Kinabukasan agad kong pinuntahan si Lust sa kwarto niya ngunit wala ito doon. Halos na halughog ko na ang buong condo pero hindi ko pa rin sya nakita.
Maaring lumabas sya ng condo ko. Pero saan naman pupunta iyon? Natitiyak kong walang kamag anak ito sa manila. Wala pa naman itong alam sa syudad. Baka kung napaano na 'to.
Muling bumalik ako sa kwarto nito. Nandodoon ang puting tshirt niya. Malamang suot na nito ang dress na binigay ko kagabi.
Pero saan na ba ito nagpunta? I have to find her.
Napabuntong hininga ako at lumapit kay Lhiezyh na nakadapa sa kama habang nagbabasa ng magazine.
"Hon, magogrocery na ako. Gusto mong sumama?" Yaya ko sa kanya. 'Hwag kang sumama, please'
"Sabi mo mamaya ka pa maggo-grocery"
"Ah..,ano kase..baka matraffic ako kapag mamaya pa ako pupunta sa mall"
"Ganun ba. Pwede bang dito na lang ako?" Napangiti ako sa sagot niya.
"Oo. Naman. May gusto ka bang pasalubong? Bibilhan na lamang kita"
"Gusto ko ng donut"
"Noted" sabi kong humalik sa noo niya.
"Nga pala, hon" tawag nito ng lalabas na ako. "Tumawag si mommy kanina. Nagpaset siya ng meeting tungkol sa fitting ng susuotin natin sa kasal. Six p.m. h'wag daw tayong malate."
"Okay" napahawak ako ng mahigpit sa sendura. "Of course we're not going late. See you later, hon"
"See you"
Napasandal ako pagkasarado ng pinto. Biglang nanakit ang ulo ko. Damn! Urio! Ikakasal ka na! Nakalimutan mo na ba?! Bakit kailangan mo pang hanapin ang babaeng yun?! Hindi ba tama lang na mawala sya sa buhay mo?!
Hindi napigilan ng isip niya ang adhikaing hanapin ang babae. He is the resposible for her safety. Dahil sa kanya pumunta ito ng syudad. Dahil sa kanya kaya ito nawawala ngayon. Dahil sa kanya mamapahamak ito. She's innocent!
Kinuha ko ang susi ng kotse ko saka lumabas ng condo. Pagkasakay ko ay kaagad kong pinasibad iyon. Lumingon-lingon sya sa paligid baka nasa tabi-tabi lang ito. Alam kong hindi pa ito nakakalayo maliban na lang kung may kukuha dito. Hindi malabong mangyari iyon dahil sa ganda nitong taglay. Tapos napaka-inosente pa nito. She can't even talk. Fuck! I am so worried!
Inihinto niya ang kotse sa may park malapit lang sa condo niya saka ginalugad ang buong lugar pero wala ito doon. Muli syang sumakay sa kotse at nagpunta naman sa may resto. Baka nagugutom na ito. Pero wala pa rin ito.
Damn! Kung nagugutom man ito, sya ang kakainin nito! Pero kumakain na ito ng egg sandwich! Maaring matakam ito sa ibang pagkain!
Paikot-ikot ang tingin niya sa itersection baka nandoon lang ito naglalakad lang sa gitna ng mga tao.
Nahihilo na siya sa kakahanap pero wala pa rin ito. Nagpasya na lamang syang magpunta mall. Baka naroon na ito.
Pasakay na sya ng kotse ng biglang mahagip ng mata niya ang isang babaeng naka-white dress na liliban sa daan. Nakago ang green light kaya naman hindi sya titigilan ng sasakyan.
Sandaling tumigil ang tibok ng puso niya ng habulin ito at hilahin pabalik. Napayakap siya ng mahigpit dito dahil muntik na itong mahagip ng truck.
Tumigil ang truck at sinigawan sya ng driver nito.
"Magpapakamatay ka ba, huh?!"
"Sorry po, sir" sagot niya. "Hindi nya po alam. Wala po syang muwang sa manila. Pasensya na po"
BINABASA MO ANG
Lust of the mountain[R-18]
General FictionI was a mountaineer. It was my hobby. Inaakyat ko ang lahat ng matataas na bundok sa buong mundo. Kapag nasa tuktok ako, pakiramdam ko abot ko na ang langit. Pakiramdam ko malapit ako sa kanya. Malapit ako sa taong mahal ko. But somethings change. S...