Character Guide :)

493 29 0
                                    

[ A/N: Here's the POV's of the major characters in the story. Guide na rin po ito para may clue kayo kung anu-ano ang mga magiging roles nila dito. Naglagay na rin ako ng photos nila for imaginary purposes. ]

***

Hi! Ako si Mac Paulo Castueras. 18 years old. Nag-iisang anak ng may ari ng Castueras International Airport. Tatlong taon na simula ng iniwan ako ng kababata ko. Ni hindi nga nagpaalam sa akin yun. Kumbaga, nawala na lang siya ng parang bula. Pero sabi sa balita, ngayon na daw ang uwi niya. At ako ang susundo sa kanya sa airport. Gustong gusto ko na siyang makita. Sa wakas, makakapagtapat na ako sa kanya. ^_^v

***

Yo. James Iann here. People call me James. Pero Jian ang tawag niya sa akin. Kamusta na kaya yung batang yun? Natatandaan pa kaya niya ako? Ako kasi, hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Twelve years ago.. Dun ko siya huling nakita. Mukha pa rin kaya siyang monay? Sana.. Sana nga makita ko na ulit siya.

***

Hello world. I'm Princess Sofia Alejandre. Well, pinsan ko si James. At business partners ang mga magulang namin. Our parents own 7 condotels in the Philippines and over 10 condotels abroad. Fifteen years old kami ni James nung binigyan kami ng mga magulang namin ng sarili naming condotel units. Since then, we learned to live independently. Floormate nga pala namin si Mac. At matagal na akong may gusto sa kanya. Kaso hindi naman niya ako pinapansin. Tss. Ano kaya talagang hinahanap niya sa isang babae? Hmm..

***

Michael Angelo Tiongco. 18 years old. Anak ng may ari ng TBC, ang pangalawa sa nangungunang tv network dito sa bansa. Hard drinker. Chain smoker. Notorious womanizer. Inutusan akong kaibiganin at alamin ang sikreto ng anak ng pinakamahigpit naming kakompitensya. Simula kasi ngayon, magiging kapitbahay ko na siya. Pero bakit ko naman gagawin yun? Masasayang lang ang oras ko.  Ano namang mapapala ko pag nalaman ko ang sikreto niya? Ang labo talaga nila. Buti sana kung type ko ang mga tulad niya. Kaso hindi eh. Hindi ko pa siya nakikita sa personal pero sawang sawa na agad ako sa pagmumukha niya. Pano ba naman? Isang linggo ng headline sa balita ang pag uwi niya. Bad trip!

 ***

Hello everyone. My name is Margaux Llanes. Oh wait. Scratch that. I'm actually just pretending to be Margaux. Sherica is my real name. Three years ago nang mamatay ang totoong Margaux. Since then, pinapunta nila akong New York para pag-aralan kung paano kumilos bilang Margaux, ang anak ng may-ari ng Llanes Broadcasing System, ang nangungunang television network dito sa Pilipinas. And today, I would officially be Margaux dahil babalik na ako sa Pilipinas.

 ***

The Angelic LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon