Kabanata 6

10 1 0
                                    

   mhlgel salamat po sa pagfollow..Godbless po.

DEVONNE'S POV

Humiwalay ako sa pamilya nila Manong Erwin ng makarating kami sa sky ranch na pinuntahan namin. mag isa akong nag ikot ikot at nang mapagod ay huminto sa isang puno.

napasarap ang tulog ko nang gisingin ako ni Kael at yayain akong uminum bago sya umuwi. hinahanap na daw kasi sya ng mama nya. At dahil sa bored na rin naman ako ay sumama ako sa kanya at nagtext kay Georgina na iinum lang kami ni Kael. balak pa sana nilang sumama ni george kaso di sila pinayagan ni nanay Lucy dahil si George mamaya ang magdavdrive ng sasakyan nila.

Umangkas ako sa motor ni Kael at kumain muna kami ng Bulalo sa nadaanan naming karinderya bago kami pumunta sa malapit lang na bahay inuman.

halos tag anim na beer lang ang nainum namin dahil nga sa mag dadrive pa sya at baka madisgrasya pa sya pag lumagpas na sa limit nya.

nang magbayad sya ay hinatid ko na sya sa labas. hinintay ko muna syang makaalis bago bumili ng sigarilyo sa matandang nagtitinda sa gilid ng bahay inuman .

"manong sigarilyo nga po.. magkanu po isa?" tanong ko.

" depende sa sigarilyo iha. eto tres isa heto namang mga to kwatro." turo nya sakin ng mga tas tres at kwatro.

"eto nalang po manong. eto po ang bayad. manong ano po eto?"tanong ko sa matanda.
may nakita kasi akong naka basket na may sapin na nakatiklop.

"ahh eto ba balot an laman nito iha at penoy. hindi ka pa ba nakakita ng mga ito?" manghang tanong nya na agac kong inilingan dahilan para mamangha syang lalo.

"pagbilhan nyo nga po ako ng tag isa manong." sabi ko sa matanda.
una nyang binigay ang penoy na parang normal na itlog lang. pero nung kinain ko ay medyo matigas ng konti ang puti. konting konti lang naman kaya hindi mo malalaman ang pinagkaiba nila kung tutuusin.

"yang isa naman ay dapat buksan mo dun sa may espasyo pra mainum mo yung sabaw. maari mo rin syang lagyan ng asin o di kaya nitong binabad na suka." tinuro pa sakin ni manong yung tamang anggulo na bubuksan ko.

kumain pa ako nung binibenta nyang balot na hindi ko pa natikman buong buhay ko.
binuksan ko sya at nagimbal ako sa nakita kong may sisiw sa loob.
tinuro pa sakin ni manong kung paano buksan at kung anong gagawin para kainin ang nasa loob.

Halos ipikit ko ang mata ko ng buo kong kinain ang sisiw halos maging maarteng babae ako na nangingisay ngisay habang nginunguya ang sisiw pero sa huli ay nalunok ko naman sa tulong ng mineral na nabili ko di oras.

Matapos ng sisiw ay ang kulay dilaw naman ang aking tinikman na masarap at malasa. At huli ay ang kulay puti na wari koy kumakain ako ng bato sa tigas halos ubuhin ako kada nadudurog sa bibig ko ang kulay puting yun kaya kailangang uminum muli ng tubig. Matapos kung ubusin ang mga yun ay inubos ko naman ang natitirang sabaw na mas sumarap dahil sa lasa ng suka na nahalo rito.

Nagpunas muna ako ng kamay sa towel ni manong dahil sa baho ng amoy ng balot na naiwan sa kamay ko. Saka naghugas gamit ang natirang tubig pero nandun pa rin.

Nakakatawa ang experience ko na yun at gusto kong ulitin kasama ng mga kaibigan ko.

Nag yosi akong muli at tumambay sa gilid ng makita ko ang lalaking naka mask at hoody jacket na lumabas ng bahay inuman na pinanggalingan ko kanina. Sa hitsura palang nya ay makikita ko nang may tama na sya ng alak. Nakita ko pa kung paano sya banggain ng lalaki eto makapasok sa loob.

Nagalit ang mamang naka bangga sa lalaking naka mask at sinabing eto ang bumangga sa kanya kahit hindi naman

" tss .. andini na naman ang lalaking iyon!!" Asar na sabi ni tatay na nagtitinda ng yosi at balut.

My Unlucky Lucky GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon