1
Margaux's POV
“Mabuhay! Welcome to Castueras International Airport. Local time is 11:48 am and the temperature is 32.6 C. On behalf of our airlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!”
After so many hours, nakarating na rin kami finally sa Pilipinas. For sure marami ng nagbago dito. It's been three years. Three long years. Sobrang miss ko na dito. Na-hohomesick kasi ako sa NY. Wala akong ginawa kundi ang mag-aral ng mag-aral. Sobrang boring talaga.
"Last minute reminders Margaux. For sure maraming nag-aabang na reporters sayo ngayon. Pag pinilit ka nilang interviewhin--" Here goes Ate Biancs again. Simula pag sakay namin ng eroplano kahapon ito na ang paulit-ulit niyang sinasabi sa akin. Siya nga pala ang kinuha sa aking secretary/assistant nina Daddy. Magkalapit lang ang age namin kaya close ako sa kanya.
"Just plaster a sweet smile on my face and answer two or three questions with poise. Just answer like the real Margaux would do." Twin sister ko si Margaux. Magkalayo kaming lumaki kasi inampon siya ni Mr. and Mrs. Llanes. Kaso three years ago, naaksidente kaming dalawa. I survived but she unfortunately died. Kaya eto ako ngayon, nagpapanggap bilang siya.
"In case tanungin ka nila tungkol sa wedding runors mo--"
"I'd simply tell them I'm sorry but I'd rather not comment on that issue right now." Ito ang mahigpit na pinagbilin sa akin nina Daddy. Kahit alam kong pag nag 18 na ako ay wala na akong choice kundi magpakasal, magkunwari na lang daw muna akong wala akong pakealam. Ang gulo ng mundo ngayon no? Ipapakasal ang anak for the sake of their business. Kung buhay ang totoong Margaux, sobrang maaawa ako sa kanya. Pero since ako na ang nasa posisyon niya, sobrang naaawa ako sa sarili ko. -_-*
"Aba. Mukhang handa ka na talagang maging si Margaux Llanes ah."
"Naman. Kaya nga ako umuwi na dito diba? Kung hindi pa ako handa, eh di sana nagpaiwan muna ako sa New York. Tatlong taon kong pinag-aralan kung paano mabuhay bilang Margaux. That's why I'm more than ready. Besides, twin sister ko naman ang gagayahin ko kaya magiging madali lang 'to panigurado." Identical twins nga pala kami ni Margaux. Kaya madali kong maloloko ang lahat physically. Pagdating naman sa ugali, halos magkaparehas na rin kami. May mga pagkakaiba man, kaya ko ng gayahin. Para saan pa ang tatlong taon kong paghahanda diba?
"That's the spirit! Now, ang susundo sayo ay si--"
"Mac Castueras. Ang 'bestfriend' ko." Isang beses ko pa lang nakikita sa personal si Mac. Kung hindi ako nagkakamali, 7 years old pa kami nun. Yun yung time na binisita ko si Margaux sa kanila kaso biglang dumating si Mac kaya nagtago ako sa ilalim ng lamesa sa loob ng dalawang oras hanggang sa makauwi siya. Ang taba taba nga niya eh. Kaya ewan ko kung anong nagustuhan ni Margaux dun. Childhood crush niya kasi yun.
"Tandaan mo--"
"Chill Biancs! You've literally reminded me all those things for over a hundred times already. So stop worrying, okay? I won't blow my cover up. I promise."
"Eh kasi naman. Ayaw kong mawalan ng trabaho. Alam mo namang may sakit ang nanay ko." Ayun. E di lumabas din ang totoo. Walang tiwala sa akin ang babaeng 'to.
"Ayaw ko rin namang mawalan ka ng trabaho no. Kargo de konsensya pa kita kung nagkataon. Saka don't you trust this face?" Tinuro ko yung mukha ko kaya tumingin siya sa akin tapos biglang napatawa. "Baka nakakalimutan mong sanay magsinungaling ang mala anghel kong mukhang to."
"Baliw. Baka may makarinig sayo. Ayan na. Natatanaw ko na ang mga reporters. Handa ka na ba talaga?"
"Imma hundred percent ready." I winked at her.
BINABASA MO ANG
The Angelic Liar
Novela Juvenil"Sanay na akong mag imbento ng kwento. Naging talent ko na nga ang pagsisinungaling. Nung una akala ko, madaling magpanggap bilang kambal ko. Pero nagkamali ako. Mahirap palang magpanggap kasi kasabay ng pagpapanggap ko bilang ibang tao ay ang pagpa...