Chapter 7. "Memories with you"
Sean's POV
"Nagkita tayong muli Serenity, it's been...uhm I don't know how months na rin ah." Masayang pagbati sa amin ni Dr. Mendez. "How are you?"
"Kayo po pala Dr. Mendez. Sabi ko na nga ba at nandito ako sa ospital niyo. Alam ko ang amoy nito at di mo malilimutan 'yon." Malumanay na sagot ni Serenity. "Maayos naman po ako."
"I see Serenity. So?" Lumapit si Dr. Mendez sa akin, hinawakan niya ang wheelchair ni Serenity at taimtim akong tiningnan. "Let me check her first, Sean." Aniya at ngumiti sa akin, tumango naman ako sa sinabi ni Dr. Mendez at binitawan ang wheelchair ni Serenity.
Pumunta naman ako sa harap ni Serenity at hinawakan ko ang mga kamay niya.
"Lalabas muna ako ah, galingan mo." Saad ko at napangiti rito. Tumango naman siya at ngumiti rin pabalik sa akin. Tiningnan ko siya, kahit paano ay nakakaramdam ako ng kaba pero naniniwala akong makakaya niya ito. Naniniwala akong malalagpasan niya ito para muli siyang makakita.
Lumabas muna ako para doon maghintay. Serenity needs a long check up para sa operation niya. Alam ko rin namng hindi naman siya hahanapin ng Tita niya kahit na matagalan kami. Habang nakaupo sa waiting area. Hindi mawala sa isip ko si Serenity at ang nangyari sa kanya kagabi. Pakiramdam ko, kasalanan ko. Pakiramdam ko pinabayaan ko siya. Alam kong mabilis ang mga pangyayari para sa amin. Mula noong nakita ko siya roon sa playground noong gabing iyon. Mula noong nakausap ko siya at nakilala. Hindi ko maipaliwanag pero para bang tinadhana na makilala ko siya. Dahil sa kanya nauunawaan ko na at naiintindihan ang buhay. Ako na walang kapansanan ay tinatakasan lang ang problema, pero siya iba siya. Kahit na ganoon siya at hinaharap niya pa rin ito at naniniwalang magiging maayos pa rin ang lahat. Naniniwala siyang lalabas din ang magandang bahaghari pagkatapos ng isang matinding unos.
Matapos ang mahigit na isang oras. Lumabas ng kwarto si Dr. Mendez. Napatayo ako sa upuan at agad na tinanong ito.
"How's her check up?" Tarantang tanong ko. Hindi agad na nakasagot si Dr. Mendez sa tanong ko at tahimik lang akong tiningnan. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "I guess, I know what the answer is."
"Serenity can undergo the operation." Nabigla ako at napatingin sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita sa gulat ko. Pero pansin ko ang kakaibang expression ng mukha niya.
"But...I don't know if she can survive the operation. Like what I have said, 50'50 ang tsansa na makayanan niya ang operation lalo na at," Napahinto siya at bahagyang yumuko. "Nasa stage 3 na ang sakit niya." Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba habang nanlalaki at nanginginig ang mga mata dahil sa mga sinabi niya. "Sean, doon din ang punta ni Serenity, if she can have her sights back, mabubulag muli siya gawa ng sakit niya." Dugtong ni Dr. Mendez.
Tiningnan ko siya na may pagsusumamo."Pero kahit sa konting sandali lang Doc. I want her to see the stars, the sun and to see me. Yun lang please..." Pakiusap ko. Hindi ko rin namalayan na tumulo na ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan. Tinapik naman ni Dr. Mendez ang balikat ko. Tiningnan ko siya, mapait siyang nakangiti sa akin habang marahang tumatango.
"You can talk to her now. Sean magdisisyon kayong mabuti. This is a serious situation for her." Marahan akong tumango sa kanya. Muli niyang tinapik ang balikat ko bago tuluyang umalis.
Umalis na si Dr. Mendez at naiwan akong nakatayo. Balisa at naguguluhan. Parang hindi ko kayang kausapin siya at sabihin sa kanya ang nalaman ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Nakatingin lang ako sa doorknob ng pinto pero hindi ko magawang ikilos ang kamay ko at hawakan ito. Alam kong nasa loob si Serenity at hinihintay ako. Pero paano ko sasabihin sa kanya ang maliit na tsansang makakita siya. At paano ko sasabihin ang tungkol sa sakit niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/14396786-288-k358490.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Last Smile
SpiritüelHindi lingid sa isip ni Sean na hindi lamang siya ang may dinadalang problema sa mundo. Akala niya ay siya na ang pinaka-problemadong tao sa buong mundo. Nasasaksihan niya ang unti-unting pagkasira ng kanyang pamilya at hindi na niya maramdamang may...