Chapter 15
....
“Who’s Erwayneder?”
Umurong ang dila ko at di makapagsalita. Syet!! Bakit ba kasi nya tinignan ang phone ko?? O_O nanlalaki pa rin ang mata ko. syet!! Gusto ko na lang tumakbo ngayon pabalik ng kwarto ko eh! kainis talaga!!! Nangingialam sa phone ko, ano naman siguro ang tinignan nya. OHMY! Di pa naman ako nagddelete ng messages eh, baka binasa nya lahat ng yun. Syet! O_O
“Faye, who the hell is Erwayneder???” seryosong ulit nya sa tanong na di ko sinagutan kasi di alam ang sasabihin eh. ano nga ba ang sasabihin ko??syet! nakabuka pa rin ang bibig ko, promise! Nanginginig na rin ako dito at sobrang kabog ng dibdib ko. di ako makapag-isip mabuti eh, paano kasi iniisip ko nab aka makakarating din ito sa kuya ko eh. tapos syet! Baka sasabihan nya sina mom at dad na ipaconfiscate ang phone ko, tapos kukunin din lahat ng gadgets ko, then baka wala ng facebook, twitter, instagram, tumblr, youtube, wala ng internet! OHMY! Paano ako mabubuhay nito. OKAY! Alam kong OA na at advance akong mag-isip kasi naman!! Err!!! Si Troy kasi eh!!!!! >.<
“again, who’s erwayneder??” inulit nya naman at masama na ang tingin nya sa akin. Syet ka Troy!!!!
Sinara ang bibig na kanina pa nakabukas at napalunok ng ilang beses. Natutuyuan na ako eh. “a-ano.. si..si.. t-teka nga, anong pakialam mo ba ha?? Bakit mo tinignan ang laman nito ha??”
“tinatanong kita, wag mo akong sagutin na tanong din.” >.<
“e-eh, a-ano bang pakialam mo!” sabay iwas ng tingin sa kanya. “di mo naman to cellphone eh, nangingialam ka!”
“psh! Kanina pa kasi beep ng beep ang phone mo at nagvvibrate pa. Naririndi ako, istorbo sa pagtulog ko. kaya kinuha ko at tinignan kung sino ang kanina pa text ng text sayo.” Napalingon ako sa kanya O_O watdaaah! Di ko na man alam. “at puro Erwayneder ang anjan. 34missed calls, 45messages.” O_O ohmy!! Bakit naman sya nagtext at nagcall?? Err! Mamaya ko na titignan. “sino ba yan ha!”sigaw nya at nagitla ako sa gulat. Naman!naman! andun na naman ang tingin nyang nakakatakot! Kanina pa sya ha!
“t-tinignan mo?...l-lahat??” umiwas sya ng tingin.
“i-oopen ko pa lang pero bigla mo na mang hinablot”
Nakahinga ako ng maluwag! Weeee. Buti na lang. Napangiti pa ako. Hahaha! Kasi naman kung nabasa nya naman yun, di ko alam pano iexplain eh. nyahaha! Woooooh! “so, sino nga yang erwayneder yan?” syet! Wala pa rin pala ako takas eh. bakit ba curious isang to! >.<
“h-haa?”
“bakit naman sya tatawag ng 34times at magtetext ng ganon karami?” err!!
“a-aah a-ano.. s-si erwayne...der...s-si erwayneder ay..” syet! Tricia, isip dali! Mag-isip ka. Ano nga ba ang sasabihin ko??
Nakatingin pa rin sya sa akin habang hinhintay ang sagot ko. naman!naman!
“s-si erwayneder s-si.. a-ano c-classmate k-ko.” sumingkit ang mata nya, di ba kapani-paniwala? Err! “o-oo, c-classmate ko yan.”
“classmate?” di makapaniwalang tanong nya. >.<
“o-oo nga!”
“bakit erwayneder? Lalaki ba yan?” err!!! Ano ba naman! Magbestfriends nga sila ni kuya!! Lalaki agad pag erwayneder?? Pero oo nga nuh, may babae bang erwayneder tsaka lalaki naman talaga si Erwayne eh!
“h-haa? H-hindi ah. Hindi.” Pagtatanggi ko. “a-ano, hindi lalaki si erwayne...der... hindi lalaki si erwayneder, a-ano.. b-bakla.. o-oo, bakla sya. Bakla yun!” syet! Sinugaling ka Tricia!!!! Binakla ko si Erwayne. Ohmy! Eh lalaki yun eh, teka lalaki nga ba? Ewan ko. bahala na. Di nya man malalaman eh. wooooo. Sana naman maniwala na tong si Troy.