2 | Meet the Neighbors

431 28 5
                                    

2

OH NOOOOOOOOOOOOO. I'm in BIIIIIIIIIIIIIG trouble. Ano ng gagawin ko?? Come on Sherica. Think fast! Or else, I'm dead.

*ting*

Alam ko na. It's time for my acting skills. Sabi ni Ate Biancs sa akin, pag nalagay daw ako sa alanganing posisyon pagdating kay Mac, umiyak lang daw ako. Lalambot agad puso nun. Matingnan nga kung effective.

Umupo ako sa may sofa. Fully furnished na kasi itong unit ko. Tinakluban yung mukha ko at nagsimula ng umiyak habang nag-iisip pa rin ng mga isasagot sa mga tinanong niya. Kung tama si Ate Biancs, in three seconds, lalapit na sa akin sa Mac at mag-sosorry. 3.. 2.. 1..

"Uy. Umiiyak ka na?" Bingo. Umupo siya sa tabi ko. Pino-poke niya yung braso ko pero hindi ko siya pinapansin. Syempre iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung sasabihin ko sa kanya.

"Natakot ba kita?" Naramdaman kong umupo siya sa sahig sa harapan ko. Binuka ko ng konti yung mga daliri ko para masilip ko siya. Bigla niyang hinaplos yung buhok ko. "I'm sorry Margaux. Nagbibiro lang ako." Tapos hinalikan niya yung noo ko. Naramdaman ko tuloy bigla yung pag daloy ng dugo sa buong mukha ko. Bakit ba ang sweet niya? :">

"Pagong. Yun ang tawag mo sa akin dati. Tuwing tatakbo ka kasi hindi kita mahabaol." Sinabi ko sa kanya. Nung bata kami ni Margaux, may sakit siya sa puso kaya hindi siya makatakbo ng maayos. Pero hindi alam ni Mac yun kaya siguro niya palaging niloloko si Margaux.

"Wala kang kinatatakutan. Sabi mo kasi matapang ka eh. Nung grade 1 tayo, sinuntok mo yung bumali ng crayon ko. Hindi ka natakot kahit mas malaki siya sayo at mukhang mangkukulam yung teacher natin." Tandang tandang ko nung kinwento ito sa akin ni Margaux. Yun yung araw na sinabi niya sa aking crush daw niya si Mac. At yun din ang unang araw na nakita ko siya, ang araw na nagtago ako ng halos dalawang oras sa ilalim ng lamesa dahil biglang dumating si Mac para lang bigyan si Margaux ng isang bagong box ng crayons.

"Pinatanggal ko yung birthmark ko para maging flawless ako. Para hindi na kelangang i-photoshop tuwing may pictorial ako." Nilagay ko yung buhok ko sa left side ko para makita niyang mabuti yung leeg ko.

"Hindi ko alam kung paano ko mapapatunayang si Margaux ako. Pero tulad ng sinabi mo, we've seen each other naked. Kaya alam kong may malaki kang nunal sa--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang tinakpan yung bibig ko.

"Wooooah. Tama na. Censored na yun. Saka binibiro lang kita. Nakalimutan mo na ba? Lagi mo kasing sinasabi sa akin dati na paano kung may kakambal ka? Paano ko masisiguradong ikaw ang kausap ko. At dahil umiyak ka kaagad, sigurado na akong ikaw nga si Margaux. Ang iyaking pagong. Tahan na." Umupo siya ulit sa tabi ko at pinat niya yung likod ko.

"Alam mo.." Pinunasan ko yung luha ko.

"Nagbibiro lang din ako. Galing kong umiyak no? Pang artista na ba?" Ngumiti ako sa kanya ng napakalapad. Parang ganito. ^__________________^

"Sira ka talaga." Kinuha niya yung unan sa sofa at nagsimulang hampasin ako sa ulo.

"Pillow fight pala ang gusto mo ha. Eto sayo." Syempre lumaban ako. Hanggang sa naghabulan na kami sa buong sala. Hampas dito, kilitian doon. Simpleng panghaharot kumbaga. *evil grin*

"Aba. Anong kaguluhan ito?" Hindi namin namalayan na nandito na pala si Ate Bianca dala ang mga luggages ko.

"Uy Ate Biancs. Long time no see. Gumaganda ka yata." Niyakap ni Mac si Ate Bianca. "Ito kasing si Margaux. Kunwari pang ayaw daw mag artista pero ang galing naman umarte. Tss." At binato niya ulit ako ng unan.

"Eh kasi naman Ate. Si Mac, tinatakot ako. Sabihan ba naman akong impostor." Nanlaki bigla yung mata ni Ate Bianca. Medyo namutla nga siya eh. Hay naku. Ang obvious niya masyado. Siguro kung siya ang nasa posisyon ko kanina, buking na agad siya.

The Angelic LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon