[5]

793 28 1
                                    

[I’m In Love with my GAY best friend]

[5]

Lutang akong umuwe sa bahay. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakauwe, basta ang alam ko lang, wala ako sa sarili ko habang naglalakad sa daan.

Hindi ko na din nabati sila Mama. Siguro nagtataka na sila sa inaakto ko, kahit ako nga din nagtataka na sa sarili ko. Best friend lang naman ang nawala saakin diba?. Pero bakit ganito kasakit?. Sinanay niya pa kasi ako na siya lang ang palaging nandiyan sa tabi ko, kaya ayan tuloy para akong namatayan ng isang mahal sa buhay.

Humiga ako sa kama habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko. Hindi parin ba ubos ang luhang to?. Hanggang kailan ba ako iiyak para sakaniya?. Simula nang tumibok ang puso ko, wala na akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Langya namang pag-ibig to oh. Sakit sa puso.

*Tok Tok*

Pinunasan ko kaagad ang luha sa mata ko. Nafe-feel ko sila mama yan.

“Pasok” sigaw ko.

Pumasok na din naman si Mama at agad na umupo sa kama na hinihigaan ko.

“Jorvs, may problema ka ba?” tanong niya saakin. Umiling lang ako.

“Wala Ma.” Ani ko.

“Kahit itago mo pa yang problema mo, nakikita ko na nasasaktan ka .”

Napatitig ako sakanya.

“Alam ko na nasasaktan ka.”dugtong niya.

Bigla na namang tumulo ang luha sa mata ko at hindi ko na talaga napigilan. Nahihiya ako sa Mama ko. Siguro nasasaktan siya na nakikita akong ganito kahina. Niyakap niya ako.

“Ma. Bakit ang sakit sakit.” Sabi ko habang humahagulhol na sa kakaiyak sakanya.

“Shhhh. Yung lalaki ba na yun ang dahilan?, yung palaging pumupunta dito?”

Tumango ako.

“Sabi na nga ba eh. Alam kong may gusto kasakanya, sa mata mo palang nakikita ko na.” alam na alam talaga nang mga magulang natin ang mga gusto at ayaw natin noh.

“Ma. Ang tagal na panahon ko siyang minahal kahit na sakabila nun Bakla siya. Matagal na panahon ang ginugol ko para lang mapansin ako. Pero bakit ngayon inilalayo na niya ang sarili niya saakin.?”

Hinahaplos lang ni Mama ang likod ko habang nakikinig. Naiiyak tuloy ako lalo.

“Ma ayaw na niya saakin, may mali ba saakin Ma?. Wala naman diba?.”

Humarap saakin si Mama at may tumulo na ding luha sa mata niya. Nasasaktan ko na ata si Mama.

“Walang mali sayo. Pinanganak kita na kakaiba sakanila, kaya huwag na huwag mong sasabihin na may mali sayo. Kung may mali man, siya yun hindi ikaw.”

Tumanago ako.

“Huwag mong sayangin ang sarili mo sa isang baklang hindi ka naman pala kayang mahalin. Just go on, baka may mas hihigit pa sakanya na nasa tabi tabi lang. Jorvs hindi kita pinangnak para masaktan ka nang ganyan. Pinanganak kita para mas lalo mong Makita ang kagandahan ng mundo hindi yung ganito. Ayaw akong nakikita kang ganito. Ha!”

Tumango ulit ako habang pinupunasan ko ang luha sa mata ko.

“Okay sige na. aalis na ako.” Paalam saakin ni Mama.

Ngumiti nalang ako. “Goodnight Ma.”ani ko.

“Goodnight din.” Sabay halik niya sa pisnge ko at sarado ng pintuan ng kwarto ko.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.

Gumaan tuloy ang pakiramdam ko.

Tama na nga siguro ang kakaiyak, nakakapagod eh.

----------------------------------------------------

Pagkapasok ko sa school, nakuha ko kaagad ang atensyon ng madla. Lahat sila nakatingin saakin, kung tatanungin niyo kung bakit? Nagayos kasi ako. Inayos ko ang sarili ko! Ayoko nang magpamanang manang dito. Maganda din naman ako kaso hindi ko nga lang nailalantad.

“Wow pre chicks.”

“Bagong transferee?!”

“Ang ganda niya.” Hindi ko pinansin lahat ng mga sinasabi nila at isang WALA AKONG PAKIALAM ang nakasulat na ngayon sa noo ko.

Wala na akong pakialam sa lahat ng bagay.

Wala na akong pakialam sa mga tao ditt.

Wala na akong pakialam sa mga sasabihin nila. At ang huli,

WALA NA AKONG PAKIALAM SAKANYA.

Minsan, nakaka-immune na din pala ang paulit ulit na nasasaktan hanggang sa darating ang panahon na susukuan mo na talaga.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa Makita ko si Walter na nakatingin saakin.

Nginitian ko siya at nilapitan. “WOW, ikaw ba yan?. Ang ganda mo naman. Hindi ko alam na may igaganda ka pa pala.”

“Thanks for the compliment.” Nakangiting ani ko.

“Tara. Hatid na kita ssa classroom niyo.”alok niya saakin.

“Sure. Yun lang pala eh.”sagot ko.

Nagkwentuhan lang kami at nagtatawanan habang papunta sa classroom namin. Ang saya din palang kausap nito, hindi boring! Mageenjoy ka kapag kasama mo siya.

“Oh paano ba yan, dito na ako!” sabi ko habang nasa labas na kami ng room ko.

“Ok. Ok sure”nakangiting sagot niya.

Aalis na sana ako ng bigla niya akong hilain at halikan sa pisnge.

“Reward ko.”Ani niya at bigla na siyang tumakbo.

Ngumiti nalang ako at pumasok sa loob ng classroom kaso laking gulat ko nang Makita si Denise na nakatayo sa pintuan at nakatitig saakin.

Nakita niya kaya?. Malamang? Ang sama niya kaya makatingin saakin.

“Bakit ganyan ang suot mo? At bakit ka nagpahalik doon”sambit niya saakin

Kikiligin na sana ako sa inaakto niya kaso ayoko nang magassume na magkakaguso din siya kasi masasaktan na naman  ako. At ayoko nang mangyare yun.

“Who you?” sagot ko. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya sa sinabi ko.

WALA NA AKONG PAKIALAM SAYO SIMULA NGAYON KAHIT MALABONG MANGYARE, PIPILITIN KO.

[End of Part 5]

I'm In Love with my GAY best friend?? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon