VOTE, COMMENT, SHARE after reading this chapter... thank you. :)
Chapter 10
...
Sunday na ngayon, andito kami ngayon sa mall ni Rica. Nagshopping? Yes, pero ang balak lang talaga namin is magbonding. Nanuod kami ng movie, kumain at naglaro sa timezone na matagal na naman hindi nagagawa simula nung umalis siya papuntang States. Bukas na rin ang first day of school namin. College na po kami. Umalis si Ericka nung 1st year HS na kami, di nya nga natapos yun dito eh. 3rd grading na nun nung pinadala sya sa ibang bansa. Nung mga panahong yun, sobrang awang-awa ako sa kanya, di na man sya nagbubulakbol sa school eh. Pero simula nung niloko sya ng boyfriend, dun na gumuho ang mundo nya. Di ba nga kinuwento ko sa inyo na laging absent at nagccutting si Rica? Natuto na rin yun sya uminom ng alak. 1st year HS? Like ilang taon pa lang kami nun, 12? 13? Ng dahil lang sa isang LALAKI? Sinira nya ang buhay nya. Naninigarilyo na rin sya minsan, ewan ko kung saan nya natutunan ang mga ganon. Sumasama sya sa mga tambay sa labas ng school namin. Di ko alam kung anong ginagawa nila. Then one time nakita sya ng classmate namin na nagbar! Sinabi lang sa akin nun eh. Pero nung kinompronta ko na siya, di naman nagsalita.
Ibang-iba talaga sa Rica na kilala ko na laging masayahin, matapang, madaldal. Yung Rica na matapos ang break up ng boyfriend nya (1st boyfriend nya yun kung di nyo naitatanong.) di na gaanong nagsasalita, laging tulala at umiiyak. Pagnakikita ko na lang sya ganun, naiiyak di nako eh. Kasi nawala yung best friend ko.
~~~Flashback~~~
“P-please Tricia, please. (sob) S-sabihin mo kina mama at papa na wag na akong paalisin. Ayokong umalis. Magbabago na ako. (sob) P-please trish, di ko kakayanin ang mag-isa. P-please” humahagulgol sya at nagmamakaawa sa akin.
“s-sinabihan ko na sila, Rica. (sob) Pero ayaw nila. Para sa kabutihan mo din yun.” Niyakap ko sya at naiiyak na rin ako. Ayaw ko rin naman siya umalis eh, kaso sinabihan di nako nina Tita Iza at Tito Matt na, maiintindihan ko rin ang pag-alis ni Rica baling araw. Masyado pa raw akong bata. Yun ang sabi nila. “a-ayaw rin kitang umalis Rica, pero kailangan mo. (sob) Kailangan mo Rica, para maayos mo ang buhay mo.”
“h-hindi. Maaayos din naman ang buhay ko pag dito ako eh. (sob) Aayusin ko na, promise! Susubukan ko talaga!”patuloy pa rin sya sa pag-iyak.
“a-alam ko, pero mas madali kang makakamove-on don.”
“a-ano ba ang pinagkaiba ng dito at doon sa pagmove on ha?” tumaas na ang boses nya. Natigilan naman ako bigla sa sinabi nya.
“d-di ko rin alam” seryosong sabi ko. di ko rin kasi alam kung bakit kailangan pa syang ipadala doon para magtino kesa dito. Kung gayong pareho lang din.
“di mo rin pala alam! Please Trish, mababaliw akong mag-isa doon. Wala akong kasama, wala ka! Di ko kakayanin yun.” Naluluha nyang sabi.
“k-kahit ako. Pero kakayanin natin. Babalik ka man din pag-okay kana. Magkakasama din tayo ulit. Mag-uusap naman tayo kahit malayo ka db? Pwede tayong mag-skype, magtawagan kahit mahal pa ang bayad. Gagawin natin yun para di natin maramdaman na magkahiwalay tayo. Please, para sa ikabubuti mo to, para sayo to. Gawin mo to, di lang para sa magulang mo, kay Troy, sa akin, pero para sa sarili mo.” Sabi ko at niyakap ko lang sya. Di naman siya nagsalita bagkus umiiyak at humahagulgol lang sya sa mga balikat ko.
Matapos ang ilang sandali, lumapit na si Troy sa amin. “Let’s go Ericka, malalate tayo sa airport nyan.” Seryosong sabi nya. Humiwalay naman kami sa yakapan namin at tinignan si Troy na dala-dala na ang mga maleta nya. Lumabas na ng gate at pumunta sa kotse nila.