YES!!!

741 53 7
                                    


"My Love sige na naman kasi pumayag ka na.. please." kausap ko si Edward sa phone, letse ayaw pumayag na isali ko siya sa music festival.. huhu

"babe naman eh please understand., Hindi ko kaya kumanta sa maraming tao, besides wala naman akong ganun kaganda na boses eh mapapahiya ka lang babe.." sagot niya sa tonong psweet.. pero wa epek sa akin ngayon to..hmm

"hmm.. sige na nga, bahala ka kung ayaw mo.." sagot ko

"tampo ka na niyan.. " tanging sagot niya..

"hinde.. sige na matulog na tayo, maaga pa klase bukas.. goodnight.."  NAGTATAMPO. AKO.  - _- ang gusto ko lang naman makasama siya sa iisang stage habang nagpeperform,   sa isang event na napaka importante sa akin.., maganda naman kasi talaga ang boses nya eh siya lang ayaw maniwala..shunga shunga tatangapin ko ba siya sa club kung pangit boses niya..  

"No.. sa tono ng boses mo nagtatampo ka..Hindi tayo matutulog na ganyan." sagot niya.. seryoso na din siya. 

"Hindi nga.. sige na matulog na tayo goodnight.." sagot ko sabay patay ng phone ko at tinurn ito sa silent mode.. alam ko kasing tatawag uli siya eh kaya mas mabuti na ang di ko marinig ang phone ko na nagriring..

2 oras na ako nakahiga nakatitig sa side table ko kung saan nakapatong ang cellphone ko.hindi pa din ako makatulog..iniisip ko kung paano ko ba mapipilit si Edward na sumali.. sana naman umeffect sa kanya ang pagtatampo ko ngayon at magbago isip niya.. nakonsensya din naman ako sa inasal ko kanina, dahil lang sa hindi nasunod ang gusto ko ay pinagbabaan ko na siya ng phone.. haay.. itetext ko na nga lang para magsorry.. pero oops! di pa din ako titigil na pilitin siya na sumali :D

pagkakuha ko ng cellphone ko ay nakita kong may 8 misscalls siya at 7 messages galing sa kanya binuksan ko ito..

FROM: MyLove

Grabe, binabaan ako ng phone.. wala man lang I Love you?Goodnight lang?

---

Answer my Call babe..please.. :(

---

Babe??

---

Babe... :(

---

Alam kong nagtatampo ka .. sorry na.. ILoveYou 

---

Alam ko din na naka silent na yang phone mo kaya di mo nasasagot ang tawag ko...Pero di mo ko matitiis.. hihintayin ko reply mo babe. :P

---

Babe.. halos magdadalawang oras na ako naghihintay ng reply mo, Nagtatampo ka talaga.. sorry na..please.. call me or magreply ka...hindi ako makakatulog na ganyan ka nagtatampo.. :'(


Grabe.. wala man lang ako nabasang "okay sasali na ako." o kahit "Okay pagiisipan ko" Wa epek ang mga inarte ko.. huhu.. samantalang ako.. eto nakokonsensya, haay.. bakit ko nga ba siya pipilitin sa mga bagay na di niya gusto.. 

dahil sa mga narealize ko ay agad ko siya tinext...


To : MyLove

Sorry na kung pinipilit kita sumali sa music festival... dun kasi magsisimula na matupad pangarap ko eh knowing na maraming dadating na big stars sa event..Gusto ko lang naman na kasama kita kung sakaling matupad yun eh..tapos mawawalan na rin tayo ng time dahil sa mga rehearsals,kung andun ka at least magkasama tayo... Pero narealize ko nagiging selfish na ata ako bat nga ba kita pipilitin sa mga bagay na hindi ka kumportable diba? kaya sige na okay lang kahit di ka na sumali just promise me na You'll be there pagdating nung event ha at magiging Understanding ka dahil mas madalas na ang may rehearsal kaysa magkasama tayo...okay?? Sleep ka na.. See you tomorrow My Love. Goodnight... ILOVEYOU! (Capslock para INTENSE hihi) 

You are the Music In Me (MayWard❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon