Chasing Game

804 47 8
                                    




Janine Dale's P.O.V

Natapos ko ang photoshoot for my Album.. sa totoo lang inisip kong wag na lang bumalik sa venue at mag request na iparesched na lang ang pictorial. matapos ang nangyari sa amin ni Edward sa dark room, nangamba ako sa kung anong maari pang mangyari.. Pero ayoko maging unprofessional dahil lang dun, besides naghirap ang mga tao na maayos ang set tapos hindi ko lang sisiputin isang malaking issue yun pag nagkataon.

Napagdesisyunan kong umuwi na lang muna sa bahay.. I need to rest, I need to be alone.. hanggang ngayon isang malaking tanong pa din sa akin kung bakit ako hinalikan ni Edward, anong ibig sabihin non? tama ba ako na nagpapangap lang siya noon na nakalimutan niya na ako? what..pinaglalaruan niya ba ako? I feel so stupid na nga dahil sa paghihintay niya sa akin ng limang taon tapos paglalaruan niya lang ako?what the f*** Im not his toy!. Masyado akong naging mabait sa kanya, Masyado ako nalunod sa pagmamahal ko sa kanya kaya siguro naisip niyang kaya niya akong iwan at balikan na lang kung kailan niya gusto, ganun ba yun Edward?...This is so wrong.

Umiinom ako ng wine habang iniisip ang nangyari kanina, gustong pumunta nila nikka at elisse dito sa bahay pero sinabi kong gusto ko magpahinga .. ayoko munang may marinig na sermon ngayon, dahil alam ko namang hindi ko din mapipigilan ang sarili ko na ikwento sa kanila ang nangyari...

maya-maya lamang ay nagmessage sa akin si Nikka.

from: Beshy

Mag explain ka sa akin Janine Dale Entrata!!!!

galit na naman si bakla.. ano na naman issue nato? shit. hindi niya naman siguro kami nakita ni Edward diba? nagreply ako sa kanya.

To: Beshy

Anong eexplain ko sayo?? pagod nga ako diba? bukas na tayo magbonding please.

Message sent.

nagreply naman agad si NIkka.

From: Beshy

Talagang magbobonding tayo bukas kukurutin ko yang singit mo! ano ka ba, pinagcchismisan ka na hindi mo pa alam?! jusko day! mag online ka sa facebook ng malaman mo.

kinabahan ako sa mga sinabi ni NIkka, kaya naman napa online ako agad sa facebook.. and shit is real! sinong nagpakalat nito??Sinong nagvideo?!! Yung nangyari sa amin ni Edward kanina it went viral..

tho madilim halatang ako yun atsaka nakuha sa camera nung bigla akong lumabas at naiwan si Edward sa loob

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

tho madilim halatang ako yun atsaka nakuha sa camera nung bigla akong lumabas at naiwan si Edward sa loob.

Now, Nikka is calling me... sermon na naman to.. plus nagmessage na din sa akin sa facebook si Kuya Vincent.

Kuya: ano to Dale?

tanging sambit ni kuya kasama yung video namin ni Ed...

kuya: answer me Dale, hindi mo gugustuhin pag ako ang pumunta jan... sino yung kasama mo?

You are the Music In Me (MayWard❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon