3
*dingdong* *dingdong* *dingdong* *dingdong*
Ano ba naman yan! Sunud-sunod ang pag doorbell. Hindi makapaghintay? Amppp. Tiningnan ko yung mini LCD screen para makita kung sino yung nasa pintuan. Teka si -- Si Johnny ba yun? Ay hindi. Jay yata. Ah basta. Yung gwapong pinsan ni Sofia.
"What brings you here?" Pasungit kong tanong sa kanya. Pano ba naman. Naputol ang napakaganda kong tulog. Wala pa yata akong isang oras na natutulog tapos bubulabugin niya kaagad ako?
"Kanina ka pa hinihintay ni Sofia. Pumunta ka na raw doon." Pagkasabi niya nun, tumalikod na agad siya sa akin at dire-diretsong naglakad palayo. Ang bastos naman oh. Hindi pa ako nakakaimik, tinalikuran na agad ako. Pero teka. Bakit naman ako hihintayin ni Sofia? Sabi naman niya dinner pa ako pumunta. Anong oras na ba?
Omooooo. >.< 8:12 na? Ibig sabihin, halos apat na oras na pala akong natutulog. Dali-dali akong nag bihis. Hindi na ako nag shower kasi mabango pa naman ako. At pumunta na ako sa unit ni Sofia.
*dingdong*
"Mac can't make it. Bumisita kasi siya sa lola niya. Bukas pa yata ang uwi niya." Nag-abot ako sa kanya ng isang box ng macaroons. Sabi kasi sa akin ni Mommy, never ever go to someone's house empty handed. Kaya binigay ko na lang sa kanya yung binigay sa akin ni Ate Bianca kahapon. ^_^v
"What took you so long? It's okay. May next time pa naman. Halika na. Kanina pa akong nagugutom." Pumasok na kami sa unit niya at dumeretso ng dining area niya.
"Wow. Puro seafoods?" Ano ba naman yan. Seafoods nanaman. Kelan ba ako tatantanan ng mga lamang dagat na ito?
"Oo. Nakita ko kasi sa news na sa isang seafood restaurant daw kayo dumeretso ni Mac pagkagaling niyong airport so naisip ko na baka yan ang favorite niyo." Oh my. Paano na ito? Wala na akong anti-allergy na gamot.
"That's very thoughtful of you. Uhm.. Bakit nga pala may isang plato ng spaghetti?" Ayun. Yun na lang ang kakainin ko. :D
"That's for James. Allergic kasi siya sa seafoods. You won't mind, would you?" Halaaaa. Ano ng gagawin ko. Bahala na! Bibilisan ko na lang ang pagkain ko para makauwi na agad ako.
"Of course not." Yan na lang ang tanging nasabi ko.
***
"Thanks Sofia. I enjoyed the food. Next time, ako naman ang magluluto para sa inyo." Tapos na akong kumain. At sa totoo lang, nahihirapan na akong huminga. Ugh!
"Looking forward to that. Are you sure you don't want to stay longer?"
"I'd love to. Kaso may gagawin pa kasi ako. Next time maybe? I'm sorry but I really have to go. Bye!" Nag beso ako sa kanya at kumaripas ng lakad palabas ng unit niya. Feeling ko nawawalan na talaga ako ng hininga. I need to get my inhaler NOW. Medyo naginginig na yung kamay ko kaya hindi ko na mapindot ng ayos yung lock ng pinto ko.
"Ok ka lang?" Si James yan. Sumunod pala sa akin. Inenter ko na yung code ko. Pero hindi bumukas. Tekaaa. Anong nangyari?!
"I'm fine. Thanks." Sinabi ko habang ineenter ko ulit yung code ko. This time, bumukas na yung pinto.
"Are you actually having an allergic reaction? Ang putla mo na!"
"None of your business. Wag mo na lang akong pansinin." Pumasok na ako sa unit ko. Dumeretso ako sa kwarto ko para kuhanin sa bag ko ang inhaler ko. Kaso hindi ko mahanap. Tinanggal ko na lahat ng laman pero wala dun. Tiningnan ko sa iba kong bag pero nawawala talaga. Jusmiyo. Mamamatay na yata ako. Pero bago pa man tuluyang magdilim ang paningin ko..

BINABASA MO ANG
The Angelic Liar
Fiksi Remaja"Sanay na akong mag imbento ng kwento. Naging talent ko na nga ang pagsisinungaling. Nung una akala ko, madaling magpanggap bilang kambal ko. Pero nagkamali ako. Mahirap palang magpanggap kasi kasabay ng pagpapanggap ko bilang ibang tao ay ang pagpa...