rachelleanncruz04 salamat sa pag add nitong R.T.F sa reading list mo.. dahil dyan.. ikaw ang first honorable mention.. hahaha thankie.. thankie..
(guys.. naasar ako sa kabanata na ito.. paano nagloko si wifi ko.. ayun hindi na save yung napaka habang nasulat ko at halos publish nalang ang needed.. huhuhu.. sorry kung maiiba na sya sa unang naisip ko.. huhuhu)
Devonne's POV
"Sobrang init naman ngayon sa lugar na ito? hayst.. Saan kaya ako pupunta ngayon? hindi ko pa naman kabisado ang number ni Shakira at ni Indigo bakit naman kasi hindi ko man lang na charge yung cell ko? .. bahala na nga!!"
crookkk...crookkk..
" naku naman sumabay pa tong tyan ko.. kailangan ko nang makahanap ng makakainan na mura. hindi pwedeng maubos ang perang dala ko na hindi ko pa natatawagan yung dalawa.. mahirap nang madedo ng maaga.."
para akong tanga kakausap sa sarili ko sa labas ng airport. haysst ang hirap talagang malipasan ng gutom.
napilitan akong maglakad lakad para maghanap ng makakainan na mura lang. kahit gustuhin ko mang mag taxi ay hindi pwede dahil sabi nila Indigo sakin noon na pag nasa airport ka na tyempuhan ng mga taxi ay tatagain ka sa presyo at hindi naman pwedeng mabawasan ng malaki ang pera ko.
naglakad pa ako ng naglakad ng may makita akong lalakibg nagmamaneho ng motor na gumewang gewang bago natumba sa gilid. mabilis kong tinakbo ang mama para tulungan habang hila ko ang maleta ko.
" manong ayos lang po ba kayo? may masakit po ba sa inyo?" tanong ko agad sa hindi katandaang lalaki. inalalayan ko sya papunta sa gilid para paupuin at saka ko tinayo ang motor nya ini-stand at kinuha ang susi para hindi masalisihan.
"medyo nahihilo lang ako iha. inatake ata ako ng high blood ko sa sobrang init ngayon. Salamat sa diyos at hindi ako nabunggo ng ibang sasakyan." sabi nya nang iabot ko sa kanya ang susi nya at kinuha ko sa gilid ng bag ko yung bottled water na binili ko sa naglalako kanina.
"Saan po ba ang punta ninyo? at mag isa lang kayo ganung may nararamdaman po pala kayo. " tanong ko pa sa matanda na nakayuko at umiiling .
" pauwi na ako iha. kakapunta ko lang sa suki ko sa Pasay at nagdala ng tatlog bilao ng pancut na order niya. natagalan lang ako dahil sa dami ng taong dumadaan sa mahabang kalsada nila dahil sa fiesta.
" ganun po ba.. kaya nyo na po ba?? maari ko po kayong ihatid sa inyo ng makapag pahinga kayo mahirap pong matagalan kayo sa lugar na to at baka lalong tumaas ang presyon nyo." nag aalala talaga ako kay manong dahil mukhang hindi nalalayo ang edad nya kay daddy.
" Salamat iha. pero hindi ko maaring iwan yang motor ko rito at baka manakaw pa. alam mo naman dito." nakangiting sagot sakin ni Manong.
"Ako pong bahala manong. saglit lang po ah.. hintayin nyo ako rito." binuksan ko ang maleta ko para kunin ang shaul na regalo sakin ni Shakira para ipangtali sa maleta ko. sinara ko ang maleta ko pag kakuha ko ng shaul at hinila na ang maleta ko papunta sa motor. Ginawa ko na ang nais ko saka binalikan si manong at inalalayan sya papunta sa motor nya. umupo ako sa harapan at hiniram ang cell nya para i-waze ang daan patungo sa address na sinabi nya. Pinahawak ko si Manong sa strap ng bag ko para kung mahilo sya ay hindi sya mahuhulog.
hindi nagtagal ng kalahating oras ay nakarating kami sa kanila. inihinto ko sa isang medyo kalakihang bahay na may katabing kainan pero hindi sya tulad ng karinderyang nakita ko noon.
"Papa!! anong nangyari sa inyo!! Mama!! andito na si Papa!!" Sigaw ng babae at alalay sa papa nyang bumaba ng motor.Pinatay ko na ang motor at inabot kay Nanay ang susi ng motor ni Manong.
![](https://img.wattpad.com/cover/116146695-288-k91659.jpg)
BINABASA MO ANG
My Unlucky Lucky Girl
Roman d'amourPaano nga ba umiwas sa isang tao na lapitin ng malas?? Meron bang gamot na maaring i-prescribed para mawala na ang malas nya? O di naman kaya may laser ba na maaring magtanggal ng balat? Everytime ba naman kasi na mapapalapit sya sakin feeling ko...