Chapter 9. "Thank you because I have met you"

5.1K 231 12
                                    

Chapter 9. "Thank you because I have met you"

Sean's POV

Isang Linggo na ang nakalipas, sobrang lamig na ng panahon at nagbabadya na ang pagsapit ng kapaskuhan pero hindi ko ito maramdaman. Hindi rin kami nagkita ni Serenity nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam ang dahilan, pero parang may hindi tama. Hindi ko masabi dahil wala akong ideya kung ano 'yon. Basta hanggang ngayon nag-aalala ako sa kalagayan niya. Paano na kaya siya? Kamusta na kaya siya? Naalala ko ang huli naming pagkikita. Sinabi niya rin sa aking mahal niya ako, masaya ako dahil pareho kami ng nararamdaman. Pero mas lamang ang panghihinayang sa puso ko. Hindi ko alam, pero bakit ang bilis? Kung kelan may isang taong nagsasabing mabuhay pa ako. Siya naman ang agad na mawawala sa buhay ko. Hindi ko lang maintindihan. Totoo ba ang Diyos? Kung totoo siya, bakit kung sino pang mabuti siya pa ang una niyang kinukuha. Habang ang mga masasamang tao sa mundong ito ay naglipana.

Lumabas ako ng bahay kahit gabi na. Hindi ko din alam kung bakit ako lumabas, parang kusang nag-iisip ang mga paa ko at lumabas na lang ako sa bahay. Malakas at malamig ang hangin kaya bumalik ako sa loob at kumuha ng pang-lamig. Pag labas ko ng main door. Nakita ko ang bike ko kaya napadisisyunan kong mag-bike muna sa labas. Paglabas ko ng gate, napatingin ako sa kaharap naming bahay. Ang bahay nila Serenity. Tulad ng nakasanayan. Tahimik ang bahay nila. Hindi ko na ito pinansin at sumakay sa bike ko at agad na nagpidal.

Habang nagba-bike, malalim ang nasa isip ko. Ano kaya ang nangyari kay Serenity nitong mga nakaraang araw? Pumupunta ako sa bahay nila, pero walang tao. Ilang beses ko na ring ginawang akyatin ang gate nila pero pagpasok ko naka-lock ang main door nila. Wala rin roon ang Tita niya ganun na rin ang anak nito. Para ngang wala nang nakatira sa bahay na 'yon eh. Lumabas ako ng village namin. Pero pag labas ko, huminto ako at napalingon sa likod ko at napatingin sa guard house. Bakit hindi ko itanong sa guard kung may nakatira pa doon?

"Ah Manong may itatanong lang ako." Sabi ko sa Guard.

"Ano po 'yon Sir?"

"May nakatira pa ba 'don sa tapat ng bahay namin? Yung brown na gate? Yung may babaeng bulag?" Tanong ko.

"Ah 'don po ba? Opo meron pa. Wala pa namang lumilipat dito sa village e." Sagot ng Guard sa akin. Nakaramdam ako ng ginhawa sa sinabi niya. Akala ko umalis na si Serenity.

"Ah sige po. Salamat" Taimtim akong napangiti sa nalaman ko.

Tumalikod na ako at sumakay sa bike ko pero tinawag ako muli ng guard sa village namin kaya huminto ako at nagtatakang hinarap ulit ito.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Kilala mo yung babaeng bulag na naka-wheelchair?" Tumango ako sa tinanong ng guard sa akin. "Dinala sa ospital 'yon. Ilang araw na rin ang nakakaraan." Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi ng guard. Bigla akong kinabahan at nataranta sa nalaman ko.

"Saang ospital po?"

Sinabi sa akin ng guard kung saan ospital dinala si Serenity. Sumakay ako agad sa bike ko at mabilis na pinatakbo ito papuntang ospital. How could I almost forget about her? Ang tanga ko. Ang tanga ko! Kinakabahan, natatakot, naiinis at nangangamba ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Paano kung, paano kung mawala na siya? Hindi. Hindi pwede!

Basta ko na lang iniwan ang bike ko sa tapat ng ospital at dali daling pumasok dito at tinanong kung saan ang room ni Serenity.

"Kaano ano po?" Tanong ng nurse sa akin.

Her Last SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon