Chapter 10. "And I will smile for you"

10.3K 436 113
                                    

Chapter 10. "And I will smile for you"

Sean's POV

"For the last time. I wanna see her last smile. Kahit na ganito, gusto ko makita ang mukha ni Serenity noong una ko siyang nakilala."

"How could you do that Sean?"

"Hindi ko nga alam eh, magpapasko na, dapat maging masaya ako pero heto, daig ko pa ang biyernes santo." Natatawa kong sabi.

"Magiging ayos din ang lahat anak." Tinapik ni Mama ang balikat ko, tiningnan ko siya at napangiti ako, isang ngiting kakaiba. "Thanks Ma."

Me and Mom settled all the issues about our family. This is one of Serenity's wish. First wish, accomplished! Nakatingin ako sa notebook na sinulat niya. Nasa taxi kami ngayon, papunta kami ngayon kay Serenity. Binasa ko ang nakasulat sa sketchpad na sinulatan ni Serenity ng wishes niya.

1. Ayusin ang relationship sa parents mo.

2. Mag-enroll sa college.

3. Hold my hands.

4. Gusto ko mahawakan ang mukha mo.

5. Smile when I die. I don't wanna see you cry.

"This is weird. Paano ako ngingiti sa oras na mawala na siya." Naglalakad kami ni Mama papunta sa room ni Serenity. Galing pala kami sa school ko, at nag-enroll na ulit. Gusto kong sabihin sa kanya na nagawa ko na ang dalawa sa mga wishes niya. Nangako ako sa kanya na aayusin ko na ang buhay ko para sa kanya. Nangako sa kanya na magiging masaya kahit na mawala siya. Masakit man pero kailangang tanggapin, iyan din ang sinabi niya.

"Gusto lamang niya na maging masaya ka para sa kanya." Sabi ni Mama habang naglalakad kami. Napapaisip kasi ako, kahit na sa huling pagkakataon ng buhay niya, ay naaalala niya pa rin ako. Bahagya naman akong napangiti kay Mama.

"How Mom?" Tanong ko. "Paano gayong alam kong mawawala siya, mahirap iyon."

"Serenity is going to heaven, Sean. Magiging maayos siya roon anak." She smiled. I gave her also a smile.

"I know mom. I know." Nagpatuloy na kami papunta sa kwarto ni Serenity. "Were here!" Kahit na hindi na niya ako naririnig. Nagsasalita pa rin ako kapag nandiyan siya, nagbabakasakaling maririnig niya muli ang boses ko.

Nakaupo siya sa kama at nagsusulat sa sketchpad. She used a sketchpad to communicate to us. Kaya niya rin nasulat ang five last wish niya. Naupo ako sa tabi niya at nakita kong nagulat siya sa pagdating ko. Hinawakan ko ang kamay niya naging kalmado naman siya ng makilala niya ako. Napangiti pa siya ng gawin ko 'yon. Humiwalay siya sa pagkakahawak niya sa akin at nagsulat sa sketchpad.

Nagawa mo na ba ang 1st wish?

Iyon ang nakasulat. Hinawakan ko ulit ang kamay niya at inilagay sa taas ng ulo ang isa at sa baba ko naman ang isa. Tumango ako. Para sa ganitong paraan ay malaman niyang nagawa ko. Napangiti siya sa ginawa ko. Nagsulat muli siya sa sketchpad.

Masaya ka ba?

Natahimik ako sa nabasa ko at tiningnan siya. Hindi ko alam ang isasagot ko pero nagsulat muli siya sa sketchpad.

Gusto ko maging masaya ka.

Ginawa ko ulit ang ginawa ko kanina at tumango. Ngumiti naman siya. Binitawan ko ang kamay niya na nakahawak sa taas ng ulo ko at sa baba ko. Hindi na maganda ang hitsura niya. Hindi na rin niya maigalaw ang lower body niya. Mabuti pa at nagagalaw niya pa ang kamay niya para makapagsulat.

Her Last SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon