Chapter 3. "I'm always be here for you"
Sean's POV
Muli na naman silang nagtatalo. Pagkarating nilang dalawa sa bahay ay sagupaan na naman nila ang nasasaksihan ko. Kung nanunuod ako ng TV pwede ko na sanang patayin ang TV o hindi naman kaya ay ilipat ang channel dahil nagsasawa na ako. Kaso hindi, live na nangyayari sa harap ko ang lahat.
"Bakit ba hindi na lang tayo maghiwalay! This family is..."
"Ano? Bakit hindi mo ituloy?! Ano! Ituloy mo!"
"Maghiwalay na tayo!"
"Wala ka talagang kwenta! Kung yan ang gusto mo. Sige maghiwalay na tayo!"
Lumabas si Papa mabilis ng bahay at malakas na binagsak ang pinto maging ang gate. Nasa dining area ako at nakaupo habang pinagmamasdan ang pagkaing sa harapan ko na wala na akong balak na galawin pa. Naibagsak ko na sa mesa ang hawak kong kutsara na hindi ko pa nagamit. Ramdam ko ang gutom pero nakakatamad na. Paano pa ako kakain kung naririnig ko na naman ang pagtatalo nila. Nakakawala ng gana.
"Sean?" Nabigla ako at napalingon sa pinto ng dining area namin nang banggitin niya ang pangalan ko. Hindi ako nagsalita at pinagmasdan lamang siya. Her face with a dash of tears. Yung itsura ng mukha niya na tila nagmamakaawa sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kanya at inilayo ang sa harap ko ang platong gagamitin ko sana para kumain.
"So, it is really ended up." Sabi ko sa kanya at saka siya tiningnan. She just keep in silence and stare at me like a lost puppy. Iniwas ko ang tingin sa kanya at huminga ng malalim. "Akyat na ako sa kwarto." Mabilis kong sabi at naglakad papunta sa kwarto ko.
Habang umaakyat ako sa hagdan papuntang kwarto ko at napaisip ako. Sino ba ang may kasalanan ng lahat ng ito? Bakit ba nangyari ang lahat ng ito? Paanong naging ganito ang lahat? There are so many questions lingering in my mind. At gusto kong mahanap ang kasagutan sa mga tanong kong iyon. Pero sa lahat ng tanong na gumugulo sa isip ko ay isa lang nais kong mabigyan ng kasagutan.
"Maaayos pa ba ang lahat ng ito?" Mahina kong sabi habang nakayuko at tulala.
Kinabukasan. Nagising akong wala ng tao sa bahay. Tulad ng nakasanayan, ako lang magisa ang narito tuwing umaga. Tumayo ako sa kama ko pagtayo ko, nabaling ang tingin ko sa bintana ko patungo sa bintana ng bahay na katapat ng bahay naming. Naisip ko bigla si Serenity.
Maaga pa at hindi pa nga sumisikat ang araw. Bumaba ako at uminom ng tubig sa kusina. Pag tapos ay kinuha ko ang bike ko para bumili ng pandesal sa labas ng village namin. Pagdaan ko muli sa playground. Hindi ko alam, pero may kung anong nagsabi sa isip ko na huminto ako. Naalala ko ang unang beses na nakilala ko si Serenity dito.
Itinabi ko ang bike malapit sa isang bench at pumunta sa swing. Dito kami unang nagkakilala ni Serenity. Umupo ako sa swing at nagduyan dito. Pero may biglang nagsalita sa likod ko na siyang ikinabigla ko. At para bang nangyari na rin ito dati.
"May tao ba diyan?" Hininto ko ang duyan at nilingon kung sino ang nagsalita. At nang makita ko kung sino, nagulat ako nang makita ko si Serenity na nakaupo sa wheel chair at nakasuot ng jacket na pinahiram ko sa kanya.
"Serenity?!" Tawag ko sa kanya at napatayo sa swing. Nagulat naman siya nang banggitin ko ang pangalan niya na parang nakilala ako.
"Sean? Ikaw ba yan? Anong ginagawa mo dito?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Her Last Smile
SpiritüelHindi lingid sa isip ni Sean na hindi lamang siya ang may dinadalang problema sa mundo. Akala niya ay siya na ang pinaka-problemadong tao sa buong mundo. Nasasaksihan niya ang unti-unting pagkasira ng kanyang pamilya at hindi na niya maramdamang may...