Kabanata 7

3 1 0
                                        

Cloud's POV

nagising ako  na mabigat ang katawan at ulo . hindi ko rin alam kung paanong imumulat ang kanang mata ko sa sobra nitong pagkakamaga, kahit ang katawan ko ay hindi ko alam kung paano kong igagalaw ng mga sandaling pinilit kong tumayo dahil sa uhaw na nararamdaman ko.

"ohh you're awake. so how was your feeling ?" naka ngiting tanong sakin ni Hyung na alam kong may ibig sabihin.

"t-tu..tubig.." yun lang ang kayang bigkasin ng bibig ko dahil kahit pala pagsasalita ay mahihirapan ako.

"tsk..tsk..tsk.. napapala ng isang stuborn young man na katulad mo! look at yourself now! do you think makakapag taping ka pa nyan next day!" sigaw nya sakin habang ibinibigay ang tubig pero hindi ko naman maabot dahil sa hindi ako makagalaw.

"haist!!" buntong hininga nya saka lapag ng baso sa tabing cabinet at alalay sakin para makaupo ako.

nang tuluyan nya na akong maiupo dikit sa headboard ng higaan ay saka nya ibinigay sakin ang baso ng tubig.

dahan dahan ko tong iniangat patungo sa bibig ko at kahit hirap ay nagawa ko naman ngunit napangiwi ako sa hapdi na nararamdaman ko.

"ah..aaa" tanging bigkas ko.

" yan ang napapala ng mga matitigas ang ulo. o ang bilis ng karma no? hintayin mo at baka sa susunod na araw ay mga sponsor mo na ang magsipag atras dahil sa hitsura mon ngayon." muli nyan  bunganga sakin habang naka dekwatro at naka krus ang mga braso.

"not now hyung." mahinang pakiusap ko.

"tss kailan mo ba gusto? o sino ba ang gusto mong magdada ng magdada sayo? si Dad?! tell me at ngayon palang tatawagan ko na!" sigaw nya.

"no..please dont." sabi ko at angat ng kamay ko pero muli akong nakaramdam ng sakit kaya mabilis ko itong naibaba.

"Pasalamat ka at nakita ka ni Dev! kung wala ang taong yun baka pinag lalamayan ka na ngayon! aba ang galing mo din palang mag hanap ng kaaway! yung mga siga pa pala sa lugar na yun ang napili mong awayin!" di makapaniwalang sabi nya.

"hi-hindi naman ako ang nag umpisa.. isa pa yung babaeng yun naman dahilan bakit pa ako lalong napaaway. kung di nya sana binugbog yung sumapak sakin hindi manghihingi ng tulong  yun sa mga kasama nya.nadamay lang ako sa kayabangan ng babaeng yun hyung."
paliwanag ko kahit na hirap na hirap na ako.

"wag ako Cloud! kilala ko ang babaeng yun! at alam kong kung hindi sya nag madandang loob nasa dagat kana ngayon at palutang lutang. dapat ka pang magpasalamat dahil isang babae lang ang nakatalo sa mga yun at tumulong sayo!  napaka angas mo kasing tao ka! kala mo ata sa sarili mo ay napakalaki bg katawan mo. ni pag suntok nga lang ay hindi mo magawa. swerte nalang kung makasuntok ka sa lampa mong yan! look at yourself! ikaw halos hindi makilala samantalang yung babae aba! halos pasa lang sa gilid ng labi amg nakita ko!" sigaw nya habang dinuduro ang dingding na wari ba ay nandun ang babaeng sinasabi nya.

"not now hyung I want to take some rest. masakit pa ang katawan ko. and if you want me to say thank you sa babaeng yun. pagkagaling ko ay hahanapin ko yun para pasalamatan. kung andito pa sya ay pupuntahan ko sya mamaya sa  kwarto nya para magpasalamat. ano ayos naba sayo yun? please let me rest for awhile." sabi ko saka muling pinilit na mahiga.

"dont you dare to lay your body on that bed. hintayin mo si manang na dalhin ang pagkain mo para mainum mo ang pain reliver na gamot para sa mga kirot ng katawan mo." paalala nya. kaya naman agad kong pinilit na bumalik sa pagkakaupo at pagkakasandal sa headboard ng kama.

umalis sya ng kwarto at pabagsak na sinara ang pinto.

kahit na gustong  gusto ko nang ipikit ang mga  mata ko ay nag hintay pa rin ako sa pagkaing nabanggit ni kuya. hindi ko alam dahil ba sa pag kabugbog ko kung bakit ganun nalang katindi ang sakit ng sikmura ko na nag aasam nang isang masarap na pagkain ang ihahain sakin.
naghintay pa ako ng mga sampung minuto bago muling nagbukas ang pintuan ng kwarto kung nasa saan ako.

"Good evening Sir Cloud.. heto na po ang pagkain nyo. pasensya na po at natagalan ininit ko na muna ito para mainitan ang sikmura nyo. heto na rin po ang gamot na ibinigay ng family doctor nyo." magiliw na sabi ni manang saka inilapag sa harap ko ang table bed kung saan nakalagay ang mga pagkain.

"salamat manang." mahinang sabi ko na dahip siguro sa gutom.

pero mas nanghina ako ng makita kong lugaw lamang ang inihanda nya.

"hindi nyo ho ba ito nagustuhan senyorito? pasensya na po kayo.. sapagkat yan lang daw po ang maari nyong kainin sa ngayon .wag po kayong mag alala bukas na bukas po ay gagawa ako ng paraan para makapag akyat ng pagkaing gusto nyo. Sa ngayon po ay pag tyagaan nyo muna ito dahil nakabantay si senyorito Alex sa pagkain nyo." malungkot na paliwanag ni manang.

"ayos lang po manang naiintindihan ko po salamat po." saka ako dahan dahang sumubo ng lugaw.

kahit na hirap ako ay pinilit kong makakain dahil nakakahiya naman kung magpapasubo pa ako kay manang.

"kung wala na po kayong ipag uutos ay bababa na po muna ako senyorito. babalik nalang po ako mamaya maya." saka sya tumayo at naglakad pa punta sa pinto.

"manang.  sandali po .." habol kong sabi kay manang para huminto sya at lingunin ako.

"ahh.. ano manang.. itatanong ko lang po sana kung ano.. ano .. ahh nakaalis na po ba yung ano.. yung babaeng nagdala sakin dito?" hindi ko halos malaman kung paano kong itatanong sa kanya.

" ahh hehehe.. yung magandang binibini po? oho.. halos isang oras palang mula ng magpaalam sya senyorito ." malugod na sagot ni manang.

"is that so? sige po manang salamat po."

muling ngumiti si manang at tumango bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"hindi man lang ako hinintay na gumising ng babaeng yun. tsk. kung tutuusin sya ang dahilan bakit ako nabugbog ng ganito."

kinain ko muna ang lugaw na inihanda ni manang saka ininom ang gamot na nakalagay sa table bed para makapag pahinga nang muli.

My Unlucky Lucky GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon