Chapter 11
....
O_O
OHMY!!!
s-si k-kuya?? Anong ginagawa nila? O_O di ko magalaw ang katawan ko. Nabato na lang ako sa kinatatayuan ko. di ko alam ang gagawin.
“uhmmm..aaah..uhmmm.” naririnig ko ang mga ungol nilang dalawa.
Watdah!!! Ano yun!!! Bakit dito pa sila sa sala?? Bakit di na lang sila pumunta ng kwarto!!! >.< syet! Gusto kong takpan ang tenga at mata ko, kaso di ko talaga magawa!
Nakikita ko lang naman si Kuya DJ at Ate Nicole na naghahalikan. Wag kayo ano jan. Perstym ko makakita ng LIVE! As in harap-harapan na naghahalikan. Para silang sabik na sabik dalawa. Syet! Masama to, di ko dapat sila pinapanuod ng ganito. Pero anong gagawin ko? di ko magalaw ang mga paa ko. syet!
Mommy? Daddy? Saan kayo?? Yung panganay nyo po, may balak ng gumawa ng baby!! Magkakaapo na kayo!!! Saan na kayo?? Magiging lolo’t lola na kayo, at magiging tita na ako. May pamangkin na ako. Waaaaaah!! Ano ba tong sinasabi ng isip ko? ang OA na man. Err!
“D-DJ..”nauutal na sabi ni ate ng humiwalay sya sa paghalik at napatingin sa kinatatayuan ko. Si kuya naman, parang walang narinig at hinahabol ang mga labi ni ate. Like eww kuya?
“D-DJ a-ano ba” tinulak na sya ni ate, tumitingin pa rin si ate sa akin at napansin naman ni kuya yun kaya napatingin din sya sa akin. Nabigla sya nung makita ko. hmp! Sumbong kita kina mom at dad! Lagot ka ngayon.
“T-Tricia, ka-kanina k-ka p-pa b-ba j-jan??” nauutal na sabi nya, si ate nik naman napaiwas ng tingin, parang napahiya naman sya.
“a-ahm. K-kani--- a-ano, b-bago lang po ako” pagsisinungaling ko. kanina pa talaga ako dito. Masyado kayong nadala sa bugso ng inyong damdamin kaya di nyo napansin na dumating na ako. Gusto ko sanang sabihin yun kaso wag na lang. Hahaha
Umayos ng upo si kuya at soi ate nik din. “a-ano, wa-wala sina mom at dad may biglang meeting sila baka bukas pa ang uwi nila” kaya naman pala dinala nya. Tumango-tango na lang ako at pumasok na ng tuluyan sa loob.
“k-kumain kana ba? Sabihan mo na lang si manang na ipagha---” di ko na sya pinatapos magsalita, sumagot na ako.
“hindi na, tapos na po ako kumain sa labas bago kami umuwi ni Rica.” Nakalapit na ako ng tuluyan sa kanila. Tumango lang sya. Tinignan ko si ate Nicole na nakatingin din sa akin at pilit na ngumiti. “sige, akyat na po ako kuya, ate nicole”
Tumango lang sila. At habang umaakyat ako ng hagdan, huminto muna ako at lumingon sa kanila.
“a-ano, a-ano po. Uhm.” Napatingin silang dalawa sa akin “k-kung gusto nyo po gumawa ng kababalaghan, wag naman po dito sa sala, get a room, anjan ang kwarto ni kuya or kung gusto nyo naman anjan ang guest ro---” nanlaki ang mata nilang dalawa at ako nagpipigil ng tawa. Hahahahaha! Nagpanic agad si kuya. At ako naman tumakbo na papunta kwarto ko.
“TRICIAAAAAAAAAAAA!!!” narinig ko naman sumigaw si kuya bago ko pa isara ang pinto ko. di ko mapigilan ang tumawa kasi ANG EPIC NG REACTION NI KUYA! PRICELESS! Naaasar sya na ewan. Hahahahahahahaha!!!
May ipangbblackmail na rin ako sa kanya kina mom at dad! Yeeeeeessss!!! Yan kasi, bakit dun pa sila sa sala naghahalikan, di pa sila nahihiya? Kung makita sila ng mga maids? Kahit naman nasa quarters ang mga yun pagwalang ginagawa, eh baka maisip nilang pumunta ng sala db? Err!! Di ko aakalaing may mga ganon na silang ginagawa. Normal ba yun? Err!! Ayoko na isipin. Ayoko dumihan ang inosente at malinis kong isip.
Napahiga muna ako ng kama, mamaya na ako magbihis at pilit na kinakalimutan ang mga nakita ko kanina at nagtagumpay naman ako. Ngunit bigla ko naman naalala ang sinabi ni Ericka kanina na may girlfriend na ang kuya nya. Di ba di naman ako dapat maapektuhan dun pero bakit feeling ko affected ako. At nasaktan ako nung di nila pinaalam sa akin ang tungkol dun. Bakit? Hmmp! Tatanungin ko kaya si Kuya tungkol dun? Baka kung ano pa isipin nya. Pero di naman masamang magtanong diba? Yun lang, tatanungin ko lang sya. Bakit kasi di na lang nila sinabi eh.