6
"I changed my mind. Let's just stay here at your place." Sinarado niya ang pintuan at humiga sa sofa ko.
"At ano namang gagawin natin dito?"
"Nagugutom ako. Pagluto mo ako." Dumeretso siya sa kusina ko.
"What do you want?" Tinanong ko habang naghahanap siya ng pagkain sa ref ko.
"Kahit ano. Basta siguraduhin mong malinis yan. Baka masira tiyan ko sayo."
"Ikaw na lang kaya magluto? Ikaw naman ang kakain."
"Sino ba sa atin ang alalay?" Kelangan ba talaga lagi niyang ipamukha sa akin na isa lang akong 'alipin'? He's so mean. >.<
Since 12mn na, hindi naman siguro siya kakain ng something heavy. Kaya pancake na lang ang ipapakain ko sa kanya. Tinatamad kasi akong magluto. Saka nakakabusog na rin naman kahit papano yun. Prinepare ko na yung mixture at nagsimula ng magluto.
"Pancake? Ano ako, Kinder?!" Ayan. Naninigaw nanaman siya. Mukhang kelangan ko ng masanay masigawan bawat minuto ng bawat araw ko. :|
"Sabi mo po kasi, kahit ano diba?" Bigla niyang pinatay yung stove ko at kinaladkad ako papunta sa kwarto ko. Tinulak niya ako sa kama kaya napahiga ako. Hinawakan niya yung dalawang braso ko para hindi ako makagalaw. Teka. Anong gagawin niya sa akin? Hindi kaya.... NOOOOOO!
"WTH are you doing? Bitawan mo nga ako!"
"Wag kang magulo." Tapos palapit ng palapit ang mukha niya sa akin. Parang 1 inch apart na lang. OMFG. Anong gagawin ko.? >.<
"F*CK! P*T****N*! AAAAAAAAHHHHHHHHH!" Si Gelo yan. Kinagat ko kasi ang pisngi niya. Para makawala sa masama niyang binabalak sa akin. ^_^v
"WTH did you do that for?!" Sinabi niya habang nakatingin sa napakalaking salamin sa kwarto ko. Vain nga kasi siya remember?
"Nagutom kasi ako. Kaya kinagat kita. Sorry Master." Tapos nag peace sign ako.
"Pasalamat ka babae ka!"
"Thank you. VERY MUCH." I said sarcastically.
"Magbihis ka na nga dyan. May pupuntahan tayo. Saka punasan mo yang mukha mo. Ang dumi-dumi. Pupunasan ko na dapat kanina. Bigla ka namang nangagat. Aso ka na pala ngayon."
"Teka.. So ibig sabihin--" Okay. Ako na ang assuming. ^.^v
"Ano bang akala mong gagawin ko? Hindi kita hahalikan. Ayaw ko ng ulitin ang pagkakamaling ginawa ko sa elevator. Hindi katulad mo ang type ko. Mukha kang bulldog." Pumasok siya sa banyo ko at naghilamos.
"FYI--"
"Bilisan mo na nga. Pag hindi ka lumabas sa loob ng tatlong minuto, you're dead." At lumabas na siya ng kwarto ko. Ako naman, dali-daling nagbihis at sumunod na sa kanya. Tapos bumaba na kami sa basement ng condotel.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang papunta kami sa sasakyan niya.
"Sa Jolibee. 24 hours doon diba?" Binato niya sa akin yung susi niya at sumakay na siya sa passenger seat. "Ikaw mag-drive."
"Pero wala pa akong license. Baka mahuli--"
"You're a Llanes. You can get away with everything except from me of course. Pag may humarang na LTO, magpa-cute ka lang papakawalan ka na niyan."
"Bakit ngayon mo naisipang pumunta dun? Kung kelan naman madaling araw na." Stinart ko na yung sasakyan at nagsimulang mag-drive papuntang Jolibee.
"Sa ganitong oras lang tayo pwedeng pumunta dun ng wala masyadong tao."
At dahil hindi ko pa kabisado ang directions dito sa Manila, siya ang nagsasabi kung saan ako liliko o dederetso. Malapit lang pala ang Jolibee dito. Mga 15-minute drive from our condo lang. Pagka-park ko ng sasakyan niya bigla na lang siya sumigaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/1296801-288-k103364.jpg)
BINABASA MO ANG
The Angelic Liar
Teen Fiction"Sanay na akong mag imbento ng kwento. Naging talent ko na nga ang pagsisinungaling. Nung una akala ko, madaling magpanggap bilang kambal ko. Pero nagkamali ako. Mahirap palang magpanggap kasi kasabay ng pagpapanggap ko bilang ibang tao ay ang pagpa...