Chapter 1

364 9 0
                                    

"Okay, one..two..three! Say cheese!"

"Urio! Ngiti ng malaki!" Sigaw ni Neko sa akin. Hindi ko na mapigilan ang ngumiti sa sobrang saya. Breathe taking talaga ang lugar na 'to. Sa lahat ng bundok na naakyat ko, baka ito na ang d'best among the rest!

"This is it!" Masayang sambit ko. Mission accomplished. Nasa tuktok na kami ng Hydeon mountain at limang araw lang naman ang lumipas bago kami makarating sa tuktok. Ito na yata ang pinakamataas na bundok na inakyat ko.

"Ito na ba talaga ang huli mong pagakyat sa bundok?" Tanong ng kaibigan ko na si Efron.

"Oo, eh. You know Lhiezyh, right? Alam mo naman ng fresh pa rin sa atin yung muntik na akong mamatay dahil sa pagkakahulog sa cliff."

"Swerte mo pa rin kase pinayagan ka niya."

"Kaya nga ayokong magalit sya sa akin at ayokong mawala sya kase mahal ko sya" sabi kong tumingin sa magandang tanawin. "Nakakalungkot man pero hindi ko na maaaring gawin 'to kase magaasawa na ako. Kailangan ako ng magiging pamilya ko" pagmamalaking sagot ko.

"Congratulations nga pala, pare. Magiging tatay ka na." Saad naman ni Neko

"Congrats"

"Oo. Salamat sa inyo. Eight months pa ang aantayin ko. Pero pakiramdam ko sapung taon pa ang bibilangin ko makalabas si baby. Excited na ako"

"Ako ang ninong ha?"

"Makakaasa ka, Neko"

"Si Neko lang?"

"Syempre pati ikaw, Efron. Kung pwede nga lang yung buong team natin"

"Bakit hindi?" Tumawang sabi nito at umakbay sa akin. "So kailan ang padespidida mo sa amin? Gusto ko maraming chicks ha"

Nabatukan ko sya. "Ikaw talaga!"

"Aray! Neko, sinasaktan nya ako o!" Sumbong nito

"Napaka mo kase"

"Napaka ano? Napakagwapo? Oo alam ko na yun!"

"Gago! Mas gwapo ako sayo!" Sabi ni Neko.

"Sa ating tatlo, ako ang pinakagwapo. At ang hot ko pa!" Sabi ko sa dalawa saka tumawa.

"Agree ako" ani ni Efron "kaya nga anak muna bago kasal."

"Bah! Loko ka ah!" Inakbayan ko sya saka sinakal. "Kesa naman sayo! Baog ka yata eh."

"I'm out of this topic" singit naman ni Neko na nagtaas pa ng kamay

"Sus! Pagoodboy ka pa!" Ani ko

"Oo nga pare! H'wag kang pagentleman masyado! Napagiiwanan ka na ng panahon!" Segunda naman ni Efron. Nagtawanan na lang kami sa aming pagtatalo.

Inilabas ko na ang video cam.

"Guys, video recording na!" Sabi ko sa kanila. Inayos na ng mga crew namin yung camera. Tumulong na rin ako sa kanila para madaling matapos.

Habang inaayos ko pagkakatayo ng camera, nakita ko sa screen ang isang babae na nagtatago sa puno.

Nang tumingin ako sa puno ay wala naman akong nakita. Tapos bumalik ang mata ko sa screen. Wala na ito.

Namamalikmata lang ba ako?

"Pare, ang tagal mo naman dyan!" Pukaw ni Efron.

"May nakita kase akong babae dun" nguso ko sa puno.

Lust of the mountain[R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon