Chapter 8. "Because you've taught me to be strong"

5.1K 226 18
                                    

Chapter 8. "Because you've taught me to be strong"

Sean's POV

Bakit ba nabubuhay ang mga tao? Kasunod na rin ang katanungan na, bakit ba namamatay ang mga tao? Hindi ba maaaring permanente silang mabuhay? Yung para bang immortal. Base sa mga nabasa kong libro. Kaya raw kailangan na may mamatay sa mundong ito, is to make the world in balance. Kumbaga sa damit, may naluluma at may bibilhin kang bago. Kumbaga sa paborito, aayawan mo rin ito at makakahanap ka ng bagong paborito. Nobody lives permanently. Evebody dies. Pero bakit kung sino pang hindi deserve ito. Sila pa ang nauuna.

Malalim kong iniisip ito habang tulak ang wheelchair ni Serenity pauwi galing sa ospital. Hindi naging maganda ang huling test ni Serenity pero hindi ito dahilan para hindi niya ituloy ang operation. Na-move na rin ang dapat na magiging operation niya noon dahil sa mga tests na ginawa namin. Ilang Linggo na rin kami bumabalik sa ospital ni Dr. Mendez at maging sa ibang ospital. Pero mas lalong lumalala ang sakita niya at mas lalong lumiliit ang pag-asa na sana ay makakita siya. At kahit na ganoon may mga oras pa rin na masaya siya at ngumingiti kasama ko.

Nakita kong balisa at apektado siya sa nalaman niya. Alam kong suntok sa buwan ang gagawin naming ito. Pero hindi masama na magtiwala sa kanya. Na Siyang may likha ng lahat ng ito. I don't know if I could blame him too dahil sa mga nangyayaring ito sa kanya at ganoon na rin sa akin. God is powerful. God is kind. God knows everything. Yan ang sabi nila pero anak naman ng tokwa. Kung alam niya lahat bakit si Serenity pa? Hindi na lang iba? May iba naman na makasalanan, bakit siya pa? Bakit...hindi na lang ako?

Noon naisip ko, bakit kaya nabuhay pa ako? Kung ganito lang rin naman ang magiging buhay ko? Akala ko ba masaya ang buhay? Pero bakit parang daig pa nito ang impiyerno sa hirap ng buhay. Life is full of competition. Life is full of challenges. We can learn from it and we can be a tough person someday. Madaming kasabihan. Madaming nakakalitong sabi-sabi ng mga tao. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko.

"Sean..." Napahinto ako nang tawagin niya ang pangalan ko. "May problema ba?" Tanong niya sa akin. Nabuo sa mukha ko ang isang malungkot na pagtataka. Hindi ako nasagot sa tanong niya nang muli siyang magsalita. "Pilitin man nating lakasan ang loob ng isa't-isa kung kamatayan na ang humahadlang sa ating dalawa. Wala na rin tayong magagawa pa, Sean." Seryosong sabi niya. Hindi ko naitago pa ang luha ko. Kusa na lamang itong bumagsak habang nagsasalita siya. Naglakad ako papunta sa gilid niya at lumuhod para tingnan siya.

"Hindi. Di ba? Di ba Serenity sabi mo, gagalingan mo? Gagaling ka pa di ba?" Tanong ko habang mahinang umiiyak. Hindi na niya nakuhang sumagot pa sa tanong ko. Tanging katahimikan lang ang ginawa niya, isang senyales na sumusuko na siya. Bigla akong nakaramdam ng inis at padabog na napatayo. "Anak naman ng tokwa Serenity oh. Akala ko ba...akala ko ba gusto mo pang makita ako? 'Yung mga stars? 'Yung araw? Pero b—bakit sumusuko ka na?" Inis kong sabi sa kanya. Tumingala naman siya at pinaling ang tingin sa akin. Nang makita ko ang mukha niya, nakita ko ang namumuong butil ng luha sa gilid ng mga mata niya. Nakikita ko rin na himihikbi siya at nagpipigil lang na umiyak.

"H—hindi ako sumusuko, Sean. Tinatanggap ko na lang ang kung ano ba ang nakalaan para sa akin." Saad niya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya sa inis.

"Siya na naman? Iyang Diyos na tinatawag mo?" Narinig ko ang pag hikbi niya. Tiningnan ko siya at nanglaki ang mata ko at lumabas ang mga salitang hindi ko inaasahan. "M-mahal kita S-Serenity..."

Nakita kong nabigla siya sa sinabi ko. Hindi niya alam ang sasabihin sa gulat nito. Hindi ko rin alam kung bakit at papaano ko na lang nasabi sa kanya ang mga salitang 'yon. Pero base sa mga sinabi ko. Wala akong pinagsisisihan dito.

Her Last SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon