4 | Kissing Bandit

367 28 1
                                        

4

Bakit ba sobrang minamalas ako ngayon? Kanina inaaway ako ng mga mukhang paang may gusto kay Gelo. Tapos iniwan ako ni James. Alam kong sinabi kong umalis na siya pero kahit na! Dapat hindi niya ako iniwan. Tapos biglang sobrang lakas ng ulan. Mga lampas 30 minutes yata bago pa ako nakasakay ng taxi. At alam niyo ba? Na-flat pa yung gulong ng sinasakyan ko kaya eto ako ngayon. Mukhang natuyong basang sisiw. Medyo natuyo kasi yung hoodie ko habang nag-hihintay ako sa loob ng taxi kanina. What a looooooong day. Gusto ko ng maligo at matulog kahit 7 pm pa lang. Malas talaga sa buhay ko ang James na yun!

Pagpasok ko ng lobby ng condotel, hinarang ako ng isang babaeng crew nila.

"I'm sorry but you're not allowed to proceed to the elevators unless you reside here or you'll visit someone residing here." Tapos tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Ano ba naman yan! Dahil medyo basa ako at maputik yung legs ko, hindi na agad ako nakilala? Kaya hinanap ko yung card ko, binaba ang hood ko at humarap sa babaeng lumalandi kay Mac pagdating namin dito nung isang araw. Pagtingin ko sa kanya, bumilog yung malaki na niyang mata at parang napahiya siya. Well, dapat lang no!

"Ma'am. So-- sorry po. Hindi ko po kayo nakilala kasi--" Hindi ko na pinakinggan ang sinabi niya at dumeretso na ako pasakay ng elevator. Pasara na yung elevator ng biglang may lumusot na kamay sa gitna nun. Hindi ko kaagad napindot yung open button kaya medyo naipit siya. ^_^v

"ARE YOU FVCKING BLIND?! Hindi mo ba nakita yung kamay ko?!" Biglang pumasok ang isang lalaking basang basa rin. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Gelo Tiongco.

"It's not my fault if your hand was caught between the doors. You could've just pressed the button outside dummy."

"Kahit mag ingles ka dyan, mukha ka pa ring taga bundok." Bigla siyang umupo sa isang sulok. Amoy alak siya. Amoy usok pa. Hindi na nakakapagtaka. Madami daw bisyo yan eh.

"Whatever drunkard." Sobrang wala na ako sa mood ngayong araw. Ayaw ko ng madagdagan pa ang pagkainis ko. Kaya tumalikod na ako at hindi ko na siya pinansin. 

"Take off your hoodie." Naramdaman kong tumayo siya.

"What?!"

"Sabi ko, hubarin mo ang hoodie mo." Palapit siya ng palapit sa akin. Syempre, umurong naman ako ng umurong. Hanggang sa wala na ulit akong maurungan. Teka. Parang nangyari na ito sa akin ah?! Ganito rin yung posisyon namin ni James nung una ko silang nakasabay dito sa elevator.

"Why would I do that?"

"Maganda ka pala sa malapitan." Hinaplos niya yung pisngi ko. At super lapit na talaga ng mukha niya. Konti na lang parang--

OMG. What the hell did he just do with me?! Ang first kiss ko.. Wala na. Nawala na ng parang bula. Nang dahil sa mala vacuum cleaner niya bibig. T.T

"BASTOS!" Sinampal ko siya. Ay hindi pala. More on sapak. tapos tinulak ko siya ng napakalakas kaya natumba siya at nauntog sa gilid ng elevator.

*boooogsh*

Kasabay ng pagtulak ko sa kanya, biglang kumulog ng napakalakas at tumigil ang elevator. Napatingin ako sa labas ng elevator since transparent yung isang side nun. Super dilim sa labas. Walang ka-ilaw ilaw kahit saan ako tumingin. Brown-out siguro. Pinindot ko yung emergency button ng elevator hanggang sa may nagsalita sa intercomm.

Sorry for the inconvenience. If there are any people stuck inside the elevators, please don't panic. We are trying to fix the problem as soon as we can. Thank you.

Hindi pa rin pala tapos ang kamalasan ko hanggang ngayon. Now I'm stuck here inside the elevator with a kissing bandit. Damn!

Limang minuto na kaming nandito. Wala pa ring kuryente. Bakit ganito? Parang may mali. Kanina pa hindi umiimik si Gelo. At ni hindi pa siya gumagalaw simula ng natumba siya. Kaya lumapit ako sa kanya at kinulbit siya. Pero hindi pa rin siya sumasagot.

The Angelic LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon