Chapter 6. "Loving you is all I can do"

5.1K 228 10
                                    

Chapter 6. "Loving you is all I can do"

Sean's POV

"Serenity!" Nagulat ako sa nakita ko. Natulala ako at nanlalaki ang mga mata sa nakita ko. "Hayop ka." Mariin kong sabi at agad na nagdilim ang paningin ko. Mariin kong kinuyom ang dalawang kamao ko at naglakad papunta sa kanya.

"Hayop ka!" Hinawakan ko at iniharap ang isang lalaking pilit na pinapahiga si Serenity sa kama at pinagtatangkahang halayin ito. Sinundan ko pa ito at binigyan ulit ng isang malakas na suntok sa mukha. "Gago ka!" Muli ko itong sinuntok sa sikmura. Suntok ng ilang ulit sa mukha at tumitilapon ang kumag sa kwarto ni Serenity.

"Walang kalaban-laban yung tao! Gago ka!" Bugbog na bugbog ko na ang lalaking ito na halos hindi nakaganti sa mga suntok at sipa ko. "Ano? Mahina ka pala eh! Lumaban kang ungas ka!" Sigaw ko sa kanya habang patuloy siyang pinapaulanan ng suntok sa mukha.

"Tama na pre...tama na..." Gumagapang na ito palabas ng kwarto pero hindi ko magawang maawa sa tarantadong ito.

"Maawa?!" Sinipa ko pa ulit ito ng malakas sa sikmura. Nagdidilim ang paningin ko at galit na galit ako. Naririnig ko pa ang pag-iyak ni Serenity sa kama. "Hindi ka sa dapat kaawaan!" Akmang sisipain ko pa ulit ang ungas na 'to nang marinig ko ang

"Sean..." Tawag niya sa akin habang humihikbi sa pagiyak.

Napalingon ako sa kanya. Binuksan ko ang ilaw at sumambulat sa akin ang kawawang Serenity. Halos mawasak na ang suot niyang damit at yakap-yakap ang sarili niya habang nanginginig at umiiyak. Napapikit ako dahil hindi ko kaya ang nakikita ko. Napapikit ako nang mariin ganun na rin ang pagsara ko sa aking kamao. Bumalik ang tingin ko sa lalaking nakalumpasay sa sahig at masama itong tiningnan. Nilapitan ko ito sinabunutan ang buhok nito at tinapat sa mukha ko.

"May nangyari ba?!" Mariin kong tanong dito. "Natuloy mo ba!" Sigaw ko.

"Hindi...hindi ko siya nagahasa..." Takot na sagot nito. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko ng malinaw ang mukha ng lalaki.

"Sandali...namumukhaan kita...ikaw yung lalaki sa fastfood." Sabi ko rito. Mas lalong kumulo ang dugo ko sa nalaman ko. "Tarantado ka!" Ibinagsak ko ang mukha nito sa sahig at pinuntahan si Serenity.

Naupo ako sa kama niya at hinawakan siya sa kanyang braso pero tinapik niya ang kamay ko. Nabigla ako sa ginawa niya at nalungkot lalo na nang makita ko ang takot sa kanyang mukha.

"Lumayo ka! Lumayo ka! Maawa ka...please...wag po..." Nilalayo niya ang sarili sa akin at patuloy na humihikbi at nanginginig sa takot.

"Serenity!" Tawag ko rito. Nakita kong nabigla siya sa sigaw ko. "Ako ito. Si Sean. Nandito na ako."

Natulala siya nang marinig ang boses ko. "Sean...ikaw ba 'yan? M-mabuti dumating ka..." Sabi niya. Nanginginig ang boses niya.

Natulala ako at hindi makagalaw nang marinig ko ang sinabi niya. She's been waiting for me. Hinihintay niya ang pagdating ko pero...nahuli na ako.

Lumapit ako sa kanya. Naramdaman ko rin ang pagbuhos ng luha ko.

"Sorry, sorry kung nahuli ako." Hinawakan ko ang kamay niya. Nanginginig ang mga ito at malamig. "Patawad, Serenity." Saad ko at tuluyang nang umiyak habang nakadampi ang mga kamay niya sa pisngi ko.

"Sean, nakakatakot. Nakakatakot..."

"Ssshhh, wag ka na matakot. Naturuan ko na ng leksyon ang demonyong iyon" Nilingon ko ang lalaking nakahandusay sa sahig. "Sandali ah, tatawag ako sa guard at sa police"

Her Last SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon