★♔Chapter 6♔★
Kimberly's POV
Buong gabi na naman akong umiyak. Ewan ko ba kung ba't ako umiyak . Ayoko na nga. Wala namang magagawa ang luha ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Namamaga yung mata ko. Ba't ba ako umiiyak?
Siguro dahil sa una pa lang hinayaan ko na ang sarili ko na maloko..
Hindi muna ako pumasok ngayon sa trabaho. Baka makita ko na naman yun lalaking yun. Bumaba ako para mag-breakfast. Napansin ko na nandito na pala si manang. Wala kasi siya kagabi.
"Manang saan ka pala kagabi?"
"Ay! sorry Kim hindi ako nakapagpaalam sa'yo kagabi. Nahospital kasi yung pamangkin ko tapos walang magbabantay." Sagot niya habang nakatalikod kasi nagluluto siya.
Humarap siya sa'kin "Ba't parang may sak--- anong nangyari sa'yo?!" tanong niya. Siguro dahil napansin niya ang mga mata ko.
"Wala po."
"Anong wala?! Eh ang baga ng mga mata mo! Umiyak ka ba? Anong nangyari?"
Ngumiti ako. At sinabi sa kanya ang lahat.
"Ah ganun ba?" Niyakap niya ako. "Sorry kung wala ako kahapon para i-comfort ka."
"Okay lang manang. Nandito ka naman ngayon."
Ilang araw na rin akong hindi pumasok. Minsa'y bumibisita ako kay mama at dun natutulog. Minsan nama'y nagpapalipas ako ng oras gumagawa ng sculptures.
Tumawag si dad.
"Hello dad?"
"Kimberly hindi ka na raw pumapasok sa restaurant. Anong bang nangyayari sa'yo? Alam mo namang kailangan ka doon."
"Dad sorry kasi nagkasakit po ako." Lie # 1
"Siguraduhin mo lang na ang sakit mong yan ay hindi makakaapekto sa business natin."
"Opo dad. Actually magaling galing na ho ako. Siguro bukas papasok na ako." Lie #2
"Ano bang ginagawa mo diyan sa bahay habang hindi ka pa pumapasok?"
"Uhh. Chini-check ko po yung progress sa restaurant." Lie #3 *TING TING TING* K.O.
"Okay. okay. I'm expecting from you. I need to go. "
"Okay dad . Bye."
"Bye."
Ayoko pang pumasok bukas. Kaya naman pumunta ako sa room ng mga sculptures ko. Bubuksan ko na sana ito nang may nagdoorbell. *DING DONG* *DING DONG* Akmang pupuntahan na sana ni manang.
"Ako na lang manang." Tapos bumalik siya sa ginagawa niya. Pumunta ako sa gate. Laking tuwa ko kasi nakita ko si Mama. Ngumiti ako ng malaki. Tumakbo ako papunta sa kanya. Muntik na nga akong madapa. Binuksan ko yung gate. Pumasok siya kasama yung driver niya. Niyakap ko si mama.
'Ma anong ginagawa mo dito?' sign language ko. Ngumiti lang siya.
'Tara pasok tayo' senyas niya. Naguguluhan ako. Mali ba ang pag s-sign language ko? Tinitigan ko lang siya habang papsok kami. o.O
"Oh! Nandito na pala si Ma'am Fe." what? inexpect niya si mama? Niyakap ni mama si manang.
Humarap si mama sa akin. 'Close your eyes.' senyas niya
BINABASA MO ANG
Say YES (On Going)
Lãng mạnA humble rich girl others thought already have a wonderful life, got her heart broken by a man who was obsessed of money. The girl's dad wanted her daughter to focus on what he wants her to be which isn’t what she desires for. But unfortunately ,f...