The Angelic Liar
by: jsprincess
[ A/N: All names and characters in this story are fictatious. Any resemblance to any place and person, living or dead, and other stories are purely coincidental and not intentional. First story ko po ito. Sana ma-appreciate niyo. ;) ]
Prologue
1. Fake yung isa kong LV na bag.
2. Simula pagkabata, gusto ko na maging artista.
3. 106 lbs ang tunay kong timbang. Hindi tulad ng sinasabi ko tuwing may nagtatanong sa akin na 100 lbs lang.
4. NBSB ako. In short, wala pa akong first kiss.
5. Madalas akong nagde-day dream kung anong pakiramdam ng mahalikan ng lalaking mahal mo.
6. Takot ako sa kulog. As in. Nanginginig ang tuhod ko sa takot.
7. Ayaw kong kumain sa Japanese/Chinese restaurants dahil hindi ako marunong mag chopsticks.
8. Madalas akong magpanggap na nilalagnat tuwing tinatamad akong umattend ng archery at piano lessons ko.
9. Nung bata ako, naiwala ko yung bracelet na binigay sa akin ng kambal ko. Nung tinanong niya sa akin kung nasan yun, sabi ko inagaw nung batang bully sa kalye.
Ilan lang yan sa libu-libo kong mga sikreto..
Lahat naman tayo may tinatago diba?
At normal lang naman yun.
Para sa akin, parte ng pagtatago ng sikreto ang pagsisinungaling. Kaya naging habit ko na ang maging sinungaling. Hindi lalampas ang isang araw na hindi ako gumagawa ng kwento. Sa mala anghel ko daw na mukha, madali kong napapaikot ang mga tao sa paligid ko.
Ako si Sherica Atienza. At ito ang pinaka malaking sikreto na tinatago ko..
Ang pinaka mabigat na kasinungalingan na kailangan kong gawin..
... 10. Nagpapanggap ako bilang si Margaux Llanes.
BINABASA MO ANG
The Angelic Liar
Teen Fiction"Sanay na akong mag imbento ng kwento. Naging talent ko na nga ang pagsisinungaling. Nung una akala ko, madaling magpanggap bilang kambal ko. Pero nagkamali ako. Mahirap palang magpanggap kasi kasabay ng pagpapanggap ko bilang ibang tao ay ang pagpa...