9 | Meet Ella

304 22 12
                                    

9

Why do I get this feeling that this would be a bad day? Iba na talaga pag nagsimula ng pangit ang umaga mo. Pakiramdam ko, nahaharangan ng bad vibes lahat ng positivity na gustong lumapit sa akin. This is all Mac's fault! Sinira na nga niya yung gabi ko, pati umaga ko damay pa. Kung may isang nagpapagaan ng loob ko ngayon, siguro yun yung fact na hindi ko kelangang makita si Gelo ngayon. Weekend kasi so day-off ko muna. Buti na lang Saturday na. Kung hindi baka mabaliw na ako sa sobrang inis.

Nangangalahati na ang araw na ito and so far, isa pa lang ang nagagawa ko sa to do list ko. At yun ay ang bumili ng dalawang bouqet ng pink and white roses at isang basket ng prutas. Dadalawin ko kasi ngayon ang biological family ko.

Una muna akong pumunta sa rehab. Nandun kasi ang tunay na tatay ko. Simula bata ako, nalulon sa iba't-ibang masamang bisyo ang papa ko. Nung una, sa alak at paninigarilyo lang. Hanggang sa nalulon na rin siya sa droga. Sa totoo lang, ni minsan, hindi ko naramdaman na tatay ko siya. Palagi niya akong sinasaktan noon. Lagi niyang sinasabi na galit siya sa akin. At palagi niyang sinasaktan at pinapaiyak si mama. Nung namatay sina mama, lalong tumindi ang galit niya sa akin. Buti na lang kinuha ako ng mga Llanes sa kanya. Kung hindi, baka kasama na ako nina mama ngayon sa langit.

"Akin na yang mga prutas. Ako na ang magdadala nyan sa kanya. Alam mo naman kung pano magwala ang taong yun diba? Tumawag sa akin yung head ng rehab nung dumating ka. Ang sabi niya, bumubuti na daw ang lagay ng tatay mo. Pero nung napanood daw niya ang pagdating mo sa tv, bigla na lang daw siya nagwala. Alam mo sa tingin ko, dapat sa mental hospital na dinadala yang tatay mo eh." Bigla siyang tumawa pero agad ding tumigil nung nakita niyang sinimangutan ko siya.

"Wag mo ngang insultuhin ang tatay ko. Kahit masamang damo yun, at kahit na ilang beses niya pinaramdam sa akin ang impyerno, utang ko pa rin sa kanya ang buhay ko." Hindi na siya umimik at umarteng zinipper niya yung bibig niya sabay taas ng dalawa niyang kamay.

"Umalis ka na nga. Ibigay mo na yan kay papa tapos bumalik ka na kaagad dito para makapunta na tayo sa sementeryo." Binuksan ko yung pintuan at tinulak siya papalabas ng sasakyan.

"Don't wait for me anymore. Marami pa kasi akong ibang appointment ngayon."

"Appointment? Saan? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" I asked curiously.

"Bakit ko naman ipapaalam sayo?" Tumaas yung kilay niya. "The last time I checked, I'm your secretary. It's not the other way around. Kaya hindi mo na kelangan malaman kung saan ang lakad ko."

"Fine." I glared at her and slammed the car door shut. Kaso bigla siyang kumatok at dahil mabait naman ako, binaba ko ang bintana ko at kinausap siya.

"What now?" I raised my left eyebrow.

"Fill out these forms para malakad ko na ang credit cards and atm card mo." Then she handed me about four different forms. Ano ba yan. Ang daming info ang kelangan na isulat. Pangit pa naman ako sumulat. Tsk!

"Could you just fill these out for me? Please?" Nag puppy dog eyes ako sa kanya. Pero nakatitig lang siya sa akin. It took five seconds bago tumalab ang pagpapaawa ko sa kanya.

"Fine. Pirmahan mo na lang lahat ng ito." She handed me a pen and I signed each form.

"Kuhang kuha mo na talaga ang pirma ng kambal mo ah. Kahit siguro ilang taon pa ang ibigay sa akin, hinding hindi ko kayang gayahin ang pirma niya." Honestly, ang hirap gayahin ng pirma ng kambal ko. It took me about two years bago ko siya nagaya. Pano ba naman. Mukhang guri-guri lang siya. Wala nga akong ma-recognize ni isang english letter sa pirma niya. In short, parang mukhang chinese characters na pinagpatong-patong yung pirma niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Angelic LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon