Chapter 4. "I finally realized"
Sean's POV
Nagpunta ako sa Makati para puntahan ang doctor ni Serenity. Tinawagan ko siya kahapon para itanong kung sino ang doctor niya kaya naman nagpunta ako ngayon para ikunsulta ang kalagayan ni Serenity. Nasabi na niya noon sa akin na mayroon siyang sakit at gusto kong malaman ang tungkol doon, lalo na ay kung may pag-asa pa siyang gumaling sa sakit na iyon. Pero sa lahat ng iyon, gusto ko siyang tulungang makakitang muli. Gusto kong gumaling siya at mabuhay pa ng matagal.
Hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa ang bagay na ito. Hindi ko rin alam kung hanggang saan ko kakayanin ang pagtulong ko sa kanya. Basta ang alam ko lang, dapat ko siyang tulungan ano man ang mangyari.
Narito ako sa labas ng office ng doctor ni Serenity. Napatayo naman ako kasabay ng pagbukas ng pinto dahil ako na ang sunod na papasok sa loob. Nagkatinginan kami ng isang lalaki at ngumiti ito sa akin.
"You are Dr. Mendez..." Kaswal kong tanong sa kanya.
"Yes I am, how may I help you?" Sagot niya sa akin.
"I'm Sean. I just wanna ask about, Serenity Hernandez..." Deresto kong sabi sa kanya. Nakita ko namang napaisip siya sa sinabi ko
"Oh, Serenity. I remember her. Kaano-ano ka niya?" Tanong niya sa akin.
"Kaibigan niya ako."
"Matagal nang hindi pumupunta dito si Serenity, mula nang mamatay ang mga magulang niya." Saad niya habang nakatingin ako sa kanya. Napalunok ako at seryoso siyang tiningnan.
"Doc..." Natigilan ang doctor sa pagtawag ko sa kanya at nagtataka akong tiningan. "Gusto kong malaman ang tungkol sa sakit niya."
Nakita kong naging seryoso ang mukha ng doctor sa sinabi ko. "To my office." Aniya sabay pumasok sa office niya.
Pagpasok ng office niya ay agad na may hinanap si Dr. Mendez sa shelf ng mga record ng pasyente niya. Naupo naman ako sa upuan sa harap ng mesa niya. Nang matapos niyang kunin ang isang puting folder ay naupo siya sa upuan niya at humarap sa akin. Nilapag niya ang puting folder sa harap ko. Tiningnan ko siya na may pagtatanong sa aking mukha.
"This is the record of Serenity. Noong nabubuhay pa ang magulang niya palagi siyang narito para sa check up niya para sa mata niya. But after her father's death pumunta pa rin naman siya dito together with her step mother, at noong huling punta niya rito may nadiskubre kaming sakit niya." Nakatingin lang siya sa akin habang nakatingin lang din ako sa kanya ng seryoso habang nakikinig sa sinasabi niya. "Pwede mong tignan para malaman mo kung ano." Napangiti ang doctor ng bahagya at tiningnan ang folder na nasa harap ko.
Kinuha ko ang folder at binuksan ito. Maigi kong tiningnan ang medical record ni Serenity at nanglaki ang mga mata ko sa nakita ko. Napatingin ako sa kanya na puno ng kaba at takot ang nakabakas sa aking mukha. Nakaramdam ako nang panghihina sa nabasa ko. Iniwas niya ang tingin sa akin at ibinalik din agad.
"Sarenity has a brain tumor, and I'm sorry, pero wala na tayong magagawa pa sa kanya. Kumalat na ang tumor sa utak niya..." Mariin kong kinuyom ang kamao ko habang tulala sa kanya habang nagsasalita siya. "...at bilang na ang buwan na ilalagi niya sa—"
Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko at hinatak ang kwelyo niya. "Ano? Hindi. Hindi. May magagawa ka pa!" Sigaw ko sa harap niya. Natahimik naman siya at umiling iling sa akin. Nang mga oras na 'yon pakiramdam ko bumagsak ang buong mundo habang umiiling siya sa akin. "Bakit?! Di ba doctor ka? Bakit hindi mo kaya? Sakit lang 'yon at kaya mo siyang pagalingin hindi ba!" Hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal sa kwelyo niya.
BINABASA MO ANG
Her Last Smile
EspiritualHindi lingid sa isip ni Sean na hindi lamang siya ang may dinadalang problema sa mundo. Akala niya ay siya na ang pinaka-problemadong tao sa buong mundo. Nasasaksihan niya ang unti-unting pagkasira ng kanyang pamilya at hindi na niya maramdamang may...