8
Mac's POV
'The subscriber cannot be reached. Please try ag--'
Naka-ilang tawag na ako kay Margaux pero hindi niya sinasagot. Halos dalawang oras na akong naghihintay pero hindi pa rin siya dumarating. Ano na kayang nangyari dun? Pag di pa siya dumating sa loob ng limang minuto, uuwi na ako.
"Hi Mac. Sorry I'm late." Biglang may lumitaw na babae sa harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung kapitbahay ko. Yung pinsan ni James na palagi kong nahuhuling nakatitig sa akin.
"I'm Sofia." Inabot niya yung kamay niya sa akin pero tinitigan ko lang siya. Hindi kasi ako mahilig makipag kamay sa ibang tao.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Margaux asked me to--"
"Nasan ba siya?" Tumingin ako sa pintuan ng restaurant. Baka sakaling kasama niya si Margaux.
"Hindi siya makakapunta. May sakit daw kasi siya." Matapos kong marinig ang sagot niya, tumayo na agad ako at aalis na dapat kaso bigla akong hinila nung babae.
"Teka. San ka pupunta?"
"Kay Margaux."
"Pero sabi niya pwedeng tayo na lang ang mag-date." Date? Eto ba ang sorpresa na sinasabi sa akin ni Margaux kanina? Kaya pala siya nanigurado na single ako para ireto ako sa iba. Tss. Badtrip naman oh!
"May sakit ang babaeng m-- Ang bestfriend ko. Bakit pa ako makikipag-date sayo?" Tumalikod na ulit ako at naglakad papalayo.
"Wala siyang sakit." Sinigaw niya kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Pinaglalaruan mo ba ako?!" Lumingon ako sa kanya at unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin.
"Hindi kita pinaglalaruan. Don't get offended but I think Margaux's playing with you." Tapos may namuong malapad na ngiti sa mukha niya. Asar!
"Ano bang pinagsasasabi mo? Ni hindi mo nga siya kilala."
"I may not know her that well, but seeing her a while ago.. Mukhang okay naman siya. Nagmamadali pa nga siya nung pinakiusapan niya akong ako na daw ang pumunta dito. Wala talagang sakit si Margaux. Pinapasabi niya lang siguro yun para may excuse siya para hindi makapunta." Hindi ko alam kung bakit pero parang may nagsasabi sa akin na totoo ang sinasabi ng babaeng 'to.
"Bakit naman niya gagawin sakin 'to?"
"I don't know. Maybe because she has something more important to do?" Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila ako pabalik dun sa may table namin.
"At ano naman yun?"
"Ikaw ang bestfriend diba? Dapat alam mo yan."
"Ano bang alam mo?!" Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Yung hindi mo alam." Tapos nakipagtitigan siya sa akin.
"Gusto mo bang malaman? Kumain muna tayo. Umuulan pa naman oh." Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ni Sofia. Pero wala naman sigurong mawawala sa akin kung kakain ako kasama niya diba? Kaya umupo na ako sa may table namin at umorder na ng pagkain.
***
Halos isang oras na kaming kumakain at wala siyang ibang kinukwento kundi tungkol sa sarili niya. Ang daldal niya masyado.
"Allergic ako sa strawberries and peanuts.."
"Takot ako sa.."
"Tapos nung bata ako.."
![](https://img.wattpad.com/cover/1296801-288-k103364.jpg)
BINABASA MO ANG
The Angelic Liar
Teen Fiction"Sanay na akong mag imbento ng kwento. Naging talent ko na nga ang pagsisinungaling. Nung una akala ko, madaling magpanggap bilang kambal ko. Pero nagkamali ako. Mahirap palang magpanggap kasi kasabay ng pagpapanggap ko bilang ibang tao ay ang pagpa...