The Past

689 52 3
                                    


At tulad nga ng napagkasunduan ay nag "getting to know each other " pumunta kami sa isang coffee shop upang mapagusapan ang mga ito pero sa tingin ko ay hindi pa din siya kuntento sa mga nalaman nya eh halos knwento ko na simula nung fetus pa ako eh..haha.. Pero alam ko kung ano ang gusto malaman nito kaya kahit hindi pa man niya sinasabi ay sinimulan ko na..

"Si clark.." umpisa ko.

"nasaan?!!" sagot nya na may pag taas pa ng kilay HB naman agad eh. haha

"SI Clark ang first ko.. First love.. First brokenheart.." tila napatigil naman siya sa paghahanap kung asan si Clark at tumingin sa akin na nagiba na ang itsura , itsura na parang nag-aalala

"Nakilala ko siya sa Nightingales club, opisyal na sya sa club na yun nuon bilang yung pinsan niya ang namumuno sa amin.. Crush ko siya, kaya naging tapunan kami lagi ng tukso paano niya nalaman na crush ko siya??Credits to Nikka.." patawa kong pagkwento at buti na lang ay tumawa din siya ng bahagya..

"Eh naging opisyal na pala siya dun nuon bakit nag audition pa siya? KSP talaga.." reaction niya ngumiti lang naman ako at pinagpatuloy ang kwento.

"AT dahil sa mga tuksuhan na yon mas lumalim yung pagkagusto ko sa kanya..hanggan sa isang araw na lang na lagi siyang dumadaan sa room namin para kumustahin ako at minsan sabay kami mag lunch..habang tumatagal ay mas lalo namin nakilala ang isat-isa Clark is a good guy , gentleman, pag kasama ko siya feeling ko prinsesa ako.. Umamin siya sa akin na gusto niya ako at nagsimulang nanligaw, tumagal yun ng halos 3 months din.. ang tagal diba? haha" tumigil muna ako upang tingnan ang reaction ang mukha niya naka kunot ang noo nitong nakikinig at naghihintay ng susunod na sasabihin ko..

"Ang ganda na sana ng relation namin nuon eh.. yung tipong parang mag barkada lang  pero sweet.. Nag-aaway kami minsan pero dahil makulit siya at ma tiyaga naayos namin agad yun bago pa man matapos ang araw... isang taon nagtagal ang relasyon namin.. and guess what? after ng anniversary namin ..nalaman ko na may iba pa pala siya.." sa pagkkwento ko ay hindi ko napansin na nagsisimula na pala mamumuo ang luha sa mga mata ko na ikanbahala naman ni Ed.

"Kung hindi mo pa kaya ikwento okay lang babe.." wika niya.. umiling ako at tumawa ng bahagya.

"balak ko pa sana sya isurprise non sa apartment niya pero di ko alam ako pala masusurprise...hahaha, I saw him kissing Nicole passionately..at sa punto na yun gumuho ako , I don't know where to go..what to do...sobrang mahal ko siya ng mga panahon na yun na halos handa ulit ako tangapin siya kung sakali man na habulin niya ako..pero hindi wala siyang ginawa..." tumigil ako para tuyuin ang mga luha ko.. naka alalay naman si Ed sa akin. matapos ko tuyuin ang luha ko tiningnan ko siya ng mata sa mata..

"simula ng araw na yun nangako ako na hindi na ako magmamahal pa...pinangako ko na pagkatapos ng college saka ko ulit pagbibigyan ang sarili ko magmahal. " nakita ko sa mga mata ni Ed ang pagkabigla at pag aalala..

"Pero nung nakilala kita...naglaho lahat ng mga pangako na yun sa sarili ko...hindi ko alam pero bigla-bigla na lang gusto ko ng magmahal ..You make me realize na I still deserve to be Happy and to be loved..Thank you my love." pagtatapos ko kasabay ng matamis na ngiti..Ngumiti din naman siya ng bahagya..

"I love you babe..and I assure you, hindi mangyayari sa relasyon natin ang nangyari sa inyo ni Voldemort.. dahil kahit ibandera pa sa akin lahat ng pinaka magagandang babae.. I will always choose You.." wika niya na may sigla na..

"bolero." pangaasar ko at tumawa naman kaming dalawa kasabay ng paghalik nya sa noo ko.. 

THE NEXT DAY

"BES!!!" sigaw ni Nikka na nasa likudan ko , kadadating ko lang sa school..Hingal na hingal naman itong tumigil sa harap ko..tumakbo ba naman naka heels pa ang gaga!

"Ano ba? ang haggard mo na bakla! hahaha" pang-aasar ko.

"TSE! ikaw ang mahahaggard kala mo?! bwahahaha" 

"Ano na naman yan NIkka?nako wag ko malaman laman na inilista mo na naman ako sa mga ka echosan dito sa school ha!" pagbabanta ko..

"shhhh!!!! ako muna okay?? " pagkalma sa akin ni Nikka

"2 bagay na kailangan mong paghandaan bes.." marinig ko pa lang ito ay napairap na ako...

"sabi ko na eh.. ano? sabihin mo na bilis' nakita ko naman na papunta sa destinasyon ko si Edward., ang gwapo talaga haha

"Okay.. first.. Music Festival..bes! eto na ang pinaka malaking music festival sa school na to star studded bes!! maraming pupunta na sikat na producers, composers, singers..etc..  Bes!! diba pangarap mo maging sikat na singer!! It's your time to shiiiine!!!" excited na pagbabalita ni Nikka.. natulala naman ako.. bushaaak!! pangarap ko kasi talaga maging sikat na singer at composer eh! sa pagkatulala ko hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Edward, hinalikan ako nito sa noo bilang pagbati..

"Wow! magiging sikat na ang girlfriend ko.." wika nito.. tiningnan ko lang naman siya.. bakit ba kinakabahan na ako sa music festival na yan eh ..huhu

"Ano yung pangalawa bes?!!" tanong ko..

"ahh oo nga pala.. kapit ka bes baka maloka ka eh.. okay??Ready?" tanong ni nikka at tumango naman ako..

"isa ka sa napili ng Bella Spiel (Modelling club nila) na maging representative sa fashion show next month !! and guess what?? kasama mo ako.. PLUS!!!!" namimilog na ang mata ko sa mga naririnig ko.. gusto ko ng mahimatay pero binibitin pa ako nitong baklang to..

"si Edward!!"  OMG!!!! kasama ang my love ko sa fashion show!! nakita ko sa mga mukha ni Ed ang halong gulat at saya..

"ME???H--How -" gulong gulo ang my love ko .. cute..

"oh alam ko na yan.. si dean ang nagpush sayo na isali ka don, you got the "charm" daw kasi " simpleng sagot ni Nikka..

at dahil don para na lang kami sira ulong nagtatalon sa tuwa ..pinagtitinginan na kami ng ibang student pero keber na bakit ba! masaya kami eh. Naeexcite ako sa parehas na program, sa fashion show first ko makakasama ang my love ko.. at ang music festival. may chance na ako makamit ang pangarap ko syempre isasama ko na din si my love don member din naman siya ng nightingale eh.. Gusto ko kasi sa pagbuo ng pangarap ko andun din siya... 

Tumingin naman ako kay Edward nakikita kong masaya ito sa mga mangyayari..

"Why?" tanong nito..nahuli kasi nitong nakatingin ako sa kanya.

"Wala..gwapo mo eh" pagbibiro ko hahaha

"I know right.." pabirong sagot nito

"asus yabang.." pang aasar ko naman.. tumawa naman ito at bigla na lang ako hinalikan sa noo at niyakap..

jusko kung ganito ba naman araw-araw maloloka ako!! hahahah


-----

*UNEDITED*

Thank you sa mga patuloy na nagbabasa.. :) eto muna for now.. try ko ulit mamaya mag update :)

_missyJ_

You are the Music In Me (MayWard❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon