Kabanata 4

5 1 0
                                    

Devonne's POV

Kinaumagahan maaga akong nagising dahil sa pag tunog ng alarm ng cellphone ko. naicharge ko na kasi sya ng ayos.  Mamaya nalang ako bibili ng sim card na angkop sa lugar na to para hindi ako macontact nila mommy.

Nag ayos na agad ako ng susuotin ko simpleng pants at shirt lang dapat dahil mag dedeliver naman ako at para angkop naman sa trabaho hindi naman ako pwede magshort dahil di naman pupwede yun.

mabilis akong naligo at bumaba pag katapos. sa hagdan palang naamoy ko na yung amoy ng hindi ko mawari kung ulam ba yun.

Mabilis akong nilapitan ni Georgina at niyayang kumain para makapunta na kami sa shop na alam kong sa katabing bahay lang naman nila.

pag pasok ko nang kainan nila ay sumalubong sakin ang mag anak na nakaupo na sa mesa habang si nanay Lucy ay nasa tapat pa ng lutuan.

"Umupo kana iha. " anyaya ni manong Erwin. kaya naman nginitian ko sya.

nakahain na ang halos pritong pagkain.. may hotdog ham tocino at itlog halos parehas lang sa hinahanda ng maid nila Shakira sa kanila. Pero napakunot ako sa huling pagkain na hinanda ni Nanay Lucy. alam kung prito sya dahil nandun pa ang mga mantika na hindi na napagpag sa strainer.

hindi ko alam na may kakain pa pala ng ganun . para kasing maliit na sya masyado para may makain. tapos may ginayat na kamatis sa tabi nito.

"bakit iha? may problema ba?" naka kunot na tanong ni Manong Erwin.

" Ahh..ano po kasi.. Ano po ang tawag dyan? may makakain pa po ba kayo dyan?" turo ko sa huling hinain ni Nanay Lucy.

mabilis at malakas silang nagtawanang mag anak. napayuko naman ako sa hiya.

"Iha.. dilis ang tawag dyan, at oo naman buo nga nyan ay pwedeng kainin ... hindi ka pa ba nakatikim nito? tinaas nya pa ang mangkok na may lamang dilis daw.  umiling ako bilang sagot ko na tinawanan nilang muli.

"Bakit Dev ? wala ba nito sa kung saan ka galing? bakit sa ibang bansa ka ba nakatira para hindi mo alam ang ulam na ito? kahit mayaman dito sa atin ay kumakain din nito paminsan minsan lalo na sa provinsya." natatawang paliwanag ni George.

kinabahan naman ako sa tanong nya.

"Baliw ka ba kuya paano mong nasabing taga ibang bansa itong si Dev. kita mo ngang ang tatas magsalita ng tagalog eh. hayaan mo na dev. ayos lang kung hindi mo kainin yan di naman magtatampo sila mama sayo. heto tocino nalang ang ulamin mo. Kain na tayo!"  inabot ni Georgina ang tocino sakin na tinanggap ko namang nakangiti.

pag tapos naming kumain ay tinulungan ko si Georgina na mag ayos nang kinainan sya nalang daw ang maghuhugas dahil mamaya pa naman ang umpisa ng trabaho nya.

nang makapunta kami sa kabila ay agad nilang binuksan ang mga bakal na rehas na nagsisilbing harang at para hindi pasukin ng magnanakaw ang shop. Pag pasok namin sa loob ay naglinis na kami. hindi nagtagal ay dumating na ang iba nilang trabahanti at pinakilala sakin.
Nag umpisa na ang trabaho namin pag dating ng alaa otso. Bumili muna ako ng sim card sa nadaanan kong kanto at nagpaload para makagamit ng internet at ma waze ko yung address ng nagpadeliver.

hindi naging mahirap sakin ang pag dedeliver sakin maghapon dahil sa app. na gamit ko at natuwa sila nanay at manong erwin dahil ang bilis ko daw palaging nakakabalik. at sinabing itabi ko ang tip na binibigay sakin para makaipon ako agad para sa mga kailangan kong pagkagastusan.

Kakabalik ko lang mula sa ika labing walo kong delivery nang may tumawag nanaman for delivery buti na lang at naka tapos na sa pag memerienda si George kaya sya naman ang nagdeliver ng mga order.

My Unlucky Lucky GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon