnig, patuloy lang siya sa paglalakad.

Nahabol ko siya at agad na hinawakan sa kamay.

“Ano ba ang problema mo?” galit na tanong ko sakanya habang hinahabol ko ang hininga ko.

“Problema? Tss.”tatalikuran na niya dapat ako ng pigilan ko ulit siya.

“Alam mo ang mahirap sayo, hindi mo sinasabi ang problema mo. Ito ba ang paraan mo para lutasin ang problema mo?. Denise naman, diba sabi mo saakin magpapansin ako kay Walter para magkakilala kayo tapos ngayong ginagawa ko na ayaw mo naman.”

“Alam mo ang mahirap sayo Jorvs, masyado kang mabait. Yung tipong isang sabi ko lang na gawin mo nga to. Gagawin mo kaagad. Kapag ba sinabi ko sayong LANDIIN mo siya gagawin mo din ba?”

*Pak* sinampal ko siya.

“Hindi mo ba alam, kahit masakit na sa loob ko na gawin itong mga gusto mo, ginagawa ko pa din kasi Mahal kita.” Gusto ko mang sabihin yan, hindi ko magawa. Ayokong madungisan ang pagkakaibigan namin nang dahil lang sa bwisit na pagmamahal na ito. Ayokong lumayo siya saakin. Ayoko. Hindi ko kaya.

Pumatak na ang luha sa pisnge ko.

“Let’s end or friendship here. Simula ngayon wala ka nang Best friend” aniya at tinalikuran na niya ako.

Ito na ba yun?. Ito na ba yun?.

Sinusundan ko lang siya ng tingin habang nawawala na siya sa paningin ko at kasabay nito ay ang paglandas ng mga luha sa pisnge ko. Masakit mang gawin ito, siguro nga tama na. Tama nang mahalin ka.

[End of Part 3]

I'm In Love with my GAY best friend?? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon