CHAPTER 12

29 2 0
                                    

VOTE, COMMENT, SHARE! after reading this chapter... THANK YOU!

Chapter 12

...

Ohnoooo! Di naman sa ayaw ko syang maging classmate, ang OA lang talaga ng reaction ko. kasi ano, paano ko ba ipapaliwanag? Kasi diba katext at kacall ko lang sya. Ngayon nasa iisang school lang at kaklase ko pa sya. Lagi na kaming magkakasama, lagi nga ba? Naaah diba classmates kami. Pero okay lang kung lalayuan ko na lang sya. Remember? Sabi ni kuya, wag daw ako lalapit sa mga lalaki. Tumutupad na man ako sa usapan eh, kasi seryoso si kuya nung sinabi nya yun sa akin. Pagganon na seryoso sya, dapat sinusundan mo sya. Oh? Parang daddy ko lang ang peg?

“wui tricia, are you oka---” sabay kaway ng kamay nya sa harap ng mukha ko. nakita nya sigurong nakatulala lang ako sa kanya. Pero di na pa natatapos ang sasabhin nya ng may sumigaw sa likod nya.

“TRICIA!!! Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinhintay dito eh, nagpunta lang ako ng CR.” Nabaling ang tingin ko sa sumisigaw na si Rica. Ang babaeng to. Ang ganda-ganda pero kung makasigaw daing pa ang lalaki sa lakas ng boses. Nilapitan nya kami ni Tristan.

“oh, sino to? Bakit ka nya kinakausap?” sabay tingin sa lalaking nasa harap ko.  pagtingin nya nanlaki agad ang mata nya. Siguro namangha sa kagwapuhan nya. Err!

“h-hello. Whats your name?”

“im Tristan.” At nginitian naman sya. Mas lalong nanlaki ang mata ni Rica at parang nagtaka ang itsura na parang di makapaniwala? I don’t know, parang may inaalala sya sa isip nya.

“You seem so familiar to me, have we met before?”

Pero di sumagot si Tristan, nginitian lang sya. May sasabihin pa sana si Rica pero dumating na ang prof namin.

Pumunta naman kami ni Rica sa seats namin, buti pala nauna si Rica sa amin kasi nakapagreserve sya ng upuan. Paunahan pala ng seats eh. nasa may 2nd row kami, nakita ko naman puwesto rin si Tristan sa 2nd row pero sa kabila sya. Ganito ang seating arrangement namin oh: (sa 2nd row lang yan ah.)

l x l  l tristan l  l x l  l x l                      l x l  l Ericka l  l me l  l x l

Ayun, nagsimula na ng introduction, sinabi rin ang mga rules and regulations sa school at pati na rin dito sa classroom, then may binigay ang prof namin na isang handout, mag advance reading daw kami at may pinaparesearch, then dismiss na agad. OH DIBA? Ganito pala pagcollege eh. ayos! Ilang minutes lang ang tinagal namin.

“kilala mo ba yung Tristan na yun ha?” biglang sabi ni Rica habang nag-aayos ng gamit nya at ganon rin ako.

“ha? Bakit?”

“alam mo parang familiar talaga sya sa akin.” Parang nag-iisip naman sya dun.

“familiar? Bakit mo naman nasabi yan?”

“ewan, basta parang nakita ko na sya eh. di ko lang maalala kung saan at kailan.”

“hmm. Baka nagugwapuhan lang sa kanya eh.”

“uhm. Oo, siguro nga. Ang gwapo nya nga talaga! Parang nalove at first sight ata ako eh.” nabigla naman ako dun at napalingon agad sa kanya.

“agad-agad?” sabi ko. parang kumikislap pa ang tingin nya na parang nag-iimagine ng kung ano.

“siguro. Parang sexy at hot nya”sabay tingin sa side namin. Tinignan nya si Tristan na pinapalibutan ng mga kababaihan. Ang itsura naman ni Tristan parang naiilang at nahihiya. Watdah! Bakit ang mga babae pa ang lumalapit sa lalaki? Tsk.tsk.tsk. “tignan mo oh, halos lahat ng babae nabibighani sa ganda ng mukha nya.” Tumingin na man ako kay Rica na ngumingiti-ngiti pa habang pinagmamasdan si Tristan. “ang ganda ng lips nya oh, sarap halikan, yung ilong nya ang tangos, ang cute pa ng mata nya oh may pagkasingkit” napalingon ako kay Tristan at pinagmasdan ang mukha nya. Oo nga, tama nga si Rica. Bakit di ko napansin yun? Nakatitig lang ako sa kanya ng bigla syang lumingon sa may side namin at nakita ko syang ngumisi.

Sige na nga, TAYO NA! [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon