Pagsuyo Begins

671 36 6
                                    


Masyadong maraming nangyari sa araw na ito.. ang bigat bigat ng damdamin ko..pero masaya ako dahil nailabas ko ang totoong nararamdaman ko kay Edward, haaay sana naman tumatak na sa utak niya ang mga sinabi ko.. 

Hindi ako makatulog, gusto ko siya itext para kumustahin.. pero hindi .. ayoko din, nagtatampo pa rin ako sa kanya.. inaasahan kong hahabulin nya ako sa pagtakbo pero umasa lang ako si Clark ang lumapit sa akin.. tsss. mahal ba talaga ako ng boyfriend ko??? Hindi ako ang unang lalapit sa kanya noh! kala niya matapos niya ako iwas iwasan at ipagtulakan.. nako! nanggigil din talaga ako sa lalaking yun eh..

Sa asar ko ay nagtalakbong na lang ako ng kumot at awa ng Diyos ay nakatulog naman ako.


Lumipas ang oras at dumating araw.. Isang bagong umagang haharapin. Iccheck ko sana ang phone ko na magdamag na naka off pero nagbago ang isip ko..ayoko muna mabasa mga text niya kung sakaling meron man.. di ko muna siya papansinin para naman matuto siya.. besides sinabi naman niyang break kami diba?? edi okay . 

Dali-dali naman na ako nag ayos ng gamit at ng sarili upang makaalis na ako papuntang school.. naka jeans at plain na white shirt lang ako tapos sinuot ko ng patalikod yung cap ko.. hindi din naman kasi ako aattend ng klase, tulad ng sinabi ko noon excuse kami dahil busy na sa pagpprepare para sa mga dadating na events.. ngayong araw na to may rehearsal kami sa pagrarampa hanggang 11:30 lang naman yun after non babalik na ulit kami sa school tapos rehearsal naman para sa music fest.. 

natutuwa ako sa mga nasisimulan na namin na irehearse, at tulad ng suggestion ng iba pinagbigyan ko na yung part 2 ng nasimulan namin ni Clark.. yung performance ha hindi yung relationship.. friends na kami ni Clark ngayon eh :) sa Prod namin ni Clark ay parehas kaming kakanta at sasayaw, mismong si NIkka ang nagturo ng mga steps kaya Bongga talaga..

Matapos ang ilang oras ay nakarating din ako sa pag gaganapan ng rehearsal at katulad ng inaasahan ko wala si Edward, tanging si Nikka lang ang kakilala ko dun.. don't tell me pati dito di siya pupunta.. nag quit na nga siya sa fest pati ba naman dito?? Buang talaga. tsk.

"HOy! babaita! bat di ka matawagan? kanina pa ako sumusubok tumawag sayo "  wika ni nikka sabay beso sa akin

"Ay sorry.. kahapon pa naka off ang cellphone ko. start na ba?" sagot ko

"Arte may pa off off pa ng cellphone di naman maganda.. sabunutan kita eh.. iniiwasan mo si fafa edward noh?" eto na naman siya the usual Nikka  pang asar. 

"aay nako don't mention his name nga.. ang aga-aga eh.. ano start na ba?"

napaismid naman si nikka bago sumagot.

"magiistart na may kinuha lang sa baba yung magguide sa atin.. si Edward wala pa. baka gusto mong tawagan." 

"Ikaw na..wala akong load." simpleng sagot ko.

"chusera ka!.. regular 300 ang niload mo nung isang araw .. nakapag pasa load pa nga ako ng 30 eh.. imbyerna to.. sige na ako na tatawag." pagtataray ni nikka..

at ayun nga ay tinawagan na niya si Edward na agad naman atang sumagot.

"Helo" baklang bakla talaga tong nikka na to haha

"sang lupalop ka na?magsisimula na tayo dito.."

"ahh.. ok sige.. oo.  oo nga! sige na.. oke oke.. baboosh. " wala akong naintindihan, wala man lang ako nasagap na chismis puros oo ok sige lang sagot ng baklang to.

"oh.. alam kong gusto mong makichismis.. hindi dadating ang edward mo.. masama ang pakiramdam . machuchugi na ata." 

"Hoy!" sita ko kay Nikka. 

You are the Music In Me (MayWard❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon