The Concert

654 45 0
                                    




Maaga pa lang ay ginising na ako ni Edward sa tawag niya.. ganun ba siya ka excited sa Music Fest?

"hello?" antok kong pagsagot sa phone.

"hmm.. tulog pa din ang babe ko. gising na.." wika niya

"ang aga pa love mamayang gabi pa music fest eh... "

"It's late babe 9am na.. gising na..diba sabi mo pupunta ng school ng 12? so get up na magprepare ka na okay.. susunduin kita Im on my way. "

"haaay nako!! Edward Dale.. kahit kailan talaga. sige na ito na .." napatayo naman ako sa pangungulit niya. and I was shocked nung sinabi nyang alas nuebe na, akala ko kasi 6 lang eh haha.


So ayun nga naghanda ako at maya-maya lang dumating na si Edward upang sunduin ako..

"Ma.. una na ako sa inyo.. punta kayo sa school ha start na ng 6pm so be there ng 5.. okay ba ma? ngets mo ba?" wika ko.

"OO na.. alam na naman ng kuya mo yun  kaya maaga kami dadating dun wag ka magaalala. sige na lakad na kayo.. " sagot ni mama.


Sa School.. (1:30 pm)

pagkadating sa music room ay nakita ko naman na andun na din si Nikka, tinutulungan nito ang iba sa pag aayos ng gamit.. yung iba naman ay nagpapamake up na..sobrang dami kasi namin kaya kailangan simulan na ng maaga ang pagmamake up para retouch na lang mamaya.. ako naman ay nakaupo lang sa tabi at nagmamasid.. Hindi ako makapaniwala, ito na yung moment na hinihintay ko.. Oras na para makamit ang pangarap..Kasama ang my love ko at sa tiwala ng mga co nightingales ko alam ko magiging successful tong music fest na to..

"ehem..ehem..ako na naman yang iniisip mo noh?"

"wow ha.. ang kapal." sagot ko.

"yiieee.. babe, I know Im super gwapo in your eyes.. pero please.. pagpahingahin mo naman ako sa isip mo." pangaasar nito.

hinampas ko naman siya ng paulit-ulit haha kire kasi eh..

"Oh.. stop!stop! joke lang! hahahaha" wika niya.

" I have something to say very important.." dugtong niya at biglang nagseryoso ang mukha niya.

" ano yun?" agad kong sagot.

ang tagal nyang nanahimik.. piste Edwaaard ano naa??

"Ano ??!!" naatatat kong tanong. I have an idea na kasi sa kung ano maari niyang sabihin, and hindi ako ready na marinig ulit to.,, hay..

"okay.. no. wag mo na lang sabihin not now.. parang alam ko na yan." wika ko sabay alis.. nahagip naman niya ang kamay ko.

"wait lang..listen muna babe.." wika niya.

"No I don't wanna listen..sa ngayon hindi yan ang gusto ko marinig love, sorry.. gusto ko GV lang." wika ko.

"Ano ba kasi iniisip mo?" tanong niya.

tinitigan ko siya.. bat ba di makuha sa isang salita ang lalaking to..??

"alam ko na nga yan eh. sinabi na ng dad mo kagabi sa akin.. you don't have to repeat it.. it hurts. ayoko mawala sa focus ngayon.. special day for me..kaya please Love wag natin pagusapan ngayon yan.."

"It hurts?? bakit?? " tanong niya ulit

sasabunutan ko talaga to pag di pa tumigil!! nakakalokaaa! nakita ko pa na napapangiti siya.. ano to lokohan??

"tntrip mo ba ako ha Edward Dale?? sige nga ako aalis hindi ka ba masasaktan?" sagot ko.

"aalis? sinong aalis?" tanong uli niya..

You are the Music In Me (MayWard❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon