CHAPTER 18

30 2 0
                                    

Chapter 18

....

Erwayne Tristans POV

Nung nakita kong huminto ang isang familiar na kotse na unahan ng gate ng school namin, alam kong ito na ang sundo ni Tricia, ang Kuya nyang si Daniel Jasper o DJ.. Oo, kilala ko sila, matagal na! Simula ng umuwi ako dito sa Pilipinas, ang una kong hinanap si Tricia. Nagpatulong ako sa mga kakilala ni Daddy na hanapin sila. Di naman ako nabigo. Nung una wala pa akong balak magpakitang muli sa kanila, kaya hanggang text lang ako. kinuha ko ang number nya sa kaibigan nya na kaibigan ko rin. Pinasabi ko na wag nilang ipapaalam kay Tricia na kinuha ko yung number nya. Ang saya ko nung may number nya na ako, lagi ko syang tinetext at lagi nya akong sinusupladahan kahit sa text. Wala pa rin palang nagbabago sa kanya. Kahit ganon yun, sobrang tuwa ko kasi nirereplyan ako, parang nakakausap ko na muli sya. Ilang taon akong nagtiis, walang alam tungkol sa kanya, kung ano ang nangyayari sa kanya, kung anong ginagawa nya, kung may mga nanliligaw na ba, o kung may boyfriend na. Iisipin mo pa lang parang ang sakit na, pero wala rin akong magagawa, ang layo namin sa isat-isa.

Kaya laking tuwa ko nung nalaman kong babalik na kami sa Pilipinas. Di pa oras para malaman nya ang tungkol sa pagbabalik ko pero di ko inaasahan yung mga panahon na habang naglilibot ako sa Mall ay nahagilap ko ang matagal ko ng gustong makita, makausap, makasama. Dala-dala ko nun ang camera ko, mahilig din kasi akong kumuha ng mga litrato. Simula bata pa lang ako gusto ko na rin maging Photographer eh, pero ayaw naman ng mga magulang ko. Medyo weird! ang mga hilig kong picturan ay mga scenes, mga taong kung anu-ano ang mga ginagawa, mga kumakain, nangungulangot, naglalambingan, naghahalikan, nag-aaway at ibapa. Trip ko lang. Habang nagttake ako ng pictures sa mall, nahagip ng aking lens ang babaeng papalabas ng Salon, maikli ang buhok, brunette ang kulay,maputi, payat. Kinuhanan ko sya ng sunud-sunod nang izoom-in ko sa mukha nya at clinic ito. O_O Nagulat ako na yung babaeng yun, yung sabik na sabik na akong makita sya, yung matagal ko ng gusto...

s-sha-sha! nasambit ko habang sinusundan sya ng tingin. Bumilis ang puso ko, nanginginig ang mga kamay ko habang dahang-dahan kong binaba ang camera ko. Iba pala talaga ang mararamdaman mo pagyung taong matagal mo nang hinihiling na makita, heto nasa iisang mall lang kayo. Parang biglang nagslow motion ang paligid, sya lang ang nakikita ko, parang sya lang ang taong nandito sa mall, kaming dalawa lang. Wala akong ibang naririnig kundi ang footsteps nya at ang kabog ng dibdib ko. Sobrang namiss ko sya, ang ganda-ganda nya pa rin, MAS gumanda pa lalo. Gusto ko syang lapitan at yakapin agad, pero para akong naging statwa dito na nakatitig lang, di makahakbang, di makagalaw at pinagmamasdan ang paglalakad nya. Di pa rin nababago ang nararamdaman ko para sa kanya. SHA pa rin, SHA pa rin ang gusto ko, SHA lang ang gusto ko.

Nakita ko syang pumasok sa isang Boutique, dun na lang ako natauhan. Sinundan ko sya at palihim din akong kumukuha ng litrato nya. Pinagmamasdan ko sya sa mga ginagawa nya. Pumipili ng mga damit at tuwang-tuwa sya pagmay nakikitang magagandang suot. Natutuwa rin akong makita syang ganon. Napapangiti na lang ako kasi ang saya nya. kinakausap din ako ng mga saleslady dun kung may gusto akong bilhin, ngunit ni isa sa kanila di ko pinansin at kinausap. Nakatuon lang ang tingin ko kay Sha-sha. Sya lang kasi ang nakikita ko, wala ng iba.

AN: flashback po ito ah, yung time na nagkita sila sa mall. {Refer to Chapter 7}

Nakita ko syang huminto at tuwang-tuwa sya ng makita nya yun. Tinignan ko naman ang tinitignan nya. Isang shoes, siguro gusto nya. Tumakbo sya papunta dun.. nakakatuwa naman ang babaeng to sabi ko sa isip ko. napapangiti na lang ako sa inasta nya, para syang bata. Nakita ko na lang na hinawakan nya yung shoes na yun, pero may katabi rin sya at hawak din nya yun. Nagtataka akong tumingin sa tabi nya. Parang familiar eh, nang kilitasin ko na ito. TAMA! SI ERICKA ASPIRE NGA TO. Pero ang weird ng reaction ni Sha-sha ng makita nya si Ericka. Parang ngayon lang sila nagkita, eh nung mga magkakasama pa kami dati, halos di mahiwalay ang dalawang yan eh. Kaya nakakapagtaka lang, sabagay wala rin akong nabalitaan tungkol sa mga nangyayari sa kanila. Siguro may nangyari na hindi ko alam. Sumisigaw-sigaw sila dun, tama nga hinala ko. Ngayon na lang sila ulit nagkita. Ewan ko, bigla na lang ako lumapit sa kanila, ganon pa rin si Ericka, ang lakas pa rin ng boses at si Sha-sha, ganon pa rin emotional, naluluha-luha pa eh. Nang makalapit na ako, di nila ako pinansin kasi patuloy pa rin sila sa pagkkwentuhan dun. Kinuha ko na lang ang shoes na pinag-agawan nila at nagpaassist sa isa sa mga saleslady dun, tsaka binayaran to. Sinulyapan ko naman ang dalawa at siguro napansin na nilang wala na dun ang sapatos. Nakita ko kung paano sumimangot si Sha-sha at bigla kong kinuha ang camera ko at pinicturan sya. Haaaay! ang ganda nya talaga.

Sige na nga, TAYO NA! [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon