Chapter 8
...
Nakauwi na ako ng bahay. Mabilis akong umakyat ng kwarto ko. Naligo na rin ako at nagbihis. Nakakain na rin ako ng hapunan bago ako umuwi dito. Kaya humiga na ako sa kama ko at tumingin sa kisame. *sighs Pagod na pagod talaga ako. Unti-unti ng sasara ang mga mata ko ng biglang ...
*bzzzt bzzzt
May nagtext. Unregistered number, AGAIN? Inopen ko naman yun.
From: +639275678...
10:16pm
Thanks for the ride, Trish. Have a sweet night. :*
Napangiti naman ako. Sinave ko muna ang number nya. Then nagreply na ako.
To: Ericka Aspire
10:19pm
Your welcome, Rica! Next time ulit. Good night! :*
Ayan. Makakatulog na rin ako. Unti-unti na rin sasara ang mga mata ko. Ngunit kakasara ko pa lang ng mata ko ng ...
*bzzzt bzzzt
“watdah!” nabulas ko.
Inopen ko agad ang phone ko. napabalikwas ako sa kama ko ng Makita ko kung sino ang nagtext. O_O
“di ko pa pala to nasasave.” Sinave ko muna ang number nya. Pagkatapos ay binasa ko na ang laman nito.
From: ErwayneDER
10:23pm
Nice to see you again, Tricia. You’re still beautiful in my eyes. ;)
Errr! Ano bang pinagsasabi ng lalaking to! >.< nawala agad ang antok ko. naalala ko naman ang nangyari kanina sa mall. >.<
~~~Flashback~~~
“masama na ba ang kumuha ng picture ngayon ha, Tricia?” O_O T-Tricia? Kilala nya ako! “Of course I know you.” Nabasa nya ba ang isip ko? watdah! Who the hell are you!!!
“sino ka ba ha?? I don’t know you!” sabay talikod at kinuha na yung libro ko, pero bigla nyang hinablot agad sa akin yun. Err! “ano ba!! Akin na nga yan. Babayaran ko na! Bitawan mo nga. Ako ang unang nakahawak nito eh! Bitawan mo sabi eh!”
Nakikipag-agawan pa ako sa lalaking to!
“ako ang unang nakakita neto, kaya akin to!” sabay hila ng libro.
“akin pa rin to. Pwede ba, humanap ka ng ibang libro! Basta akin to. A-K-I-N!” sinamaan ko agad sya ng tingin. Nabigla naman sya. O_O pero nabawi nya rin yun at ngumisi sa akin.
“di ka pa rin talaga nagbabago Tricia, ikaw na ikaw pa rin yun.” Kumunot agad ang noo ko. ano bang pinagsasabi neto, eh di ko naman sya kilala. >.<
“sino ka ba ha? Anong pinagsasabi mo jan?” nabitawan ko na ang libro.
“di mo ba talaga ako kilala??” lumapit pa sya sa mukha ko. kumunot pa lalo ang nook o at lumayo sa pagmumukha nya na sobrang lapit na. >.< nailang ako bigla kasi ngumisi sya at ang gwapo nya! Nakakainis! Ang gwapo nya talaga. Pero di ko sya gusto!