The Last Kiss

625 43 3
                                    


Yung video sa taas ang pinapakingan ko habang tinatype to.. so baka gusto nyo rin pakingan habang binabasa nyo.. lalo dun sa goodbye scene nila :) 

_Author_

---------


Malamig na simoy ng hangin ang naramdaman ko habang ako ay nakapikit. Unti-unti akong dumilat at tiningnan kung anong oras na, alas dos ng umaga.  Umaga na, ito na ata ang pinakamasamang gising sa buong buhay ko sapagkat ito ang araw na nangangahulugang kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na wala ang mahal ko. Si Edward. 

Sa pagmunimuni ko ay naramdaman ko ang mas humigpit na yakap ni Edward., 

"It's too early babe, sleep more." wika niya. 

hindi ako sumagot. tinitigan ko lang siya.. gusto kong isaisip bawat detalye ng mukha niya.. maya-maya lang ay dumilat na din siya. ngumiti ako ng bahagya. tinitigan niya muna ako at pagkatapos ay sinimulan niya na akong halikan sa labi.. nagpaubaya ako sa gusto niyang gawin..kung ano man ang iniisip nyong nangyare ay oo yun na nga yun. It was full of love, so magical... matapos namin gawin ang bagay na yun ay niyakap niya akong muli. at muling nakatulog. 

Nagising na lamang kami sa isang katok at maingay na boses., kilala ko na kung sino to si Nikka.

"beshy.. Edward!! gising na.. tama na momol okay? alas nuebe na. kaloka kayo!" sigaw niya. 

agad naman kaming napabalikwas ng marinig kung anong oras na.,  maaga kasi kaming aalis para maaga din daw kami makauwi sabi ni Edward, ayaw niyang maghintay pa kami dun hanggang gabi., 8pm kasi ang flight niya. 

Matapos kong magbihis ay lalabas na sana ako ng kwarto ng hawakan ni Edward ang kamay ko. 

" good morning kiss ko?" wika niya. 

"baliw. hindi pa ba sapat yung nangyare kanina? magpapagood morning kiss ka pa." sagot ko. 

"Hindi.. gusto ko pa nga ng round 3." pabiro niyang sinabi. 

"ewan ko sayo.. " wika ko sabay labas ng kwarto.. pero bago pa man ako makababa ng hagdan ay bumalik ako sa kwarto niya binigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi.. naaninag ko naman na napangiti siya sa ginawa ko. 


Sabay kaming nagalmusal , andito din si Nikka at ate Elisse.. sasama daw sila sa paghatid kay Edward, pati din daw ata si kuya na papunta na din daw dito sa bahay ni Edward. 

"ay girl..dapat bongga ang eksena mo later sa Airport ha! malay mo ma MMK ka, edi madadamay ako dun.. " si Nikka.. na pinipilit magpasaya.. kilala ako ng bestfriend ko na to., pag tahamik ako alam niya na ang mga dapat gawin. 

maya-maya lang ay dumating na din si Edward.

"ay! ayan na .. ready ka na ba ?" tanong ni Nikka.

"yep, pinalagay ko na yung mga gamit ko sa van. after natin mag almusal pwede na tayo umalis." sagot ni Edward at ng tumingin ito sa akin ay umiwas ako. 

maya-maya din lang ay dumating na si Kuya na mas lalong nagpaingay sa bahay.. 

"ano tol, alis ka na talaga?" wika ni Kuya. tumango lang si Edward. 

umalis na ako sa kinauupuan ko at kinuha na lang ang mga gamit ko sa kwarto ni Edward, alam kong ako na naman pagdidiskitahan ni kuya..HIndi ko kayang makipagbiruan ngayon. masyadong mabigat ang nararamdaman ko . 


"Beshy!!!!! Let's go na!" sigaw ni Nikka. at agad naman akong bumaba.  Agad ko din naman nakita si Edward sa dulo ng hagdan hinihintay niya ako, nakatingin lang siya sa akin at inilahad ang kamay niya.. inabot ko naman ito.  magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa van. 

You are the Music In Me (MayWard❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon