Chapter 1. "The night I've first met you"
Sean's POV
Magulo. Maingay. Magulong pamilya. Maingay na tahanan. Sa tinagal na pagsasama nila, ganyan sila.
"Tigilan mo na nga ito!"
"Bakit ko titigilan?! Napakawala mong kwentang asawa!"
Hindi na nila maalala na mayroon silang anak. Wala naman silang pake e. I am neither a rebel nor delinquent. Alam ko naman e. That I have this kind of family. Bakit hindi na lang kasi sila maghiwalay. Para matapos na ang paghihirap ng bawat isa. Lagi na lang silang ganyan. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos lagi na lang silang nagtatalo. Pero hindi pa din sila naghihiwalay. Nakakasawa na.
"Ano nanaman bang ginawa ko?!"
"Hayop ka! Manlalake ka na lang nakikita ko pa!"
"Hoy Julio, baka nakakalimutan mo, nangbabae ka din! Kaya patas lang tayo!"
"Kaya gumaganti ka?"
"Bakit? Hindi ba pwede?"
Naka-yuko lamang ako sa loob ng kwarto ko habang pinapakinggan ang pagtatalo nila. Bagsak ang mula habang pinaglalaruan ang hawak kong stress ball. Mariin ko pang pinisil-pisil ang hawak kong stress ball. Dito ko na lang nilalabas ang sama ng loob ko habang naririnig silang dalawa na nagtatalo. Nakakainis! Naiinis ako! Hindi naman ganito dati pero bakit ganito na ngayon. Napatingala ako at pinagmasdan ang family picture namin. Hindi ko napansin na naiyak na pala ako habang nakatulala sa family picture namin. Huminto ako sa pagpisil ko sa stress ball at malakas itong binato sa pader ng kwarto ko. Naitakip ko na lamang ang aking dalawang palad sa aking mukha habang hingal na hingal. Nang kumalma ako ay pinusan ko ang luha ko at dali-daling tumayo.
Pasado alas-dose na ng gabi pero lumabas ako ng bahay para takasan ang ingay dito sa bahaym, kung bahay pa nga bang matatawag ito. Babalik na lamang ako kapag tahimik na sila. Hindi naman nila mapapansin na umaalis ako ng bahay dahil makasarili silang magulang. Wala na silang pakialam sa akin. Hindi naman na nila ako iniintindi. Gusto lang nilang gawing miserable ang buhay ng bawat isa. Nakakasura na. Nakakasawa. Gusto ko ng matapos.
Naka-jacket ako at nakapamulsa habang naglalakad sa village namin. Malamig na ang panahon dahil buwan ng December na. Ilang linggo na lamang at magpapasko na pero bakit hindi ko ramdam na parating na ito. Mas ramdam ko pa na may parating na bagyo o di naman kaya gera sa nangyayari sa buhay ko. Isang malalim na paghinga ang binitawan ko. Pinagmamasdan ko lamang ang mga Christmas lights at iba pang dekorasyon sa mga bahay na nadadaanan ko. Ang ganda at nakakaenganyo silang panuorin. Ang kikislap nila at nakakaaliw pagmasdan. Sa bahay namin, wala kang makikitang dekorasyon bukod sa parol na nakasabit sa main door namin na hindi napalitan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ko sa village namin hanggang sa marating ko ang playground. Tahimik at wala nang tao rito. Tanging malamig na simoy lamang ng hangin na humahampas sa mga sanga ng puno at kuliglig ang naririnig ko. Naglakad ako papasok sa playground dito na muna ako magpapalipas ng oras. Pumunta ako sa swing para umupo. Pero uupo na sana ako nang biglang may nagsalita. Nagulat ako at rinig ko mula sa likod ko ang boses ng isang babae.
"S-sino 'yan? Ikaw na ba 'yan Tita Mel?" Malumanay at mahinhin ang boses ng babae na nagsalita.
Nakaramdam ako ng kaba dahil akala ko kung ano na pero nang lumingon ako at tingnan siya isang babae na nakaupo sa wheel chair ang nakita ko. Hindi ko siya napansin kanina nang pumasok ako rito sa playground. Pinagmasdan ko ng maigi ang babaeng nakaupo sa wheel chair. Maputi siya at mayroong mahabang buhok na hanggang dibdib. Nakasuot siya ng bistida na kulay cream na may abstract na dekorasyon. Nang tingnan ko ang mukha niya, maamo ito. Mayroon siyang manipis na labi, maliit at matangos na ilong at mga mapupungay na mata dahil sa mahahaba niyang pilik-mata. Habang nakatingin ako sa mga mata niya, napansin kong sa iisang direksyon lamang siya nakatingin.
BINABASA MO ANG
Her Last Smile
SpiritualHindi lingid sa isip ni Sean na hindi lamang siya ang may dinadalang problema sa mundo. Akala niya ay siya na ang pinaka-problemadong tao sa buong mundo. Nasasaksihan niya ang unti-unting pagkasira ng kanyang pamilya at hindi na niya maramdamang may...